Development Studies Society
est. 1997 โข Ang Opisyal na Pang-Akademikong Organisasyon ng Araling Pangkaunlaran ng Unibersidad ng Pilipinas, Maynila
19/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Kilala ang Negros bilang โsugar bowlโ dahil sa mga tanim nitong tubo. Itinatanim at inaani ng mga magsasaka at manggagawang bukid sa Negros ang asukal na nagpatatamis sa ating mga kinakain at iniinom. Ngunit para sa kanila, ang asukal na ito ay mapait at mapula dahil kaakibat nito ang dugo na inialay para ipaglaban ang kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan. Ang puwersa ng berdugo at pasistang militar sa isla ng Negros ay nagpapakita ng pagprotekta sa mga panginoong maylupa at malalaking burgesya komprador na patuloy na nagpapahirap sa mga magsasaka at manggagawang bukid. Dahil sa walang habas na pamamaslang ng militar, tinaguriang โmassacre capitalโ ang isla ng Negros.
Nanatiling mahirap ang mga mamamayan ng Negros dahil sa pyudal at malapyudal na pananamantala. Marami ang inaalam ang kahirapan na dinaranas ng mga mamamayan kaya sila ay nakipapamuhay. Hindi kailanman naging mali ang paglubog sa komunidad ng mga batayang sektor, dahil higit kailanman, kinakailangan nila ng tulong at suporta mula sa mas malawak pang hanay ng masa. Kamakailan lamang, pinaslang ng berdugong militar ang kapwa iskolar ng bayan na sina Maureen Santuyo at Alyssa Alano, na ang tanging layunin ay makipamuhay sa mga magsasaka at alamin ang kanilang danas. Malinaw na ito ay paglabag sa International Humanitarian Law, kaya nararapat na pagbayarin ang pasistang estado at berdugong militar para sa mga buhay na kinitil nila.
Dahil sa patuloy na pamamasista at pangangamkam sa lupa ng mga magsasaka, hindi nakapagtataka kung bakit patuloy ang pag-aklas ng sambayanan sa lipunang malakolonyal at malapyudal. Ang pananamantala na ito ay ang nag-uudyok sa sambayanan na tumangan sa hindi pangkaraniwang landas upang ipaglaban ang kanilang karapatan, kabuhayan, at upang tunay na mapalaya ang sambayanan.
Sa patuloy nating laban para sa tunay na reporma sa lupa, alalahanin natin ang mga taong nagbuwis ng kanilang buhay. Patuloy nating singilin ang rehimeng US-Marcos-Duterte na patuloy na naghahari-harian sa kanilang mga puwesto, habang ang mga magsasaka ay naghihirap at dumadanak ng dugo para sa kanilang kabuhayan.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
29/05/2026
๐๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐๐ฌ ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐จ๐ฎ๐ฌ๐๐ง๐๐ฌ ๐จ๐ ๐ฆ๐๐ซ๐ญ๐ฒ๐ซ๐ฌ ๐ก๐๐ฏ๐ ๐ก๐๐ซ๐จ๐ข๐๐๐ฅ๐ฅ๐ฒ ๐ฅ๐๐ข๐ ๐๐จ๐ฐ๐ง ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐ฅ๐ข๐ฏ๐๐ฌ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐ฉ๐๐จ๐ฉ๐ฅ๐; ๐ฅ๐๐ญ ๐ฎ๐ฌ ๐ก๐จ๐ฅ๐ ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐๐ง๐ง๐๐ซ ๐ก๐ข๐ ๐ก ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ซ๐๐ก ๐๐ก๐๐๐ ๐๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐ฉ๐๐ญ๐ก ๐๐ซ๐ข๐ฆ๐ฌ๐จ๐ง ๐ฐ๐ข๐ญ๐ก ๐ญ๐ก๐๐ข๐ซ ๐๐ฅ๐จ๐จ๐! - ๐๐๐จ ๐๐๐๐จ๐ง๐
As time moves forward, we must continue to carry on the struggle of our fallen comrades. The world will not stop turning, and the fascist attacks against the people will persist. We must carry our grief with us and transform it into fuel that further ignites our militant spirit.
The struggle of the masses will continue, and the legacy of Maureen Keil Santuyo, Errol Wendel, and the Negros 19 will continue to haunt the reactionary government through the collective action of the people fighting for justice, for the defense of human rights, and for genuine national development and sovereignty.
JUSTICE FOR MAUREEN SANTUYO AND ERROL WENDEL! JUSTICE FOR NEGROS 19!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the establishment
Website
Address
College Of Arts And Sciences, P. Faura Street
Manila