Most Holy Trinity Parish
The official page of the Most Holy Trinity Parish located at Calabash Road, Balic-Balic Sam
28/01/2023
24/01/2023
WOW (Gospel Insight Today) 1/25/23
Mk 16: 15 - 18
‘Ang Sumasampalataya ay magtataglay ng ganitong kapangyarihan…’
Konteksto: Kapistahan ng Pagbabagong-loob ni San Pablo. Ipinagdiriwang natin ito sapagkat ang pagbabagong-loob ni San Pablo ay huwaran at may magandang katangian: agaran at ganap. Kaagad (immediate) ang conversion ni San Pablo matapos ang enkwentro nya kay Hesus. Ganap sapagkat buo ang pagbibigay niya ng sarili kay Hesus na nagbunga ng maraming gawa bilang testimonya ng kabutihan ng Diyos.
Paglalapat: Ang ating conversion ay dahan-dahang proseso. Hindi kagyat na nagbabago ang isang tao. Mayroong mga naghangad. Mayroong nangarap. Mayroong mga nagsikap subalit bumabalik pa rin sa dating ugali. Mayroong mga nahirapan. Mayroong nagtagumpay subalit hindi naging madali. Sa gitna ng lahat ng ito, mananatiling mahabagin ang Diyos. Huwag mapagod na magsikap. Manalig sa kapangyarihan ng Diyos.
Paghamon (Isabuhay upang mabuhay):
Magpunyagi upang magtagumpay.
WOW (Gospel Insight Today) 1/19/23
Mk 3: 7 - 12
‘Ikaw ang Anak ng Diyos!’
Konteksto: Karangalan (usapin lamang ng mga kalalakihan) ang obsession ng mga Hudyo. Gagawin nila ang lahat upang maging mas marangal sila kaysa ibang tao. Kaya tensyonado ang atmosphere na nalilikha. Ang gawain na ipagsigawan ang pangalan sa publiko ay pagkilala sa karangalan, subalit ang pagkilala sa publiko mula sa masamang espritu ay paraan ng pag-kontrol at manipulasyon. Ikalawa, ang pagbabawal ni Kristo na ipagsigawan ang pangalan Niya ay dahil sa kamangmangan pa rin ang pinanggagalingan ng pagtingin sa Kanyang gawain, na maaaring ang lahat ay isang magic lamang.
Paglalapat: Kailangan bang ipagsigawan ang husay at galing? Hindi pa ba masaya na ikaw ay may husay at galing? Baka insecurity na yan. Ang tunay na mahusay at magaling, hindi nangangailangan ng publicity. Hindi rin naman nagtatago dapat. Ang mga gawa mismo ang magiging sigaw. Misyon sana ang hangarin hindi popularidad.
Paghamon (Isabuhay upang mabuhay):
Magtrabaho ng tahimik para sa Panginoon. Kadalasan yung tahimik na naglilingkod ang masaya. Yung nangangailangan pa ng publicity at ingay ang s’yang malungkot.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the place of worship
Address
Calabash Road, Balic-Balic, Sampaloc
Manila
1008
Opening Hours
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |
| Saturday | 8am - 5pm |
| Sunday | 5am - 8pm |