Patrol Probinsya
MGA BALITANG KINALAP MULA SA MGA PROBINSYA
13/11/2025
P6 NA BILYONG DONASYON , IBINIGAY NI CONGRESSMAN LEANDRO LEVISTE SA MGA ESTUDYANTE AT SA MGA NASALANTA NG BAGYO
Nagbigay si Congressman Leandro Legarda Leviste ng ₱6 bilyon piso mula sa shares ng kanyang kompanya at mula sa sariling kita upang suportahan ang mga mahihirap na estudyante at mga nasalanta ng bagyo.
Layunin ng Lingkod Legarda Leviste Foundation na makalikha ng hindi bababa sa ₱1 bilyon kada taon sa loob ng 50 taon bilang pangmatagalang pondo para sa edukasyon at disaster response.
Nakapagbigay na si Leviste ng tulong sa mahigit 150,000 estudyante sa anyo ng allowance, school bags at supplies, at nakapamahagi ng mahigit 1 milyong relief packs sa mga bayang nasa unang distrito ng Batangas.
Tinututukan ng kongresista ang pagpapalakas ng edukasyon bilang paraan upang maibangon sa kahirapan ang pinakamahirap na distrito sa Batangas.
Nagsimula ang kanyang pagtutok sa serbisyong publiko matapos ibenta noong 2024 ang kanyang shares sa SP New Energy Corporation sa Meralco sa halagang humigit-kumulang ₱34 bilyon, na kalaunan ay muli niyang ipinuhunan sa real estate at equity investments.
Inaanunsyo rin niyang balak niyang ipamigay ang buong yaman sa hinaharap bilang bahagi ng personal na adbokasiya para sa mas malawak na pagtulong sa mga Pilipino.
Photo: Leandro Legarda Leviste
Bandang alas 7:30 na ng umaga nang marekober ng mga rescuer ang wala ng buhay na katawan ng binatang biktima na nagpapahinga sa salas ng bahay ng mangyari ang isindente.
Pasado alas-11:20 ng gabi nitong Sabado nang araruhin ng isang ten-wheeler truck na nawalan ng preno ang tatlong bahay at 11 sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. Isabang, Lucena City.
Ayon sa imbestigasyon ng Lucena City police, bumabagtas sa palusong na bahagi ng highway ten wheeler truck na kargado ng mga fertilizer galing sa direksyon ng Sariaya at patungo sa direksyon ng Lucena City nang mula pa bahagi ng Barangay Calumpang, Sariaya ay mapansin ng mga bystander na walang humpay na ang pagbusina ng rumaragasang truck at tila nawalan na umano ng preno.
Ayon pa sa mga nakasaksi, umapoy na rin ang unahang gulong ng truck bago nito sinalpok ang limang nakaparadang sasakyan sa harap ng isang radio station.
Nagliyab ang unang kotseng nasalpok at nadamay pa ang 4 pang sasakyan.
Nagpatuloy pa sa pagtakbo ang truck at nasagi pa ang nakaparadang isang pick up at isang SUV at isang tumatakbong tricycle.
Wasak ang ang tricycle at agad nasawi ang dalawang lalaking sakay nito.
Huling sinalpok ng truck ang tatlong bahay kasama ang tatlong sasakyan na nasa garahe nito.
Sa tindi ng pagsalpok, giba ang mga bakod na pader at tuluyang nawasak ang ikalawang bahay kung saan naroon ang nasawing ikatlong biktima.
Kadarating lamang umano nito ng bahay at nagpapahinga sa salas ng araruhin ng truck at magiba ang buong bahay.
4 NASAWI, 1 KRITIKAL NANG ARARUHIN NG TRUCK NA NAWALAN NG PRENO AT 3 BAHAY AT 11 SASAKYAN SA LUCENA CITY
Apat ang nasawi at isa ang nasa kritikal na kondisyon matapos araruhin ng isang ten-wheeler truck na nawalan ng preno ang tatlong bahay at 11 sasakyan sa Maharlika Highway, Brgy. Isabang, Lucena City, pasado alas-11:20 ng gabi nitong Sabado.
