Zynergia- Ludy Bitara
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Zynergia- Ludy Bitara, Health/Beauty, Mabalacat.
03/04/2022
ANO ANG POLYCYSTIC O***Y SYNDROME (PCOS)?
🔸Ang Polycystic O***y Syndrome (PCOS) ang
pinakamadalas na hormonal disorder sa mga
babaeng nagreregla o mga babaeng puwedeng
mabuntis. Ang mga babaeng may PCOS ay
maaring makaramdam ng ilan sa mga
sumusunod -
🔹 Hindi regular o paghinto ng regla
🔹 Hindi mabuntis o magka-anak
🔹 Pagtaba (karaniwan na lumalapad ang waist line
o ang tinatawag na abdominal obesity kung
saan mas maraming taba sa may baywang).
Pero puwede ring magkaroon ng PCOS ang
babaeng payat o normal ang timbang.
🔹 Taghiyawat (acne)
🔹 Sobrang buhok sa mukha o katawan (karaniwan
sa mga parte na kadalasang walang buhok ang
babae, tulad ng sa ibabaw ng labi parang bigote
o sa dibdib)
🔹 Pagnipis ng buhok (tulad ng pagkalbo sa mga
lalaki)
🔸Tinawag ang kondisyon na ito na polycystic dahil
karaniwang may cysts ang obaryo ng mga
babaeng may PCOS. Hindi kanser ang mga cysts
na ito.
🔸Marami sa mga kababaihang may PCOS ay
nire-refer sa isang endocrinologist dahil may
mga kaakibat itong mga ibang problemang
pangkalusugan tulad ng:
🔹 Insulin resistance. Nahihirapang matunaw ang
asukal sa dugo kapag may insulin resistance at
ito ay maaring tumuloy sa type 2 diabetes.
🔹 Mababang level ng HDL o good cholesterol at
mataas na level ng LDL o bad cholesterol.
Mataas din ang triglycerides. Dahil dito
tumataas ang peligro ng mga babaeng may
PCOS na magkaroon ng atake sa puso o stroke.
🔹 Obstructive Sleep Apnea (OSA). Ang mga
babaeng may PCOS at overweight ay maaring
magkaroon ng OSA kung saan patigil-tigil ang
paghinga habang natutulog. Pag gising tuloy ay
parang pagod na pagod pa rin dahil hindi
maganda ang kalidad ng pagtulog dahil
bumababa ang oxygen sa dugo habang
natutulog at naiipon naman ang carbon dioxide.
Karaniwan din na naghihilik ang mga may OSA.
🔹 Dahil irregular ang regla, puwedeng kumapal
ang lining ng matres. Huwag itong pabayaan
para hindi mauwi sa endometrial cancer o
kanser sa lining sa matres.
ANG MGA BABAE PONG MAY PCOS AY MALIIT ANG CHANCE NA MABUNTIS. NAPAKARAMI PO ANG MAY GANITONG CONDITION ANG MATAGAL NANG NAGTATRY MABUNTIS PERO WALA PA RIN.
MAY NATURAL NA PARAAN PARA MATULUNGAN MAGING MAAYOS ANG HORMONAL IMBALANCE AT PCOS.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Telephone
Website
Address
Mabalacat