K.A. Charm
Welcome followers non followers sa page ko
Wow nakakalula naman
K.A. Charm
13/07/2026
OMG😳 totoo tnx po♥️
K.A. Charm
13/07/2026
SHORT STORY
Bagong transfer si Kleng sa paaralan
sa grade5.
Naninibago sya kasi wala siyang kakilala
kahit isa, kaya nakaupo lang sya
sa sulok tahimik at walang imik
kasi wala namang ibig makipag
kaibigan sa kanya kahit isa.
Napansin ni Kleng ang isang bakanteng
upuan sa tabi niya. Napaisip siya
bakit kaya umabsent ang nakaupo
doon.
Kinabukasan, pumasok na ang batang
lalaki sa tabi ng upuan niya. Masyado itong
tahimik ang weirdo sabi ng isip ni Kleng.
Ni hindi man lang sya nililingon neto o
kahit kausapin man lang. O' naisip man lang na may bago na siyang katabi sa upuan neto.
Isang tanghali lunch break sa paaralan ang iba ay umuuwi sa kani-kanilang mga bahay ang iba naman ay sa eskwelahan na kumakain ng tanghalian dahil sa maghapon ang pasok.
Kumakain si Kleng sa ilalim ng isang malaking puno mayroon siyang baon na dalawang hotdog. Mag-isa lang siya doon, kasi wala naman sa mga bago niyang kaklase ang gustong makipag-kaibigan sa kanya.
Lumapit ang isang grupo ng mga kaklase ni Kleng lima sila. Pinag tatawanan nila si Kleng
inaasar asar kung masarap ba ang mag-isa.
Kinuha pa ng isa sa mga ito ang isa sa baon niyang hotdog inihagis sa lapag at saka inapakan at dinurog. Sabay nag tawanan ng sabay-sabay.
Nangingilid na ang mga luha ni Kleng, bago lang siya doon wala pa siyang mga kaibigan, pero bakit ganito na kagad ang nararanasan nya. Bago palang siya sa paaralan pero binu bully na siya.
Sa hindi inaasahang pangyayari, may nangyaring mga nakakamanghang bagay na sa buong buhay ni Kleng ngayon lang nya naranasan. Humangin ng malakas, ngunit sa lugar lamang na kung nasaan sila. nag kumpol kumpol ang mga dahon ng mga puno. Para itong ipo-ipo na umiikot ng mabilis sa mga kaklase ni Kleng.
Mangha silang lahat sa nangyari nag mamadaling nag sipag takbuhan sa sobrang tskot papalayo ang mga mapang-asar na mga kaklase ni Kleng. Bumilis din ang tibok ng puso ni Kleng sa kanyang nasaksihan.
At kitang kita niya kung sino ang nag pagalaw sa mga dahon, ang kaklase ni Kleng na weirdo na katabi nya sa upuan sa klase.
Nag pakilala ang batang lalaki kay Kleng na
si Lenor. At inamin din ni Lenor na marunong siyang mag magic kahit noong maliit na bata palang siya noon.
Naging mabuting magkaibigan si Kleng at Lenor, may mga pagkakataon din na namamasyal silang dalawa sa labas ng paraalan kapag wala ng pasok.
Laging pinapakitaan ni Lenor si Kleng ng kanyang mga mahika. Kapag nalulungkot si Kleng si Lenor ang laging nag papasaya sa kanya dahil pinapakitaan siya neto ng napakaraming mga magic tricks.
Dahilan kaya naging matalik na mag kaibigan ang dalawa.
Isang araw nag tataka si Kleng hindi pumasok si Lenor, nalungkot siya hindi alam ni Kleng kung saan nakatira si Lenor at kung sino ang mga magulang neto. Hanggang kinabukasan hindi parin pumasok si Lenor hanggang marami pang bukas ang dumating hindi na pumasok pa sa klase si Lenor. Sobra ang naging lungkot ni Kleng. Pakiramdam niya naging mag-isa siyang muli.
Lumipas pa ang maraming taon, hindi kailanman nawaglit sa isip ni Kleng ang
kaibigan niyang si Lenor na bigla nalang nawala na hindi nya malaman kung ano na ang nangyari ni hindi man lang nag paalam sa knya kung saan man ito pumunta.
Isang gabi nanonood sa telebisyon si Kleng nasa ikalabing pitong taong gulang na si Kelng noon. Isang tao ang pinag kakaguluhan ng mga tao sa tv. isang napaka gwapo at isang sikat na magician sa ibang bansa. manghang mangha ang lahat sa magician na ito. Dahil kaya netong palutangin ang kanyang sarili sa ere. Ang magician, walang iba kundi si Lenor.
Napaluha si Kleng sa tinagal ng panahon sa telebisyon lang pala nya makikitang muli si Lenor ang dami nyang tanong sa sarili napakadami. Naisip ni Kleng sana balang araw mag tagpo muli ang landas nila ni
Lenor.
K.A. Charm
12/07/2026
Naaalala ko noon, ang bata kong naging OFW
sa edad kong 20 sarado naging OFW nako sa bansang Greece. Masarap pala mag ibang bansa habang bata pa. Bukod sa makakaipon ka, mabibili mo pa mga luho mo. Makakapasyal ka sa mga gusto mong puntahan at galaan. Makakain mo mga pag kain na masasarap na gusto mong kainin.
Oo malaya dahil sa edad mong bata pa at walang sabit magagawa mo ang gusto mo.
Kasi single ka pa. Sarili mo lang ang
kargo mo bukod sa magulang na pinapadalhan sa Pilipinas.
Mas masarap ang mag abroad ng bata kapa at single pa. Kasi, wala kapang masyadong obligasyon, walang dadaing sayo ng sobra dahil nagugutom na ang mga anak mo,
wala ng pagakain ang pamilya mo sa Pilipinas kaya kailangan mong ipadala ang halos
buong sweldo mo at halos wala ng matira sayo.
Kasi ang lagi nating katwiran na mga Pilipino.
Di bale ng walang matira sa akin basta busog ang pamilya ko.
Di baleng ako ang magutom wag lang sila. Kaya okey lang kahit ako ang mag tiis, igagapang ko ang pag-aaral ng mga anak ko.
Ganyan madalas ang sinasabi ng mga
Pilipino para sa pag tataguyod ng kanilang
mga pamilya. Lalong-lalo na ang mga OFW
Yung bigat ng obligasyon na dala-dala nila sa ibang bansa ang mawalay sa kanilang pamilya
tinitiis nila yan.
Kaya ako proud ako sa sarili ko na naging
OFW ako ng bata pa at wala pang sabit
kaya sa edad kong 26 nakabili ako ng
sarili kong house and lot.
Kung saan nakatira ngayon ang aking buong pamilya. Proud
K.A. Charm
tara sa tagaytay
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Address
Manila