Ang Tagamasid
The Official Student Publication of the UPM College of Arts and Sciences.
27/02/2023
BREAKING: In response to the government's push for jeepney modernization, transport groups declared their plans for a week-long strike starting this incoming March 6.
More than 40,000 jeepneys and utility vehicles are expected to join the transport strike in Metro Manila and other provinces in the country.
With the continuous oil price hikes, the transport sector has long called for aid and reforms; despite this, the government still chooses to railroad anti-transport programs and policies.
This is a developing story.
27/02/2023
NEWS ALERT | Ipinasa sa Committee on Constitutional Amendment ng Kongreso ang Constitutional Convention (ConCon) Bill ngayong araw, Pebrero 27, 2023. Layon ng bill na ito na amendahan ang Saligang Batas na ipinagtibay noong 1987. Labimpitong mambabatas ang bumotong pabor, habang dalawa naman ang hindi pabor, at walang nag-abstain sa pagpasa nito.
Ipatutupad ang ConCon sa Nobyembre 2023 kung saan magkakaron ng 300 delegado at ang Senate President at Speaker of the House ay mayroong kapangyarihang magtalaga ng 20%. Ayon sa Gabriela Partylist, ang bawat delegado ay makatatanggap ng suweldong Php 10,000 sa loob ng pitong buwan.
24/02/2023
NGAYON: Nagtipon-tipon ang iba't ibang progresibong grupo sa tapat ng Vinzon's Hall sa UP Diliman kung saan ginaganap ang mobilization ngayong araw. Ang kilos-protesta ay isinasagawa bilang pag-alala sa anibersaryo ng pagkamatay ng New Bataan 5 sa kamay ng 10th Infantry Division ng AFP.
Matapos ang isang taon, hindi pa rin nakakamit ang hustisya at nananatiling nakararanas ang mga pambansang minorya ng red-tagging, militarisasyon at karahasan sa ilalim ng estado. Isa na rito ang FLED 14 na binubuo ng mga indibidwal na nagtatanggol sa kalikasan at karapatan ng mga Lumad na sa ngayon ay humaharap sa mga gawa-gawang kaso tulad ng kidnapping at human trafficking. Sa kasalukuyan, mayroon nang nakakulong na magkapatid na estudyanteng Lumad at mag-asawang Lumad teacher kasama ng kanilang siyam na buwang sanggol.
Magmamartsa ang grupo tungo sa Quezon Hall kung saan naman gaganapin ang "Awit sa Paghinumdon ug Pagsukol", isang benefit concert na kaugnay pa rin ng pag-alala sa New Bataan 5, ipanawagan ang pagpapalaya sa FLED 14 at tutulan ang mga atake sa mga katutubo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
College Of Arts And Sciences, UP Manila, Padre Faura Street
Manila