Baliktanaw
Ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral sa ilalim ng PUP Departamento ng Kasaysayan.
10/07/2026
ππ¨π¦π§ ππ‘ | Ipinroklama sa Ika-26 Kongreso ng Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (ANAK PUP) ang pormal na pagkahalal ni John Paul βJPβ Asuzano ng PUP Sentral ng Konseho ng Mag-aaral (PUP SKM) ng bilang ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng PUP ngayong araw, Hulyo 10.
Mula sa tatlumpu't limang (35) student council presidents at mga delegado na lumahok sa proseso ng seleksyon sa pagka-Rehente, nakuha ni Azusano ang pinakamataas na kabuuang boto na dalawampu't apat (24), dahilan upang mahalal bilang Ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng PUP. Sumunod sa kaniya si Alvin Aligam ng College of Communication Student Council (PUP COC-SC) na nakakuha ng walong (8) boto, Cherry Jhoana Ubani ng College of Political Science and Public Administration Student Council (PUP CPSPA-SC) na may dalawang (2) boto, at Louisze Louriel Valeroso ng PUP Quezon City Supreme Student Council (PUPQC SSC) na nakakuha ng isang (1) boto, batay sa opisyal na resulta ng seleksyon.
Sa kaniyang panunungkulan, inaasahang pamumunuan ni Asuzano ang pagsusulong ng mga karapatan, kapakanan, at demokratikong interes ng humigit-kumulang 107,000 Iskolar ng Bayan bilang pinakamataas na kinatawan ng sangkaestudyantehan sa PUP Board of Regents.
| Dexter Flores
10/07/2026
π§ππ‘ππ‘ππ‘ | Nakasalang na sa unang yugto ng pagpili para sa ika-20 Rehente ng Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) ang apat na opisyal na nominado sa pamamagitan ng presentasyon ng kani-kanilang vision paper at Question and Answer Portion sa harap ng General Assembly ng Ika-26 Kongreso ng Alyansa ng Nagkakaisang Konseho ng PUP (ANAK PUP).
Sa bahaging ito ng proseso, inilahad ng bawat nominado na sina Alvin Aligam ng College of Communication Student Council (PUP COC-SC); John Paul βJPβ Azusano ng PUP Sentral na Konseho ng Mag-aaral (PUP SKM); Cherry Jhoana Ubani ng College of Political Science and Public Administration Student Council (PUP CPSPA-SC); at Louisze Louriel Valeroso ng PUP Quezon City Supreme Student Council (PUPQC SSC) ang kani-kanilang pananaw, mga plano, at iba pang mga agenda na sasaklawin ang kanilang kalipikasyon bilang mga kandidato sa pagka-Rehente at kinatawan ng hanay ng mga Iskolar ng Bayan.
Samantala, sa susunod na yugto, nakatakdang isagawa ang pinal na proseso ng selekyon; ang opisyal na pagpili sa susunod na Rehente ng Mag-aaral ng PUP.
| Dexter Flores
09/07/2026
πππ¬π π | Natapos na ang unang linggo ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos ang ikatlong araw ng pagdinig kahapon, Hulyo 8, na nakatuon sa cross-examination ng depensa sa unang testigo ng prosekusyon kaugnay ng Artikulo IV ng mga Artikulo ng Impeachment.
Sa pagdinig, kinuwestiyon ng depense panel ang naging imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano'y grave threats ni Duterte laba kina Pangulong Ferdinand βBongbongβ Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez, habang pinuna naman ng prosekusyon ang ilang dokumentong iniharap ng depensa kaugnay ng affidavit ng mga miyembro ng NBI na nagbunsod ng ilang maiinit na pagtutol sa loob ng impeachment court.
Kaugnay nito, nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang kampo habang isinasagawa ang naturang cross-examination. Paulit-ulit na tinutulan ni Private Prosecutor Atty. Amando Ligutan sa paraan ng pagtatanong ni Defense Counsel Atty. Carlo Joaquin Narvasa. Mariing iginiit ng prosekusyon na βmisleadingβ ang ilang tanong ng depensa dahil umano'y nakabatay ang mga ito sa mga pahayag na hindi pa napatutunayan sa pamamagitan ng testimonya ng testigo.
Gayunpaman, iniutos ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Sen. Francis βChizβ Escudero sa prosekusyon at depensa na magsumite ng kani-kanilang memorandum sa Hulyo 13, 2026 hinggil sa usapin ng subpoena para sa tax records ni Duterte at ng kaniyang asawa na si Mans Carpio. Bukod pa rito, Itinakda rin ng senado ang oral arguments sa Hulyo 15, 2026.
Samantala, sa naging adjournment ng impeachment court, nakatakdang ipagpatuloy ang paglilitis sa Lunes, Hulyo 13, 2026.
| Dexter Flores
08/07/2026
π§ππ‘ππ‘ππ‘ | Kasalukuyang inilulunsad ang Academic and Public History Orientation sa pangunguna ng Departamento ng Kasaysayan katuwang ang PUP Samahan ng mga Mag-aaral ng Kasaysayan (PUPSMK) ngayong hapon, Hulyo 8, via Zoom.
Dinalhan ang naturang oryentasyon ng mga paparating na Third Year students ng Bachelor of Arts in History, bilang isa sa mga unang hakbang sa pagpili ng kanilang history track, gayundin ang iba pang mga kawani ng departamento. Layon ng programa na ipaliwanag ang pagkakaiba ng Academic History at Public History, gayundin ang saklaw, oportunidad, at mga ekspektasyon sa bawat track upang magsilbing gabay sa kanilang magiging akademikong desisyon.
| Lalien Jay Avenido, Dexter Flores
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Anonas Street
Manila
1016
Opening Hours
| Monday | 9am - 5pm |
| Tuesday | 9am - 5pm |
| Wednesday | 9am - 5pm |
| Thursday | 9am - 5pm |
| Friday | 9am - 5pm |