RMHS Secret Files V.2
Dahil sa Sobrang Inactive na ng isang Secret Files .
Ghosting
Masakit ma-ghost 'no? Halos lahat siguro sa atin, naranasan nang ma-ghost. Pero hindi 'to isang story tungkol sa na-ghost, tungkol 'to sa nang ghost. Akala niyo ba madaling mang-iwan? Masakit at mahirap din para sa amin na gawin yon. May rason kami. May rason ako kaya iniwan kita nang walang paalam. May nagugustuhan na akong iba, pero natatakot ako na iwan ka kasi baka magsisi ako sa huli. Kaya unti-unti kong pinaparamdam sayo na hindi kita mahal para sa gayon, pag iniwan kita hindi ka gaano mahihirapan kasi ayaw ko yon eh. Ayaw kong nakikita kang nahihirapan kasi mahalaga ka pa rin para sa akin. Best friend kita eh. Siguro kung hindi naging tayo, hindi tayo mahihirapan nang ganto 'no? Siguro kung nag stay na lang tayo bilang mag kaibigan, mas okay pa. Siguro kung hindi ako umamin at hindi mo ako sinalo, hindi tayo magiging ganito. Kaso wala eh, tinamaan tayo ni kupido. Sana maintindihan mo yung ginawa ko. Ayokong masaktan ka kaya kahit gusto kong manatili, hindi ko magawa. Alam mo namang nandito lang ako para sayo diba? Maghihintay ako, J
-h/a
ALS
Tell me about the good and bad things about ALS. Kung anong unang iniisip nyo pag may nakita kayong studyante ng ALS. Gusto ko lang malaman kung bakit ganun tingin sakin ng ibang estudyante.
Hello Ramon Magsaysay Freshies
Advice ko lang sa inyo,
Mas maganda kung bibili kayo ng mga school uniforms sa loob ng school mismo.Huwag po sa labas yung katabi.
Bakit?
Noong grade 7 ako yung bibili kong short na pang PE nasa maling side ang logo
Grade 8 baliktad din
Grade 9 Napamahal ako ng 50 pesos pataas pero yung mga classmates ko mas mura PE mas maganda Quality nung kanila
Baliktad din Logo sa Jogging Pants nung akin.
Nasa side ang Logo ng T-shirt imbes na sa gitna.
Pati uniform na binili ko sa labas yung logo duling si Magsaysay.
Plus pangit texture ng pantalon nila.
Mas okay bumili ng Logo sa Uniform pag Hindi malapit pasukan. Kase guwapo doon si Magsaysay. Pag malapit na pasukan bumili yung mapupunta sa inyo duling, Brown, mataba, basta pangit WHAHAHA
Basta sa school lang bumili wag sa labas naloko ako nun ehh
"Sa ikalawang pagkakataon"
Hi ako ulit to si Kay at ikkwento ko sa inyo kung anong nangyari sa story namin ni Eyyie.
Nung bago palang kami sa grade 10 i think mga july or june ok pa kami close pero may ilangan pa, one time nakapagusap kami nun kasi wala kaming teacher pareho, sinabi ko sa kanya na sana may time machine para pwede kaming bumalik sa nakaraan nakita pa nga kami ng mga dating kaklase namin akala nila kami hahaha.
May time nun na umiwas ako kasi ayoko ng mahulog ulit masyado na kong nasaktan pero wala eh di rin natiis. Sabay kami lagi nun sa pila tsaka naghihintay sya sa labas ng room. August 1,2017 bday nya nageffort ako may pa letter si mayora kaso di sya pumasok nun tapos dun na nagstart na MIA sya (Missing In Action) di na sya pumapasok akala ko baka may sakit lang. Kaso lumipas ang ilang buwan wala parin sya di parin sya bumabalik. Nung time na nauso yung sarahah nagmessage kami sa isa't isa alam naman naming pareho na kami yun. Sobrang namiss ko sya. Araw araw at kahit saan ako pumunta lumilingon lingon ako umaasa ako na baka makita ko sya nagbabakasakali ako na baka makasabay ko sya pero madamot ang tadhana ni minsan di ko sya nakita. Bago matapos ang 2017 nagmessage ako sa kanya nagreply nga sya eh sabi nya "malapit mo na Kong makita" pero binalewala ko yon kasi 3rd grading na imposibleng tanggapin pa sya ulit. January 20,2018 bday ng pinsan ko pinainom ako ng gf nya pero di ko naman alam na malalasing ako sa kaya ayun chinat ko sya ng kung ano-ano ang naiintindihan ko nga lang dun miss na kita eh.January 22 di ako pumasok tapos nagchat sakin yung best friend ko sabi nya nakita daw nila si eyyie pero di ako naniwala kasi baka ineechos lang nila ko. Kinabukasan January 23,2018 nakita ko sya bumalik nga sya, sobrang bilis ng tibok ng puso ko, yung feeling nung unang bese ko syang nakita ganon yung nangyari isang linggo ko din syang di pinapansin nun pero nagpansinan din naman kami afterwards kasi di ko naman sya matitiis eh. Dumating kami sa point na naging close ulit kami bumalik yung mga late night conversations akala ko nga magtutuloy tuloy na eh kaso hindi bigla na lang isang araw nagising na lang ako wala na di na sya nagrereply. Nung prom nga iniyakan ko pa sya eh kasi may kasayaw syang iba naalala ko nung prom namin nung gr.9 nung ok pa kami. Yung letter and pictures na ginawa ko nung bday nya nabigay ko nung March 13 actually pinaabot ko lang sa kaibigan ko di ko na kasi sya kayang harapin eh makita ko lang sya nasasaktan na ko. Hanggang ngayon di parin kami nakakapausap sobrang miss ko na sya gustong gusto ko syang makausap madami akong gustong sabihin at linawin.
Kaya kung nababasa mo to Eyyie gusto kong malaman mo na nandito parin ako umaasa na baka balang araw makita mo rin yung halaga ko. Nandito parin ako bilang kaibigan mo kapag may problema ka pwede mo naman akong makausap eh handa akong makinig.
May girlfriend ka na ngayon at magkahiwalay na tayo ng school pero grabe pinagkokonekta parin tayo kasi kaklase mo yung ex-classmate ko hahaha.
To my Bal
My Daniel Padilla
My Ex almost
I want to thank you for playing a big role in my life. Thank you for making me feel everything. Thank you for always being there, for motivating me to always fight. For always telling me not to give up, for believing that I can ,thank you. We may not been in a relationship but I know what we had is special. I'm always here to support you I know you really want to become a Musician and that's not impossible because you have very powerful music. I know you have so many plans, I'll support you even though I'm not part of it I always believe that you can. I love you and I'm not asking you to love me to, what you made me feel is more than enough. Someday we'll find someone who can love us more than what we deserve.
Your Kathryn Bernardo
Kay
Dating Grade 10
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila