Gen Dionisio R Santiago
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Gen Dionisio R Santiago, Government Official, Manila.
Sa lahat ng mga kamaganak, kaibigan at kababayan kong sumama, tumulong at sumuporta sa aking pangangampanya, maraming maraming salamat.
Congratulations to President Rodrigo Duterte, sa wakas ay magkakaroon na ang Pilipinas ng pinunong kikilos upang pagisahin ang bawat Pilipino para makamtan ang kaayusan at kapayapaan.
Para kay Sen. Alan Peter Cayetano, maraming maraming salamat sa suporta hindi lamang kay Pres. Duterte kundi pati na rin sa aming mga senatorial candidates.
Sa mga kapwa ko senatorial candidates na sumama sa pangangampanya ni Pres. Duterte, hindi tayo natalo. Dahil sa bandang huli, ang mahalaga ay nanalo ang bawat boto ng taumbayan sa pagkakahalal ng isang Pangulo na magtataguyod ng bagong Pilipinas at ibabalik ang dangal sa bawat Pilipino.
Mga kababayan, ang pagtatapos ng eleksyon ay umpisa pa lamang ng tunay na pagbabago. Tulungan natin ang ating bagong pangulo na ibalik ang kaayusan at kaunlaran sa bansa. Huwag po natin kakalimutan ang kanya kanya nating tungkulin bilang Pilipino. Ang disiplina ay dapat magmula sa sarili.
Muli, maraming maraming salamat and God bless us all!
05/05/2016
Dalawang araw na lang bago magtapos ang panahon ng pangangampanya. Sa tingin ko tamang tama na sa Marinduque ginanap ang isa sa mga huling campaign rallies ni Mayor Duterte sapagkat ito ay tinaguriang "Heart of the Philippines". Bagay na bagay dahil saan pa ba dapat magsimula ang pagnanais ng tunay na pagbabago kundi sa puso nating mga Pilipino!
Thank you for the warm welcome, Marinduque!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila