Dheng Lookout official

Dheng Lookout official

Share

inspiring,motivating, encouragement

14/02/2026

Devotion today

"Kanino mo pinagkakatiwala ang sarili mo sa Diyos o sa diyus-diyosan"?

1 Samuel 7:3 RTPV05
[3] Sinabi sa kanila ni Samuel, “Kung talagang buong pusong nanunumbalik na kayo kay Yahweh, alisin ninyong lahat ang mga diyus-diyosan at ang imahen ni Astarte. Italaga ninyo kay Yahweh ang inyong sarili at siya lamang ang inyong paglingkuran. Kapag ginawa ninyo ito, ililigtas niya kayo sa kapangyarihan ng mga Filisteo.”

✏️Ang diyus-diyosan ay hindi lamang patungkol sa imahe ito nakikita din sa ibang bagay kung saan nauubos ang oras,araw at pahanon ito ay isang diyus-diyosan din dahil nailalayo na ang sarili sa Diyos kaya ang tunay na nagbalik-loob sa Diyos nakikita sa gawa.

📍Remove from your life things that distance you from God.

📍Dedicate oneself to God alone

📍We should serve only God and not idols.

11/02/2026

Devotion today

"Magpapakabuti o Magiging Mapangahas"?

1 Samuel 6:19 RTPV05
[19] May pitumpung taga-Beth-semes na nangahas na sumilip sa Kaban ng Tipan, kaya't sila'y pinatay ni Yahweh. Nagluksa ang mga taga-Beth-semes nang makita nila ang malagim na kamatayan ng kanilang mga kababayan.

Ang pangyayaring ito ay nagpapaalala at nagbabala sa atin na huwag natin lalapastanganin ang kabanalan ng ating Diyos kilalanin natin ang pagiging Creator Niya alam Niya ang ginagawa natin at sa isang iglap kaya Niyang Kunin agad ang buhay natin dahil Siya ang nagmamay-ari nito.

📍Don't dare to blaspheme God's Holiness.

📍To dare to defy God's Holiness is to be destroyed.

📍Let's us honor and respect God.

10/02/2026

Devotion today

"Sigurado ka na ba sa Destinasyon mo"?

Pahayag 4:1-2 RTPV05
[1] Pagkatapos kong masaksihan ang mga bagay na ito, nakita ko sa langit ang isang bukás na pinto. At muli kong narinig ang tinig na parang tunog ng isang trumpeta, na ang sabi sa akin, “Umakyat ka rito, at ipapakita ko sa iyo kung ano pang mga mangyayari pagkatapos nito.” [2] At agad akong napuspos ng kapangyarihan ng Espiritu, at nakita ko sa langit ang isang trono at ang isang nakaupo roon.

✏️Ang langit ay kaharian ng Diyos at ito ang nais Niyang balikan natin pagtapos natin dito sa mundo sa paraan,para makabalik tayo pagsisihan natin ating mga kasalanan at sumasampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas

📍Heaven is real and our truly destination

📍The things in heaven are real and eternal

📍The Throne seated as King is Jesus Christ

27/01/2026

Devotion today

"Kailan ka huling nanalangin sa Diyos"

1 Samuel 1:9-10 RTPV05
[9] Minsan, matapos silang kumain sa Shilo, malungkot na pumunta si Ana at nanalangin sa bahay ni Yahweh. Nagkataong nakaupo sa may pintuan ng bahay ni Yahweh ang paring si Eli. [10] Buong pait na lumuluha si Ana at taimtim na nanalangin kay Yahweh.

✏️Sa panalangin natin dalhin ang mga suliranin at alalahanin natin sa buhay ang Diyos laging handang dinging ang ating mga pinapanalangin tulad ni Ana sa pananalangin sa Diyos dinadala ang suliranin at alalahanin niya.

📍Prayer it is not a optional, but it is a lifestyle

📍Prayer is faith and trust in God.

📍Prayer is communication with God.

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Lanuza Street
Manila
1100