Extra Service PH.
An educational campaign page that aims to raise awareness about prostitution.
20/12/2020
LAST NA AMBAGAN| Bilang pampinid na graphics para sa serye ng mga video tungkol sa prostitution, panoorin ang huling paglilining (reflection) tungkol sa karanasan, at kadahilanan ng maraming tao —lalong una ng mga kababaihan— sa pagkahulog sa pag-aalok ng aliw kapalit ng salapi.
Ang videong ito ay inihanda at isinulat ni Mark Anthony Cabigas para taluntunin ang kasaysayan, ang kasalukuyan at hinaharap ng prostitution sa Pilipinas. Tampok rin sa bahaging ito ng presentasyon ang isang pagninilay sa aklat ni Rhonda Byrne na The Secret upang ating maging posibleng hanguan ng kaparaanan upang harinawa ay dumating tayo sa panahong hindi na tayo magkupkop at magpanatili ng puwang para sa pagbebenta ng laman.
HULING HIMOK, AT ANG ATING SAMA-SAMANG BATTLE CRY:
"OUR BODY IS NOT A COMMODITY!"
30/11/2020
ARAW NI BONIFACIO! | Kasama ang parehong mga prinsipyo ng pagpapahalaga sa karangalan, kalinisan at kaginhawaan, nakikiisa ang Extra Service PH sa pag-gunita sa kapanganakan ng Pangulo ng Katipunan — G*t Andres Bonifacio!
25/11/2020
SI DEXTER, 'DI NIYA TUNAY NA PANGALAN | Ang mundo ng alter o alternative accounts lalong lalo na sa twitter ang isa sa naging paraan ng pagsabay ng prostitution sa inobasyong handog ng teknolohiya. Mula sa mga casa, sa cabaret, sa beerhouse, sa kalye ngayon ay nasa social media na rin ang pag-aalok ng katawan at serbisyong sekswal. Minsan katuwaan pero madalas pinagkakakitaan ang pakikitalik sa mga bagong kakilala sa social media gamit ang alter accounts.
Bilang talima sa aming layunin na galugarin at malalimang siyasatin ang daigdig ng prostitution, kinapanayam namin si Dexter, di niya tunay na pangalan, na aminadong gumagamit ng alter account para maghatid ng serbisyong sekswal kapalit ng ilang materyal na benipisyo mula sa ibang tao. Alamin natin ang kwento, opinyon, at saloobin ng taong naniniwalang maaaring gawing komoditi maging ang sariling katawan.
.
______________________________________________________________________
Support our campaign by liking our page! :)
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Philippine Normal University
Manila