Payat Hustlin

Payat Hustlin

Share

This page is for Motivational Quotes Content🧠

20/05/2026

Sa tuwing aabsent ako sa trabaho ang lagi kong dahilan ay “TINATAMAD AKO” pero ang totoo,
pagod talaga ako dahil sa trabaho
gusto ko magpahinga,
gusto ko enjoyin yung oras para makalimutan ko yung pagod,
gusto kong ma refresh yung utak ko sa stressed sa Trabaho

Hindi lahat ng tinatamad eh batugan minsan nag rerecharge lang sila ng katawan para may lakas ulit sila sa trabahong sahod ay pagod

Pero lagi mong iisipin na mas ayos ng mapagod kaka trabaho wag lang sa kakahanap ng trabaho.

Payat Hustlin

20/05/2026

Galingan mo lagi sa buhay kase ang reyalidad kapag wala kang pera,wala kang kwenta.

Payat Hustlin

20/05/2026

Motivational quotes of the day:

“Balang araw di kana mapapagod kakatrabaho,kase patay kana.”

09/05/2026

Bless my hustle,Lord.
Gusto ko maging successful hindi para sa pansarili,para sa Pamilya at mga Kaibigan🙏

-Payat Hustlin

09/05/2026

Bihirang magsimba,pero araw araw naniniwalang may Diyos na kasama.

-Payat Hustlin

05/05/2026

🥷

Mas pipiliin ko pang umupo at makipag kwentuhan sa mga makasalanang inaamin agad ang mga pagkakamali nila,kesa makisama sa mga taong mapagpanggap na mabuti silang tao.

-Payat Hustlin

05/05/2026

05/05/2026

May all our prayers and manifestations be granted✨

-Payat Hustlin

07/03/2026

Mga mali na ginawa ko noong estudyante pa ako.

Akala ko okay lang kasi bata pa.
Akala ko may oras pa.
Akala ko hindi pa seryoso ang buhay.

Mali pala.

Una: sinayang ko ang oras sa wala.
Scroll. Tambay. Puyat.
Maraming oras, walang direksyon.

Pangalawa: hindi ko sineryoso ang skills.
Akala ko diploma lang sapat na.
Hindi pala.
Skill ang hinahanap, hindi papel.

Pangatlo: gumastos ako para makisabay.
Gala. Gamit. Trip ng tropa.
Walang ipon, walang plano.

Pang-apat: hindi ako nagtanong sa mga nauna sakin.
Akala ko alam ko na lahat.
Pride ang puhunan, kamalian ang bayad.

Kung babalik ako,
mas pipiliin kong maging boring na estudyante
kesa cool pero walang dala.

Hindi mo kailangang maging perfect noon.
Pero sana naging mas aware ka.

Mas okay bang ienjoy ang student life kahit sabog,
o mas tama ang maging disiplinado kahit boring?

-Payat Hustlin

07/03/2026

Hindi lahat ng relasyon dapat ipaglaban.
Minsan, ikaw mismo kailangan mo iligtas sarili mo.

Kung nauubos ka at kung nawawala direksyon mo,
kung pera at future mo ang unti-unting sinasakripisyo.

Hindi yan love, liability 'yan.

Ang tamang relasyon, hindi ka hinihila pababa.
Tinataas ng tamang relasyon ang standards.

Want your business to be the top-listed Photography Service in Macabebe?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Macabebe Sta Maria
Macabebe
2018