Musicians for Peace

Musicians for Peace

Share

Artista ng Bayan, Tuloy Tuloy ang Laban! Follow us on Youtube and Soundcloud: Musicians for Peace

18/01/2026

Musicians for Peace joins Pandayang Lino Brocka! 🎞️🎶

Itinanghal ang orihinal na awiting pinamagatang, "TUMINDIG" sa film showing event na may temang "Walang Ku-KORAP!"

Ang kantang ito ay pumapatungkol sa panawagan sa sambayanan na makatarungan ang paglaban sa isang bulok na sistemang pinaghahari-harian ng mga kurakot, magnanakaw, kapitalista, at pasista.

Isa itong mensahe na sawa na ang masa sa paghihirap at pagdurusa, kaya wala nang iba pang panahon kundi ngayon para mangialam, tumindig, at bumoses para sa kalayaan.

Kung nais mo ring gamitin ang iyong sining sa paglikha ng awitin para sa pakikibaka, JOIN MUSICIANS FOR PEACE NA! ✨

https://tinyurl.com/Musicians4Peace
https://tinyurl.com/Musicians4Peace

Photos from Musicians for Peace's post 18/01/2026

‼️ DEMOLISYON TUTULAN! BAHAY AY BUHAY ‼️

Nakaharap sa banta ng demolisyon ang komunidad ng Leona Compound, Pasig City. Kanina, nagkaroon ng educational discussion tungkol sa karapatan sa paninirahan, kasabay ng documentary at movie watching na sumasalamin sa sitwasyon ng mga residente. Nagsagawa rin ng panayam sa mga lokal at opisyal ng kanilang asosasyon upang mailahad ang kanilang karanasan at patuloy na laban kontra demolisyon.

Panawagan ito sa mga artista ng bayan na makilahok at makiisa sa ganitong mga pagkilos at gamitin ang sining bilang boses ng masang-api at sandata sa pagtatanggol ng karapatan sa tahanan. ✊

29/11/2025

📣 𝘽𝘼𝙃𝘼𝙄𝙉 𝙉𝙂 𝙋𝙍𝙊𝙏𝙀𝙎𝙏𝘼 𝘼𝙉𝙂 𝙆𝘼𝙇𝙎𝘼𝘿𝘼!

Sama-sama nating igigiit ang ating boses laban sa korapsyon at katiwalian!

Mga artista ng bayan, dalhon ang sining mula sa ating mga pluma, papael at, lente tungong lansangan ng Mendiola. Paugungin natin ang lakas ng mga kabataan, artista, mamamayan, at bawat komunidad!

LUMABAS AT MAKIISA — mula sa mga tahanan, palengke, eskwelahan, opisina, at simbahan!

🗓 Nobyembre 30, 2025
📍8:00 AM - 9:00 AM: Kalampagan Kontra Korapsyon sa Kamaynilaan
📍9:00 AM - 9:30 AM: Martsa papuntang Luneta
📍1:00 PM - 5:00 PM: Programa sa Mendiola

✊ Sama-sama sa Protestang Bayan Kontra Kurakot!

𝐒𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐆𝐂:

ONE UBELT
https://m.me/j/AbaP7yqYKuwNsgUc/

ONE TAFT
https://m.me/j/AbY7JgXD34avhRjO/

Humanay sa mga organisasyon ng mga manggagawang pangkultura at mga artista ng bayan. Sumali sa 𝑺𝒊𝒏𝒊𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒈𝒌𝒐𝒔! ❤️‍🔥✨

Want your establishment to be the top-listed Bar/pub in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Manila