Kwento Byte

Kwento Byte

Share

Stories, Tech & Beyond

11/05/2026

π—¦π—”π—™π—˜ 𝗣𝗔 𝗕𝗔 π—§π—”π—Ÿπ—”π—šπ—” π—”π—‘π—š π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—œπ—‘π—”π—¦? 𝗠π—₯. 𝗑𝗒𝗕𝗒𝗗𝗬, π—‘π—”π—£π—”π—¦π—œπ—šπ—”π—ͺ 𝗦𝗔 π—§π—”π—žπ—’π—§: β€œπ— π—šπ—” βˆ†π——*π—ž π—‘π—”π—šπ—žπ—”π—Ÿπ—”π—§ 𝗔𝗧 𝗣𝗨𝗠𝗔𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 π—‘π—š π—œπ—‘π—’π—¦π—˜π—‘π—§π—˜!”

Umani ng matinding reaksiyon online ang content creator na si Mr. Nobody matapos nitong maglabas ng emosyonal na saloobin tungkol sa umano’y lumalalang peace and order situation sa bansa.

Sa isang viral video, diretsahan niyang sinabi na tila malaki na raw ang ipinagbago ng Pilipinas kumpara noon na aniya’y mas ligtas at mas payapa.

β€œHindi ko alam kung anong nangyari sa Pilipinas… dati sobrang safe ng Pilipinas noon, ngayon mga βˆ†d*k nagkalat” pahayag niya.

Ayon pa kay Mr. Nobody, hindi na umano niya maramdaman ang dating seguridad lalo na kapag nasa matataong lugar o bumibiyahe sa Metro Manila.

β€œI don't feel safe here in the Philippines anymore… feeling ko minsan pag mag-Manila ako, pag public place ako naglalakad, feeling ko may mangyayaring masama sa akin,” dagdag niya.

Mas lalong naging emosyonal ang kanyang mensahe nang banggitin niya ang sitwasyon ng mga ordinaryong Pilipinong naghahanap-buhay lamang ngunit nadadamay umano sa krimen at karahasan.

β€œNaaawa ako sa mga namamatay na tao na walang kamalay-malay… naghahanap-buhay lang sila, mga indian pinapatay na lang ng mga βˆ†dik tapos pagnakawan pa” aniya.

Dahil dito, nagkaroon ng matinding diskusyon sa social media kung talagang lumalala na ba ang kriminalidad o mas napapansin lamang ngayon dahil sa mabilis na pagkalat ng balita at viral videos online.

May ilang netizens na sumang-ayon sa takot ni Mr. Nobody, habang may iba namang nagsasabing hindi dapat mawalan ng pag-asa at kailangan pa ring magkaisa para mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa bansa.

Sa gitna ng usapin, muling nabuksan ang tanong ng marami:

Ligtas pa bang maglakad sa kalsada ngayon?

πŸ“’π—œπ—žπ—”π—ͺ, 𝗔𝗑𝗒 π—”π—‘π—š π— π—”π—¦π—”π—¦π—”π—•π—œ 𝗠𝗒?

πŸ”·π—™π—’π—Ÿπ—Ÿπ—’π—ͺ π—žπ˜„π—²π—»π˜π—Όπ—―π˜†π˜π—² β€’ π—Ÿπ—œπ—žπ—˜ β€’ π—–π—’π— π— π—˜π—‘π—§ β€’ 𝗦𝗛𝗔π—₯π—˜πŸ”·

10/05/2026

π— π—˜π—₯π—”π—Ÿπ—–π—’ π—‘π—”π—šπ—§π—œπ—§π—œπ—£π—œπ—— 𝗑𝗔 π—₯π—œπ—‘ 𝗦𝗔 π—žπ—’π—₯π—¬π—˜π—‘π—§π—˜, π—žπ—”π—¬π—” π—‘π—”π—šπ—£π—”π—žπ—”π—•π—œπ—§ 𝗑𝗔 π—₯π—œπ—‘ π—‘π—š π—¦π—’π—Ÿπ—”π—₯β€”π—¦π—”π—™π—˜ 𝗕𝗔 π—œπ—§π—’ 𝗒 𝗠𝗔𝗬 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 π—œπ—žπ—”π—•π—”π—›π—”π—Ÿπ—”?

Mainit ngayon ang usapin sa sektor ng enerhiya matapos magbabala ang Meralco hinggil sa dumaraming solar panel installations sa mga kabahayan na umano’y hindi rehistrado, walang permit, at hindi dumaan sa tamang safety inspection.

Ayon sa power distributor, may mga β€œunregistered” o hindi awtorisadong solar setups na direktang nakakabit at ginagamit nang walang koordinasyon sa distribution system. Dito umano pumapasok ang posibleng panganib gaya ng electrical overload, sunog, at aksidente na maaaring makaapekto hindi lang sa may-ari ng bahay kundi pati sa mga lineman at buong komunidad.

π—•π—”π—•π—”π—Ÿπ—” 𝗒 π—•π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π—¦π—’π—Ÿπ—¨π—¦π—¬π—’π—‘?

Giit ng Meralco, ang planong regulasyon ay para sa:
βœ”οΈKaligtasan ng publiko
βœ”οΈPag-iwas sa electrical accidents
βœ”οΈPagpapanatili ng stable na power supply system

Pero para sa maraming netizens, iba ang tingin:
Ang solar energy daw ay naging alternatibo ng mga pamilyang naghahanap ng tipid sa gitna ng patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente.

