TeleNars
Ang TeleNars ay isang adbokasiyang pangkalusugan para sa ating mga nakakatanda sa buhay.
29/11/2022
Magandang buhay mga Lolo at Lola! 👴👵
Sa mga nakaraang araw, ay aming naipahatid ang mga impormasyon at kaalaman patungkol sa Telehealth gamit ang mga videos at infographics.
Ito ay aming inisa isa upang maipamahagi ng mas epektibo ang kinakailangan na kaalaman patungo sa kalusugan ang ating mga lolo at lola.
Kaya naman, ukol po rito ay narito ang aming panghuling maiksing survey upang aming malaman at mapagtanto kung ang aming adbokasiya ay naabot ang pangangailangan ng publiko at kung kayo po ay masaya sa aming adbokasiya.
https://poll.app.do/telenars-advocacy-evaluation-poll/7pKGzqou
Muli, maraming salamat po sa inyong oras at sa pagsuporta sa TeleNars 💗
Hanggang sa muli po mga lolo at lola!
Kung kaya naman, Huwag nang magalala, sapagkat alagang telehealth iyan!👨⚕️👩⚕️
💜
💛
💚
Magandang buhay mga Lolo at Lola! 👴👵
Saan tayo makakahanap ng telehealth sa pamamagitang ng FB? 🤔
Huwag po tayong mag-alala sapagkat bibigyan ko, na si Telenars Eri, kayo ng isang page na naghahatid ng online na medikal na konsultasyon! 🩺
Sa E-Konsulta Medical Clinic, isang tawag, isang message, at isang click, makakausap mo na ang doktor na gusto mo!🏡👨👩👦👦
Marami itong medikal serbisyo na tiyak matutulungan kayo. Halina't panoodin ang maikling bidyo tungkol dito! 🏥 👩🏻⚕️
Kung kaya naman, Huwag nang magalala, sapagkat alagang telehealth iyan!👨⚕️👩⚕️
💜
💛
💚
Magandang buhay mga lolo at lola! 👴👵
Nais niyo bang malaman kung ano pa ang inyong mga pwedeng gamitin na site para sa telehealth consultations? 🩺 'Wag kang mag-alala dahil nandito si Telenars Shane para magbigay ng isang pang halimbawa! 👩🏻⚕️🏥
Ang Bayanihan E-Konsulta ay isa pa sa maraming halimbawa ng mga page na maaari ninyong gamitin upang magpakonsulta. Ito ay nagbibigay ng libreng check-ups sa mga taong nangangailangan ng tulong pangkalusugan. ⛑😷
Kaya naman, kung gusto pang malaman ano ang mga ibinibigay nitong serbisyo, panoorin ang video sa baba! 💚💛
💜
💛
💚
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
University Of Santo Tomas/College Of Nursing
Manila