DZMM Radyo Patrol 630

DZMM Radyo Patrol 630

Share

This is the Official Page of DZMM RADYO PATROL 630, Una sa Balita, Una Sa Public Service.

Photos from DZMM Radyo Patrol 630's post 14/07/2026

Arestado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang 20-anyos na babaeng pasahero matapos mahulihan ng suspected ma*****na kush na nagkakahalaga ng Php 114,000 ngayong araw, Hulyo 14.

Patungo sana ng Cebu ang pasahero nang mapansin ang kahina-hinalang imahe sa loob ng kaniyang backpack. Nang buksan ito para sa manual inspection, tumambad sa loob ng isang makeup kit pouch ang isang w**d grinder at nasa 76 grams ng hinihinalang kush.

Dinala na ang pasahero at ang mga nakuhang ebidensya sa NAIA-IADITG para sa karagdagang imbestigasyon. Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

📸: PNP-AVSEGROUP

14/07/2026

PAGDATING NI VP SARA SA SENADO NGAYONG ARAW: NO COMMITMENT, NO CONFIRMATION

PANOORIN: Ayon kay Defense Counsel Spokesperson Atty. Michael Poa, wala pang klarong kumunikasyon si Vice President Sara Duterte kung tutuloy ito sa Senado ngayong araw.

Dagdag pa ni Poa, hindi rin sigurado ang kanilang kampo kung gaano kahaba pa ang pagtayo ni Atty. Jeremy Lotoc sa witness stand at kung maisasalang ngayong araw si Atty. Zuleika Lopez. l via Angela Babad / PRTV News

14/07/2026

Bahagyang nagkainitan ang Prosekusyon at Depensa matapos ang komento ni Defense Counsel Atty. Mark Vinluan sa sagot ni NBI-BARMM Regional Director Jeremy Lotoc.

Inuusisa ni Vinluan si Lotoc kung paano naging biktima ng Grave Threats sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ilang kamag-anak nito kahit na walang personal correspondence mula sa kanila.

Tinutulan ito ni Prosecution Counsel Atty. Virgil Ligutan at tinawag na "unprofessional" ang mga pahayag ni Vinluan.

Nagpa-alala naman si Sen. Chiz Escudero sa dalawang counsel na iwasan ang side remarks.

14/07/2026

Pinalagan ni political analyst Atty. Jess Falcis ang argumento ng depensa na sakop ng freedom of speech ang mga kontrobersyal na banta ni Vice President Sara Duterte.

Inihalintulad ito ni Falcis sa isang bomb joke na kahit sabihing biro lang, ay lumilikha na agad ng panic at alarma sa publiko. Aniya, dahil kumalat at naging viral na ito sa social media, hindi na ito pwedeng ituring na protected speech.

Binigyang-diin din niya na bigo ang depensa na i-discredit ang National Bureau of Investigation dahil puro maliliit na typographical errors lang ang pinupuna ng mga ito na walang kinalaman sa mismong substance ng kaso.

Want your business to be the top-listed Media Company in Makati?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


3F Universal RE Bldg, 106 Paseo De Roxas
Makati
1226