Independent Student Action-PCU
Serve the Masses
25/02/2024
OPISYAL NA PAHAYAG NG Independent Student Action-PCU SA ANIBERSARYO NG EDSA REVOLUTION DAY!
Ang Pebrero 25 ay petsang lagi nang nakatatak sa ating kasaysayan, bilang paggunita sa lakas ng nagkakaisang bayan na lumaban para sa kanyang kalayaan. Sa araw na ito, winakasan sa mapayapang paraan ang maraming taon ng pang-aabuso sa kapangyarihan at pag-apak sa karapatang pantao. Iginuhit ng rebolusyong ito ang mga bagong pangarap para sa pagbangon ng ating bansa.
Datapwa't, tila masasabing hindi kumpleto ang rebolusyon. Marami parin ang mga suliranin ng bawat Pilipino na nakaugat sa hindi tuluyang pag-unlad ng bansa. At sa gitna ng pagkaulit ng hindi magandang kasaysayang winakasan na dapat ng rebolusyong ito, hamon sa ating kasalukuyang henerasyon na ituloy ang layunin at labang sinimulan sa EDSA tatlumpu't walong taon na ang nakakaraan.
Hindi ang mga kulay, pamilya, or partido ang bida at kaluluwa ng EDSA Revolution. Ang bida at kaluluwa ay walang iba kundi ang Masang Pilipino, na nakipaglaban para sa hinahangad na pagbabago, kaunlaran, hustisya, at kapayapaan. Ito ang hindi dapat mabura at makalimutan ng mga Pilipino. Ito ang dapat ay patuloy na pahalagahan at ipaglaban!
29/12/2023
29/12/2023
Ang laban ng tsuper ay laban ng komyuter!
𝗔𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘁𝘀𝘂𝗽𝗲𝗿 𝗮𝘆 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘆𝘂𝘁𝗲𝗿!!
Ang mga jeep ay isa sa parte ng kultura ng bawat pilipino. Ito ay nagpapakita ng isang uri ng pagiging mabait at bayanihan. Ngunit, bakit natin ito tatanggalin?
Paano na ang mga drayber? Paano na mga mga estudyante? Paano na mga komyuter? Paano na ang mga pilipino? Ang pagiging progresibo ng isang nasyon is isang magandang bagay para sa lahat. Mas inklusibo, mas mayaman at mas maunlad ang magiging resulta nito. Pero, tama ba na ang maging kapalit nito ay isang mahinang sektor ng lipunan ang maiwan? Hirap na nga sila sa araw-araw pasada, sa init, sa ingay, sa mga reklamo, sa usok, dadagdagan pa ba natin to?
Ang University Student Government- Manila ay hayagang nagbibigay ng opinyon sa isyu ng modernisasyon ng jeepney. ITIGIL ITO AT IWASAN dahil hindi ito ang solusyon.
Tandaan natin na ang gobyerno ay dapat nagsisilbi sa mamayanan at hindi ito nanliliit.
𝗠𝗔𝗦𝗦𝗜𝗩𝗘 𝗡𝗢 𝗧𝗢 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬 𝗣𝗛𝗔𝗦𝗘𝗢𝗨𝗧!
30/11/2023
OPISYAL NA PAHAYAG NG INDEPENDENT STUDENT ACTION SA PAGDIRIWANG NG KAARAWAN NI ANDRES BONIFACIO
KATULAD NI ANDRES, HINDI SUSUKO ANG KABATAAN SA PAKIKIBAKA AT PAGBIBIGAY BOSES SA MGA NANGYAYARI SA LIPUNAN!
Ngayong ika-30 ng Nobyembre ay ating ipinagdiriwang ang kaarawan ng Ama ng Katipunan na si Andres Bonifacio. Si Bonifacio ay kilalang magiting na bayani na kumilos laban sa kolonyalismo na bumabalot sa bansa noong 1896. Sa pagsalubong natin sa araw ng kapanganakan ni Andres Bonifacio, isang bayani at tagapagtatag ng Katipunan, hindi lamang natin ipinagdiriwang ang kanyang personal na kadakilaan kundi pati na rin ang patuloy na laban ng mga mag-aaral sa pangarap ng isang mas maayos at makatarungan na lipunan.
Ang kwento ng kabayanihan ni Bonifacio ay dapat maging inspirasyon at magpagising ng damdamin ng mga Pilipino, lalo na ng mga mag-aaral na Pilipino. Tulad ni Bonifacio, ang mga mag-aaral ngayon ay patuloy na nagmumula sa iba't ibang sektor ng lipunan, nagbibigay-diin sa kanilang papel bilang mga tagapagtanggol ng karapatan at hustisya. Sa harap ng mga hamon tulad ng kahirapan, kawalan ng trabaho, at kawalan ng akses sa edukasyon, ang mga mag-aaral ay nagiging boses ng mga hindi napakikinggan, nagtataguyod ng pag-asa, at naglalagay ng pundasyon para sa mas maginhawang kinabukasan. Bilang mga unang nakakaramdam ng suliranin sa sistema ng edukasyon ng bansa, tayong mga estudyante ay dapat lumaban upang protektahan ang ating karapatan. Hindi natin hahayaan na tayo ay mapigilan ng mga nagtataas-taasan at ating ipaalam sa kanila ang totoong karanasan na kinahaharap ng mga estudyanteng Pilipino.
Ang pagtindig ng mga mag-aaral sa harap ng mga suliranin ng bansa ay naglalarawan ng kanilang determinasyon na maging bahagi ng solusyon at hindi lamang manatiling biktima ng sistema. Bagamat may mga pagsubok, sila ay patuloy na nagmumungkahi ng makabuluhang reporma, nagpapakita ng malasakit sa kapwa, at nagbibigay inspirasyon sa iba na lumaban para sa mga bagay na tama at makatarungan.
Gamit ang inspirasyon mula kay Bonifacio, ating ipaglaban ang aksesable, siyentipiko, at makamasa na edukasyon na nararapat ibigay sa mga Pilipino. Sa pagpapatuloy ng laban para sa karapatan at katarungan, nagsisilbing inspirasyon si Bonifacio sa mga mag-aaral ngayon na ipagpatuloy ang nasimulan niyang pagtutol sa anumang uri ng pang-aapi at kawalang-katarungan. Kasabay ng pag-alala sa kanyang alaala, nararapat din nating kilalanin at ipagbunyi ang mga modernong bayani sa anyo ng mga mag-aaral na nagtataguyod ng pagbabago at naglalakbay sa landas ng pag-unlad para sa ating bayan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
1648 Pedro Gil St. Cor. Taft Avenue , Malate
Manila
1004
Opening Hours
| Monday | 8am - 5am |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5am |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |