WHO R U?

WHO R U?

Share

Who R U? is a publishing company

20/08/2024

Tama na chika ate sis, ako naman 🤣

20/08/2024

Rumampa si Eva Le Queen bilang Top 2 ng pilot episode ng "RuPaul's Drag Race: Global All Stars," na ipinalabas noong Agosto 16.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ng Filipina drag artist Eva Le Queen ang inspirasyon para sa kanyang runway look sa pilot episode, na isang fitted dress na may umaagos na gold at silver-coin detail at may kapares na "Salakot" na gamit ng mga magsasaka laban sa araw at ulan.

Sinabi ni Eva Le Queen na ang inspirasyon sa kanyang outfit ay ang kanyang lolo, na dating magsasaka.

"The "Alkansya" or bamboo piggy bank look inspired by my lolo who used to fill the bamboo pillars of his Nipa hut with his hard-earned coins from farming as their humble inheritance for their kids," caption ni Eva sa kaniyang post nitong Agosto 18.

12/08/2024

SA TRUE LANG PO...

Hindi umano maiwasang ikumpara ni Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. ang naging pamamalakad noon ni dating Vice President Leni Robredo sa kasalukuyang mga tirada at 'spectacle' ni Vice President Sara Duterte sa iba’t ibang isyu sa gobyerno.

Ipinunto ng kongresista na patuloy pa rin namang nagtrabaho at naglingkod sa bayan si Robredo bagamat panay ang tirada sa kanya ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Bordado, hindi umano naging hadlang ang panggigipit ng administrasyong Duterte sa pondo ng Office of the Vice President upang epektibong magampanan ni Robredo ang kanyang sinumpaang tungkulin.

Malayong-malayo aniya ito sa naging mga aksyon kamakailan ni VP Sara, na nagresign bilang kalihim 'for undisclosed reasons' at tinawag na 'political harassment' ang pagtanggal sa ilang miyembro ng security detail ng Pangalawang Pangulo.

Want your business to be the top-listed Media Company in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Sen Gil Puyat Avenue
Makati
1209