The Catalyst
Ito ang opisyal na page ng The Catalyst, ang opisyal na publikasyon ng Polytechnic University of the Philippines.
14/04/2026
TINGNAN: Nagkasa ng protesta ang mga Iskolar ng Bayan at iba't ibang organisasyon para tumindig laban sa muling panunumbalik ng Balikatan Exercises ngayon taon, kasabay ng mariing pagkundena sa giyerang agresyon ng US sa buong daigdig, ngayong araw, Abril 14.
Naninindigan ang mga kabataan na hindi titigil ang kanilang pagkilos hangga't nagpapatuloy ang US sa dominasyon nito sa iba't ibang bansa, lalo na sa panghihimasok nito sa Pilipinas sa mukha ng mga Base Militar sa ilalim ng EDCA.
Natapos ang protesta sa pamamagitan ng pagsabit ng balatengga sa lagoon bilang pakikiisa ng mga Iskolar ng Bayan kontra sa patung-patong na krisis sa ekonomya at pagpapakatuta ni Marcos Jr. sa imperyalistang US.
Inaanyayahan ang lahat ng mga Iskolar ng Bayan na makiisa sa gaganaping Welgang Bayan sa Abril 15-17 at sa malawakang pagkilos sa Mayo Uno upang patuloy na paigtingin ang paglaban kontra kagutuman, korapsyon, at gyerang agresyon.
14/04/2026
TINGNAN: Bilang paggunita sa buwan ng mga kababaihan, inilunsad ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) ang komprehensibong porum na pinamagatang "Lakambini ng Laban: Tinig, Tindig, at Tapang!" ngayong araw, Abril 14, sa PUP Bulwagang Balagtas, NALLRC Building.
Layon ng porum na kilalanin ang ambag at kahalagahan ng mga kababaihan sa ating komunidad.
Ilan sa mga napag-usapan ay ang papel ng mga kababaihan sa bansa, gayundin ang mga gender stereotypes na patuloy na kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Kasama rin sa mga paksa ang karapatan ng mga kababaihan at iba pang isyu na may kinalaman sa kasarian.
Isa sa mga tagapagsalita sa porum si Arlene Brosas, dating representante ng Gabriela Partylist, na nagbahagi ng diskurso patungkol sa kahalagahan ng mga kababaihan sa pamumuno at politika, gayundin ang pakikibaka at kakulangan ng boses sa loob ng konseho.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Room 206 Charlie Del Rosario Bldg
Manila
1016