π—¦π—’π—–π—œπ—”π—Ÿ π— π—˜π——π—œπ—” π—§π—”π—‘π—’π—‘π—š π—‘π—”π—š-π—œπ—œπ—‘π—œπ—§

πŸ“ŒHabang umiinit ang diskusyon, mas lumalakas ang tanong ng publiko:
βœ”οΈPara ba talaga ito sa kaligtasan ng lahat?
βœ”οΈO isa na namang hakbang para higpitan ang mga gustong mag-solar at makatipid?
βœ”οΈHanggang saan dapat ang regulasyon bago ito maging restriksyon?
βœ”οΈMeralco nga mismo nagpakabit dahil mataas na ang singil nila!

Sa gitna ng usaping ito, hati ang opinyon ng publiko may pabor sa mas mahigpit na safety standards, at may nangangamba na baka mahadlangan ang mas murang alternatibong enerhiya.

π—œπ—žπ—”π—ͺ, π—¦π—”π—‘π—š-𝗔𝗬𝗒𝗑 𝗕𝗔 𝗒 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗑𝗔 π—•π—”π—›π—”π—šπ—œ π—‘π—š π—¦π—’π—Ÿπ—¨π—¦π—¬π—’π—‘ π—”π—‘π—š π—₯π—˜π—šπ—¨π—Ÿπ—”π—¦π—¬π—’π—‘?

𝗦𝗔 π—šπ—œπ—§π—‘π—” π—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—šπ—§π—”π—¦π—”π—‘ 𝗔𝗧 π—§π—œπ—£π—œπ——, π—¦π—œπ—‘π—’ π—”π—‘π—š 𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 π— π—”π—žπ—œπ—‘π—œπ—š?

πŸ“’π—œπ—žπ—”π—ͺ, 𝗔𝗑𝗒 π—”π—‘π—š π— π—”π—¦π—”π—¦π—”π—•π—œ 𝗠𝗒?

πŸ”·π—™π—’π—Ÿπ—Ÿπ—’π—ͺ π—žπ˜„π—²π—»π˜π—Όπ—―π˜†π˜π—² β€’ π—Ÿπ—œπ—žπ—˜ β€’ π—–π—’π— π— π—˜π—‘π—§ β€’ 𝗦𝗛𝗔π—₯π—˜πŸ”·

10/05/2026

π—¦π—˜π—‘π—¬π—”π—Ÿπ—˜π—¦ 𝗑𝗔 𝗕𝗔 π—œπ—§π—’ π—‘π—š π—£π—”π—šπ—›π—œπ—‘π—”? π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—’π—£π—œπ—¦π—¬π—”π—Ÿ π—‘π—š 𝗑𝗣𝗔, π—•π—¨π— π—”π—šπ—¦π—”π—ž 𝗦𝗔 π—’π—£π—˜π—₯𝗔𝗦𝗬𝗒𝗑!

Isang mataas umanong opisyal ng New People’s Army (NPA) sa Masbate ang sugatan at nadakip matapos ang limang minutong engkwentro sa pagitan ng militar at armadong grupo sa Barangay Miabas, Palanas, Masbate nitong Mayo 10.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasagip na rebelde bilang si Raul β€œLuding” Tolingin, na gumagamit din umano ng mga alyas na Dadi at Herman. Ayon sa ulat ng 2nd Infantry Battalion, nakasagupa ng mga sundalo ang limang miyembro ng natitirang Komiteng Larangang Guerilla South ng SRC 4 bandang alas-5:30 ng umaga matapos makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente tungkol sa presensya ng armadong grupo sa lugar.

Tumagal lamang ng limang minuto ang palitan ng putok bago umano nagkanya-kanyang takbo ang mga rebelde at iniwan ang ilang kagamitan kabilang ang isang kalibre .45 na baril, mga magazine, mahahalagang dokumento, at iba pang sensitibong impormasyon.

Sa gitna ng operasyon, natagpuan ng mga sundalo si Tolingin na sugatan at wala nang kakayahang lumaban. Agad umano siyang binigyan ng paunang lunas bago isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Ayon sa militar, si Tolingin ay nahaharap sa iba’t ibang kaso kabilang ang pagpatay, paglabag sa Anti-Terrorism Act, illegal possession of fi****ms and explosives, at attempted homicide.

Dahil dito, muling nananawagan ang 9th Infantry Division sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at agad magsumbong kung may kahina-hinalang kilos o presensya ng armadong grupo sa kanilang lugar.

Sa patuloy na operasyon laban sa rebelyon, marami ngayon ang nagtatanong: ito na nga ba ang simula ng tuluyang pagbagsak ng natitirang pwersa ng NPA sa Masbate?

πŸ“’π—œπ—žπ—”π—ͺ, 𝗔𝗑𝗒 π—”π—‘π—š π— π—”π—¦π—”π—¦π—”π—•π—œ 𝗠𝗒?

πŸ”·π—™π—’π—Ÿπ—Ÿπ—’π—ͺ π—žπ˜„π—²π—»π˜π—Όπ—―π˜†π˜π—² β€’ π—Ÿπ—œπ—žπ—˜ β€’ π—–π—’π— π— π—˜π—‘π—§ β€’ 𝗦𝗛𝗔π—₯π—˜πŸ”·

Want your business to be the top-listed Media Company in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Address


Manila
1000