Dear Kuya Eds

Dear Kuya Eds

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dear Kuya Eds, Public Service, Majayjay-Botocan Highway, Majayjay.

Photos from Dear Kuya Eds's post 24/05/2022

Dear Kuya Eds❣️❣️❣️

Majayjay, Laguna—-Maraming maraming Salamat po DOLE NLRC-NCR dahil umabot man ng higit isang taon ang reklamo ng ating mga kababayan na sina Simon Nombrado, Bryan Romulo at Gavino Biggaong (from Lumban) vs St. Francis Development Corporation, sa huli, maayos pa rin po itong naresolba.

February 2021 nang ilapit natin ang “work concerns” ng tatlo sa tanggapan ni Sir Erwin Tulfo at eventually ay sa DOLE.

Dumaan ito sa proseso hanggang sa maresolba ngayong araw.

Maraming salamat po sa St. Francis Corp.

God is really good. God bless us all. 🙏❤️

18/05/2022

Dear Kuya Eds❗️❗️❗️
05.18.2022

“The purpose of life is not to be happy. It is to be useful, to be honorable, to be compassionate, to have it make some difference that you have lived and lived well”—Ralph Waldo Emerson

Brgy. San Miguel Majayjay, Laguna—-Maraming maraming Salamat po PGH Ophthalmology Department para sa Successful Surgery ng 68-year old nating Kababayan na si Lola Benilda Consebido ngayong araw.

Parehong may Katarata ang mata ni Lola Benilda at hinihinalang may Glaucoma rin ang kaliwang mata nito.

Matapos ang ilang buwang paghihintay, sa wakas, na-operahan din ang isang mata ni Nanay Benilda.

Unang na-check up ng PGH Ophthalmologist si Lola Benilda noong November 17 at naging cleared para sa operasyon nitong Nov. 23, 2021.

Libre ang naging Operasyon ng Pasyente.

To God Be The Glory! 🙏❤️

Disclaimer:

Ang Dear Kuya Eds ay isang programa sa pamamagitan ng Social Media na naglalayung maging tulay para sa mga Indibidwal na gustong tumulong sa mga Majayjayenong dapat at nangangailangan ng tulong lalo na ngayong panahon ng Pandemya.

Ang anumang post kaugnay nito ay naghahangad na magbigay pag-asa at lakas ng loob sa iba na alagaan ang sarili at magpagamot kahit pa sa gitna ng Pandemya. Maraming Salamat po!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Majayjay?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Majayjay-Botocan Highway
Majayjay
4005