PROF on AIR
Get the latest in Science & Technology, Grammar, Trivia, History, Health News, & Helpful Tips!
02/05/2026
MARAMING SALAMAT PO SA TIWALA Iskolarium ng Polytechnic University of the Philippines - Sta. Maria, Bulacan Campus!
๐๐๐๐๐ง๐ | ๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐บ, ๐ก๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ฒ๐บ๐ถ๐ป๐ฎ๐ฟ ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐๐ ๐๐ผ๐๐ฟ๐ป๐ฎ๐น๐ถ๐๐๐
Nagsagawa ang Iskolarium ng isang makabuluhang online seminar na nakatuon sa pagpapaunlad ng kakayahan ng mga batang mamamahayag noong April 20, 2026.
Idinaos ang seminar sa pamamagitan ng Google Meet na dinaluhan ng mga minyembro ng nasabing organisasyon. Samantala, nagbigay naman ng mga pambungad na mensahe sina Doc. Arman Santos, campus Director, at Doc. Khaye Castro.
Naging makabuluhan din ang talakayan kasama ang panauhing tagapagsalita na si Prof. W***y Perez na nagbahagi ng kanyang kaalaman at karanasan sa larangan ng komunikasyon at pamamahayag. Sa kanyang talakayan, binigyang-diin ang mahahalagang katangian ng isang mahusay na campus journalist tulad ng; katapatan, pagiging mapanuri, at pananagutan sa pagbibigay ng impormasyon. Ipinunto rin niya na ang tungkulin ng isang mamamahayag ay hindi lamang mag-ulat ng balita, kundi maging tagapagtanggol ng katotohanan at boses ng komunidad.
Isa sa mga tumatak na mensahe ay ang kahalagahan ng integridad sa pagsusulat at pag-uulat. Aniya โAangat ka mula sa panlalamang sa kapwa at makikinabang sa โnakaw na pera subalit hindi mo kailanman aanihin ang respeto at tiwala ng mapanuring lipunan.โ Ipinapaalala nito sa mga kalahok na ang kredibilidad ng isang mamamahayag ay nakasalalay sa kanyang katapatan at prinsipyo.
Bilang pagtatapos ng programa, isinagawa ang Awarding of Certificates upang kilalanin ang mga naging bahagi ng seminar. Iginawad kay Prof. W***y Perez ang Certificate of Appreciation bilang pasasalamat sa kanyang mahalagang kontribusyon bilang resource speaker.
โ๐ป Mjay Vargas
๐จ Rainn Castillo
๐ท Caleb Bataller
ABANGAN SA PROFESSOR ON AIR MAY 2, 2026 - SABADO 10-11AM LIVE NATIONWIDE SA RADYO PILIPINO NETWORK!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Eduardo Cojuangco Jr Building
Manila
1002