Mahal kong sinta
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mahal kong sinta, Poet, Manila.
19/06/2024
KAIBIGAN LANG PALA
Sa napakalungkot na buhay,
Humahanap ng karamay,
PInilit na pinagtibay ,
Ang sarili kahit walang umalalay.
Simula nong nakilala ka
Ang napakalungkot kong buhay ay naging masaya,
Sa araw-araw kasama ka,
sa lungkot at ginhawa.
Naging matalik tayong magkaibigan,
Hanggang panahon ay nagdaan,
Na sa pagising sa umaga,
Ikaw ang unang hinahanap ng aking mata.
Nahulog ang puso ko sayo,
Dahil sa kabutihan mo,
At katapatan na ipinakita mo,
Nandiyan ka kapag pagod ang puso.
Hanggang sa panahon na akoy sumuko,
Napagod sa kaka-asa na sakin ika'y magkakagusto,
At dahil sa mga bagay na aking napagtanto,
"KAIBIGAN LANG PALA TAYO"....
Ako lang pala ang umasa sa ating dalawa,
Umasang dumating ang panahon na tayo na,
Pero hindi siguro tayo parasa isa't-isa,
Na ikaw at ako ay hindi tinadhana.
Ako lang pala ang tagapunas ng mga luha,
Na pumapatak sa lupa,
Tagapawi ng mga sakit,
Na sa puso'y sinapit.
KAIBIGAN LANG PALA,
Yan yong linyang palagi kong naaalala,Tuwing puso ko'y sinabing mahal kita,
At puso mo'y nagsasabing mahal mo siya.
KAIBIGAN LANG PALA,
Ang linyang naaalala,
Sa tuwing puso'y humihiling na sana'y tayong dalawa,
Ang nakatadhana para sa isa't-isa.
Pero alam kong ikaw at ako ay malabo,
Siguro kailangan konang sumuko,
Kasi alam kong ako'y hindi para sayo,
At alam kong sa huli ako parin ang talo.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Culinary Team
Attire
Website
Address
Manila