Organisasyong Pandayan
Ang Organisasyong Pandayan ay lupon ng mga mag-aaral sa Mabalacat City College na nagpapakadalubhasa sa wikang Filipino.
10/06/2026
Magandang tanghali, Organisasyong Pandayan! ๐
Sa pagkakataong ito, opisyal na po nating isinasara ang paghahain ng kandidatura para sa SIKLAB: Organisasyong Pandayan Eleksiyon 2026.
Maraming salamat sa mga mag-aaral na naglaan ng kanilang oras at nagpamalas ng kahandaang maglingkod sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanilang dedikasyon, kakayahan, at puso para sa kapakanan ng ating organisasyon.
Abangan na lamang po sa ating FB Page ang opisyal na pagpapakilala sa mga naghain ng kanilang kandidatura. Gayundin, hintayin ang susunod na anunsyo hinggil sa gaganaping eleksiyon na isasagawa sa pamamagitan ng MS Forms.
Muli, maraming salamat po! ๐
08/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐?
โ
โMatapos ang isang makabuluhang kabanata ng Taong Panuruan 2025โ2026, panibagong yugto ng pamumuno at paglilingkod ang magbubukas para sa mga mag-aaral na handang magsulong ng mga adhikain ng ating organisasyon.
โ
โSa temang ๐ฆ๐๐๐๐๐: ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐น๐ฒ๐ธ๐๐ถ๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, ikinagagalak naming ipahayag ang opisyal na pagbubukas ng paghahain ng kandidatura para sa mga nagnanais tumakbo at maging bahagi ng susunod na hanay ng mga opisyales na magsisilbi sa kapakanan ng bawat kasapi ng Organisasyong Pandayan.
โ
โKung taglay mo ang dedikasyon, kakayahan, at pusong handang maglingkod, maaari mong maakses ang Microsoft Forms sa ibaba upang maisumite ang iyong aplikasyon.
โ
โ๐https://forms.office.com/r/vLDYGHPiH8?origin=lprLink
โ
โ๐ฃ๐๐๐๐๐๐: Ang paghahain ng kandidatura ay bukas hanggang Miyerkules, Hunyo 11, 2026, sa ganap na ika-12:00 ng tanghali lamang.
โ
โHalina't makiisa, makilahok, at magsilbi. Siklaban ang diwa ng paglilingkod at pamumuno para sa kapuwa at para sa Organisasyong Pandayan.
โ
โ
โ
โ
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Mabalacat
2010