Coach Bucag Blog

Coach Bucag Blog

Share

FOLLOW ME AND SHARE

27/01/2026

Ang disiplina ang tulay sa pagitan ng kung sino ka ngayon at kung sino ang kaya mong maging.

At ang matitibay na pamantayan ang patunay na seryoso ka sa sarili mong paglago hindi lang kapag madali, kundi lalo na kapag mahirap.

Hindi umaasa ang disiplina sa emosyon. Ang emosyon ay pabago-bago: ngayon inspirado ka, bukas pagod ka.

Pero ang disiplina, kapag napagpasyahan na, nananatili kahit walang gana, kahit walang palakpak, kahit masakit.

Hindi ka umaangat dahil motivated ka.
Umaangat ka dahil may disiplina ka at malinaw ang pamantayan mo.

At doon nagsisimula ang tunay na pagbabago.

COACH BUCAG

16/01/2026

With Team siaw – I just got recognized as one of their top fans! 🎉

16/01/2026

Hindi lahat ng pagkatalo ay wakas ang iba ay pagsasanay. Ang bawat kabiguang dinaranas mo ay nagtuturo ng aral na hindi kayang ibigay ng tagumpay.

Sa mga panahong natatalo ka, doon hinuhubog ang iyong isip, tibay ng loob, at karunungan.

Ang pansamantalang sakit at pagkatalo ay bahagi ng mas malaking layunin,

"Ang ganap na tagumpay."

Kung hindi ka matutong matalo, hindi mo kailanman mauunawaan kung paano manalo nang may talino, disiplina, at tapang.

Kapag natutunan mo ang mga aral na ito at hindi ka sumuko, mas nagiging handa ka para sa mas malaking laban. Ang maliliit na talo ngayon ang nagiging daan para sa mas malaking panalo sa huli.

COACH BUCAG

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address


METRO MANILA
Manila