PFDA - Lucena Fish Port Complex
Lucena Fish Port Complex (LFPC), managed and operated by the Philippine Fisheries Development Author
31/05/2026
Maligayang Araw ng Mangingisda!
Sa pagdiriwang ng Araw ng Mangingisda, nakikiisa ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) sa pagkilala sa sipag at sakripisyo ng ating mga mangingisda sa food security at kabuhayan ng bansa.
Kaisa ang PFDA sa mga programang magpapalakas sa sektor ng pangisdaan at mag-aangat sa kapakanan ng ating mga kababayan sa baybayin at karagatan.
Sa araw na ito, ating bigyang pugay, suportahan, at pasalamatan ang mga mangingisda na tunay na haligi ng ating yamang-dagat. Sama-sama nating
itaguyod ang kanilang kabuhayan para sa mas maunlad na kinabukasan ng Pilipinas.
Maligayang Araw ng Mangingisda!
29/05/2026
Sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin ngayon, ang kanilang pagsisikap ang nagdadala ng pagkain sa ating hapag at nagpapanatili ng kabuhayan sa ating mga komunidad. Kilalanin natin ang kanilang mga sakripisyo, suportahan ang kanilang kabuhayan, at magtulungan upang matiyak na ang kanilang kontribusyon ay pinahahalagahan at pinoprotektahan.
Bilang bahagi ng Philippine Fisheries Development Authority, kami ay narito upang patuloy na suportahan ang ating mga bayani na nagbibigay sa atin ng pagkain. Mabuhay ang ating mga magsasaka at mangingisda!
Engr. Roberto L. Fernandez
PFDA - Lucena Fish Port Complex Port Manager
———
Nakikiisa ang Philippine Fisheries Development Authority sa pagdiriwang ng Buwan ng Magsasaka at Mangingisda ngayong Mayo. Ang kanilang tapang at tiyaga ang nagbubukas ng daan tungo sa masaganang bukas. Sama‑sama nating palakasin ang kanilang kakayahan at itaguyod ang pantay na oportunidad para sa mga bayani ng bukid at dagat.
Mabuhay ang magsasaka at mangingisdang Pilipino!
25/05/2026
𝙄𝙨𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙪𝙣𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙗𝙞𝙙𝙖 𝙨𝙖 𝙛𝙞𝙨𝙝 𝙢𝙖𝙧𝙠𝙚𝙩!
Ang galunggong ay isa sa mga pinakapaboritong isda ng mga Pilipino dahil sa lasa, sustansya, at abot-kayang presyo nito.
Ikaw ano ang paboritong luto mo ng galunggong? 🐟
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Lucena Fish Port Complex, Prk. 3A, Barangay Dalahican
Lucena
4301