Kasama sa mga nasawi ang driver ng truck, dalawang lalaking sakay ng isang tricycle na nasalpok, at isang binata na nasa loob ng isa sa mga bahay na nadamay sa aksidente.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Lucena City Police, nakita mula sa Brgy. Calumpang, Sariaya na mabilis ang takbo ng truck na may kargang mga fertilizer.
Sabi ng mga saksi, tuluy-tuloy ang busina nito at nag-aapoy na ang unahang gulong bago pa man bumangga sa mga nakaparadang sasakyan sa harap ng isang istasyon ng radyo.
Unang nadamay ang limang sasakyan, kabilang ang isang kotseng agad nagliyab at sumiklab pa sa apat na iba pa.
Pagkatapos nito, bumangga pa ang truck sa isang pick-up, SUV, at tricycle na noo’y tumatakbo sa kalsada.
Lubhang napinsala ang tricycle at hindi na nailigtas ang dalawang lalaking sakay nito.
Huli nitong sinalpok ang tatlong bahay at nadamay din ang tatlong sasakyang nakaparada sa garahe.
Sa lakas ng impact, nagiba ang mga pader at tuluyang gumuho ang dalawa sa mga bahay, kung saan naroon ang isang binatang biktima na noo’y nagpapahinga sa sala.
Matinding pinsala rin ang tinamo ng ina ng binata na natutulog sa silid at kasalukuyang ginagamot sa ICU.
Narekober ang katawan ng anak bandang alas-9:15 ng umaga matapos matabunan ng mga debris.
Samantala, siyam na kabataang nagdiriwang ng kaarawan sa terrace ng ikatlong bahay ang nagtamo ng mga minor na sugat matapos tumakbo palayo nang marinig ang malakas na kalabog.
Sa kabutihang palad, buhay na nasagip ng mga rescuer ang isang a*o na natagpuan sa ilalim ng tumagilid na truck.
Kinumpirma ni Lucena City Police Chief PLtCol. Ryan Hernandez na hindi na rin umabot ng buhay sa ospital ang driver ng truck.
Patuloy pa ang masusing imbestigasyon upang matukoy ang eksaktong sanhi ng pagkawala ng preno at iba pang pangyayari sa naturang trahedya.
13/08/2025
1 DEDO, 10 SUGATAN SA SALPUKAN NG TANKER TRUCK AT PAMPASAHERONG JEEP SA CUENCA, BATANGAS
>>>
Isa ang nasawi habang 10 pa ang sugatan sa banggaan ng ga*oline tanker truck at pampasaherong jeep sa Cuenca, Batangas mag-aalas 5:00 ng umaga nitong Miyerkoles.
Ayon kay PMaj. Eduardo Timbol, hepe ng Cuenca Police ang nasawi ay ang driver ng pampasaherong jeep na si Reynaldo Vergara na idineklarang DOA sa Martin Marasigan District Hospital.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang aksidente ay naganap bandang 4:54 ng umaga sa national highway ng Brgy. Ibabao.
Papunta ang pampasaherong jeep sa direksyon ng Lipa City nang masalubong nito ang tanker truck na galing naman sa kabilang direksyon,
Biglang umanong inukopa ng truck ang linya ng jeep sa gitna ng paahon na bahagi ng highway.
Sinasabing mabilis ang takbo ng truck at nawalan ito ng kontrol na naging dahilan ng pag-salpok nito sa kaliwang bahagi ng jeep.
Dahil sa lakas ng impact, tumagilid ang jeep at nagtamo ng matinding pinsala ang lahat ng sakay.
Sampu sa mga pasahero ng jeep na karamihan ay mga empleyado na papa*ok sa trabaho at isang 15-anyos na estudyante, ang nagtamo rin ng malubhang mga sugat at dinala din sa Martin Marasigan District Hospital para sa agarang lunas.
ilan sa mga ito ay inilipat sa ibang pagamutan para sa karagdagang medikasyon dahil sa maselang kalagayan.
Patuloy namang pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver ng truck na nakilalang si Renato Medejo, 49, taga Bustos, Bulacan na tumakas matapos ang insidente.
PHOTO: CUENCA POLICE
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
CampGNakar
Lucena
4301