PUP Open University System Student Council

PUP Open University System Student Council

Share

The PUP OUS SC serves as the highest student-government and the prime representative of the students in PUP Open University System.

Photos from ANAK PUP's post 14/06/2026

KILALANIN ANG MGA MIYEMBRO NG ANAK PUP 26TH CONGRESS!

Kilalanin ang mga Pangulo ng Konseho ng Mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na nagsilbing matatag na tinig at kinatawan ng mga Iskolar ng Bayan mula sa kani-kanilang mga kolehiyo at kampus!

Sa gitna ng samu’t saring hamon, kanilang pinatunayan na ang pamumuno ay hindi lamang tungkulin kundi isa rin itong paninindigan. Sa kanilang pangunguna, isinulong ang demokratikong karapatan, kapakanan, at mga panawagan ng mga estudyante sa loob at labas ng pamantasan.

Hamon sa panibagong yugto ng ANAK PUP Congress na igpawan ang lahat ng kontradiksyon, sumandig sa lakas ng mga Iskolar ng Bayan, at patuloy na makibaka, magpunyagi, at magtagumpay!

14/06/2026

ANIMNAPU’T ISANG (61) NOMINASYON NA ANG NATATANGGAP PARA SA !

Sa ganap na ika-12:30 nang tanghali ngayong ika-14 ng Hunyo, umabot na sa animnapu’t isa (61) ang kabuuang bilang ng mga nominasyong natanggap para sa paghahanap ng ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Pagpugayan ang aktibong pakikilahok ng mga Iskolar ng Bayan sa proseso ng nominasyon!

Mahalagang malinaw sa lahat na ang bilang ng nominasyon ay hindi katumbas ng bilang ng nominado—may mga pangulo ng konseho ng mag-aaral na nakatanggap ng higit sa isang nominasyon mula sa iba’t ibang Iskolar ng Bayan.

Nananatiling bukas ang nominasyon mamaya, hanggang ika-11:59 nang gabi.

14/06/2026

LIMAMPUNG (50) NOMINASYON NA ANG NATATANGGAP PARA SA !

Sa ganap na ika-12:00 nang madaling araw ngayong ika-14 ng Hunyo, umabot na sa limampu (50) ang kabuuang bilang ng mga nominasyong natanggap para sa paghahanap ng ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas.

Pagpugayan natin ang mga Iskolar ng Bayan na aktibong nakilahok sa proseso ng nominasyon. Sa kasalukuyan, nalampasan na ng ang dalawampu't walong (28) nominasyong naitala noong .

Mahalagang tandaan na ang bilang ng nominasyon ay hindi katumbas ng bilang ng mga nominado. May ilang pangulo ng konseho ng mag-aaral na nakatanggap ng higit sa isang nominasyon mula sa iba't ibang Iskolar ng Bayan sa buong PUP.

Mananatiling bukas ang nominasyon hanggang 11:59 mamayang gabi.

Patuloy nating paramihin ang mga nominasyon at palawakin ang pakikilahok ng mga estudyante sa paghahanap ng ating susunod na rehente!

12/06/2026

Isang Makasaysayan at Palabang Araw ng Kalayaan! ✊ 🇵🇭

Noong Hunyo 12, 1898, buong tapang na iwinagayway sa Kawit, Cavite ang ating watawat — hudyat ng pagwawakas ng higit tatlong daang taong kolonyalismo.

Ngunit ang tunay na kalayan ay hindi nagtatapos sa pagwawagayway ng bandila. Sa harap ng modernong kahirapan, banta sa ating soberanya, at panlipunang kawalan ng katarungan, ang diwa ng 1898 ay nananatiling isang hamon. Hindi tayo ganap na malaya hangga't may mga Pilipinong nakagapos sa pananamantala.

Ngayong Araw ng Kalayaan, itaas natin ang ating watawat kasabay ng pagtaas ng ating kamalayan. Gunitain ang kasaysayan, tindigan ang kasalukuyan.






🖼️: Joy Lee and Kim Azrael
✍️: Wilona Lickiayo

11/06/2026

𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜𝗽𝗲𝗻𝗱𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗗𝗮𝘆: 𝗧𝘂𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮?

Mula sa ating kasaysayan ng kolonyalismo hanggang sa kasalukuyan, nananatiling hamon ang korapsyon, kawalan ng hustisya, at mga patakarang nakatali sa dayuhang impluwensya na patuloy na humuhubog sa kalagayan ng bansa.

Hindi sapat ang paggunita sa kasaysayan kung hindi natin kikilalanin kung paano patuloy na humuhubog ang ating kolonyal na nakaraan sa mga krisis na kinahaharap natin ngayon.

Ang kalayaan ay hindi natatamo sa seremonya at pagwawagayway ng bandila. Hangga't nananatiling kontrolado ng iilan ang kapangyarihan at patuloy na nakatali ang bansa sa dayuhang interes — hindi pa ganap na realidad ang tunay na kalayaan.

Ngayong Hunyo 12, huwag lamang magdiwang— makilahok at makibaka. Sama-sama nating igiit ang tunay na nakabubuhay na kinabukasan para sa sambayanang Pilipino.

📍 Kalaw Cor., Taft
📆 Hunyo 12

SUMALI SA COORDINATING GC: https://m.me/j/AbYhhX998E5Dct6e/?send_source=gc%3Acopy_invite_link_c






🖼️: Joy Lee and Kim Azrael
✍️: Wilona Lickiayo

Photos from PUP Open University System Student Council's post 10/06/2026

ICYMI | The PUP Open University System Student Council joins the PUP Pride Mobilization led by BAHAGHARI PUP in reaffirming that Pride is, and has always been, a protest.

