Wing Marine

Wing Marine

Share

Trending/Viral updates?Exclusive here only!!πŸ˜‚

19/02/2026

HALA PENTEL PEN MARKER!

Imbes na abo, Pentel pen marker ang ginamit ng isang relihiyosong grupo sa kanilang isinagawang ritwal ngayong Miyerkules, kasabay ng paggunita ng Ash Wednesday ng Simbahang Katolika.

Ang nasabing gawain ay isinagawa ng Crusaders of the Divine Church of Christ, isang relihiyosong samahan na hindi kabilang sa Simbahang Romano Katolika.

Dahil sa paggamit ng marker sa halip na abo, maraming netizen ang nagtanong kung ano ang tawag sa kanilang isinagawang ritwal. May ilan namang pabirong tumugon at tinawag ito bilang β€œInk Wednesday.”

Ayon sa tala, ang Crusaders of the Divine Church of Christ ay nagsimula sa lalawigan ng Pangasinan, partikular sa baybaying bayan ng San Fabian sa Lingayen Gulf.

Ang samahan ay rehistrado sa Securities and Exchange Commission sa Maynila at itinatag noong Setyembre 27, 1955 sa pangunguna ni Rufino S. Magliba, na kinikilala bilang founder at supreme pontiff ng grupo.

PAALALA: Ang Crusaders of the Divine Church of Christ ay hindi miyembro ng Simbahang Romano Katolika, at may sarili silang paniniwala at mga ritwal na naiiba sa tradisyon ng mga Katoliko.

Credit to: Krusada Balita

07/01/2026

Only in the Philippines.

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Manila