EARIST Technozette
The official student publication of Eulogio "Amang" Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST)
25/11/2020
KAHAPON:
Sumugod sa tapat ng Gate ng Harbour Centre ang mga manggagawa sa Pier, sa pangunguna ng Unyon ng mga Manggagawa sa Harbour Centre, upang muling kalampagin ang pagawaan na ibalik na ang mga manggagawang iligal nitong tinanggal. Panawagan din ng grupo ay ipatupad na ng kumpanya ang ibinabang desisyon ng Department of Labor and Employment na gawing regular ang nasa mahigit na 300 manggagawa nito.
Hinarang at tinangkang pigilan ng sangkaterbang mga pulis ang gagawin programa subalit matagumpay na naigiit ng grupo na lehitimo ang kanilang mga panawagan at wala silang batas na nilabag sapagkat isinabuhay lamang nila ang kanilang batayang karapatan na magkaisa at maghayag. Ani pa ng grupo ay hindi sila ang lumabag sa batas kundi ang kumpanya ng Harbour Centre sapagkat hindi nito sinunod at lantarang binalewala ang mga ibinabang desisyon ng pamahalaan at ng Korte.
Panoorin sa https://www.facebook.com/SamahangManggagawaSaHarborCentre/videos/1058400331305109/
Manggagawang kontraktwal, gawing regular!
Manggagawang tinanggal, ibalik!
Kontraktwal na paggawa, ibasura!
Desisyon ng DOLE, ipatupad!
Karapatan ng mamamayan, ipaglaban!
21/09/2020
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Nagtahan, Sampaloc
Manila