Kasama ang malawak na hanay ng mga Iskolar ng Bayan, nakiisa ang PUP OUS Student Council sa panawagang Pride is Protest. We stand with the LGBTQIA+ community in advancing equality, defending human rights, and building a society where every individual can live, learn, and thrive free from discrimination and exclusion.

We recognize that the fight for LGBTQIA+ rights is inseparable from the fight for accessible and quality education, democratic student spaces, and social justice. Beyond celebration, Pride remains a platform to amplify calls for equality, dignity, and genuine inclusion, while continuously challenging discrimination, violence, and systemic barriers that marginalize LGBTQIA+ Filipinos.

Kasabay nito, patuloy nating isinusulong ang dagdag na pondo para sa edukasyon, ang pagpapatibay at pagpapasa ng SOGIE Equality Bill, ang pagpapaigting ng gender-responsive and inclusive policies within academic institutions, at pananagutan mula sa mga nasa kapangyarihan sa mga usaping may direktang epekto sa ating mga komunidad.

Makibeki, Huwag Mashokot!
Pride is Protest. Pride is Solidarity. Pride is Action.

09/06/2026

PAHAYAG NG SUPORTA NG PUP OPEN UNIVERSITY SYSTEM STUDENT COUNCIL SA LABAN NG MGA TEKNOLOHISTA NG BAYAN

Mariing ipinahahayag ng Polytechnic University of the Philippines Open University System Student Council ang buong-pusong pakikiisa sa mga mag-aaral ng College of Computer and Information Sciences (CCIS) at buong Teknolohista ng Bayan sa kanilang gagawing walkout protest bukas, Hunyo 10, 2026.

Karapatan ng bawat mag-aaral ang isang edukasyong makatarungan, makatao, at inklusibo. Ang kasalukuyang sistema ng hands-on departmental examinations sa CCIS—na pinuwersa sa kabila ng kakulangan sa mga pasilidad, kawalan ng sapat na konsultasyon, at hindi makatwirang paniningil ng examination fees—ay malinaw na pahirap at anti-estudyante. Hindi nasusukat ng isang biglaang pagsusulit ang tunay na kakayahan ng mag-aaral, lalo na kung ang mismong pamantasan ay bigong magbigay ng sapat na suporta at kagamitan.

Walang puwang ang sistemang mapaniil sa loob ng ating pamantasan. Ang laban ng mga teknolohista ng bayan ay laban ng bawat Iskolar ng Bayan!

KONDUKTA

June 10, 2026
11:30 AM – Mass Up at 5/F South Wing Bridge
12:10 PM – Program Proper

TEKNOLOHISTA NG BAYAN!
WALKOUT LABAN SA HINDI MAKATARUNGAN!
HANDS-ON EXAMS!

Photos from PUP Open University System Student Council's post 08/06/2026

One meeting. One community. One OUS. ✊

Thank you to everyone who joined COOLA 2026: IskOUlars' One Voice!

As we close another Council of Leaders Assembly, we remain committed to strengthening communication, representation, and student participation within the OUS community.

Hanggang sa susunod na COLA, IskOUlars! Stay cool and keep your voices heard. ☀️🥤

07/06/2026

MAKIBAKA! MAGPUNYAGI! MAGTAGUMPAY! ✊

Sa loob ng dalawampu’t anim na taon, nananatiling matatag ang Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP) sa pagtupad sa tungkulin nitong pagkaisahin ang mga konseho ng mag-aaral at isulong ang karapatan at kapakanan ng mga Iskolar ng Bayan.

Bilang pederasyon ng mga konseho ng mag-aaral, patuloy na nagsisilbi ang ANAK PUP bilang daluyan ng pagkakaisa at sama-samang pagkilos ng bawat Iskolar ng Bayan. Pinatitibay nito ang hanay ng mga mag-aaral upang palakasin ang kanilang tinig at ipaglaban ang kanilang demokratikong karapatan sa loob at labas ng pamantasan.

Sa harap ng patuloy na krisis sa edukasyon—mula sa kakulangan ng pasilidad, tumataas na gastusin, hanggang sa patuloy na komersyalisasyon ng edukasyon—higit kailanman ay kinakailangan ang nagkakaisang mga konseho na handang manindigan at makibaka kasama ng mga estudyante para sa makatarungan at makamasang edukasyon.

Ngayong ika-26 na Kongreso, gagampanan din natin ang mahalagang tungkulin ng pagpili sa susunod na Rehente ng Mag-aaral na magsisilbing kinatawan ng humigit-kumulang 100,000 Iskolar ng Bayan sa Board of Regents ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng kolektibong pagpapasya ng mga konseho ng mag-aaral, muli nating titiyakin na mananatiling buhay at matatag ang tinig ng mga estudyante sa pinakamataas na lupon ng paggawa ng mga patakaran sa unibersidad.

Tuloy-tuloy na makibaka para sa demokratikong interes at karapatan ng mga Iskolar ng Bayan!

Mangahas na magpunyagi para abutin ang mas maraming tagumpay kasama ang sambayanan! ❤️‍🔥

|| 26th ANAK PUP First Semestral Convention
03 July 2026 - 05 July 2026
PUP Santa Mesa, Manila

Want your school to be the top-listed School/college in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


4/7 Ninoy Aquino Library And Learning Resources Center
Manila

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm