Islamic Reminder
ISLAMIC REMINDERS
17/03/2026
MGA SUNNAH NA DAPAT GAWIN SA ARAW NG EID❗❗❗
1-Maligo bago magdasal ng Eid
2-Magsagawa ng Takbeer
3-Magdasal ng Salatul Eid
4-Ang pagbabatian ng bawat Muslim
5-Ang pagsuot ng bagong damit
6-Ang pagpapabango (sa mga lalaki lamang)
7- Ang pagsasaya
PALIWANAG:
1.MALIGO BAGO MAGDASAL NG EID ISALI NARIN ANG PAGPABANGO
👉 Binanggit ni Imam Nawawi (Kahabagan siya Ni Allah) na ang pagligo sa araw ng Eid ay Sunnah ayon sa pinagkaisahan ng mga Pantas sa Islam
2.KUMAIN NG DATES (mainam walang pares ang bilang / odd numbers)
☆ Bago tumungo kung saan isasagawa ang Salatul Eid, ay mas mainam na kumain ng Dates. Kung sa pagdasal naman ng Salah sa Eidil Adha, mas mainam kumain pagkatapos ng Salah.
3. ANG PAGSAGAWA NG TAKBEER (pagsambit ng “Allahu Akbar”)
👉 Isang mainam na gawain ay pagsagawa ng TAKBEER sa araw ng Eid. Magsisimula mula paglubog ng araw sa huling gabi ng Ramadhan (kinabukas ay Eid) at hanggang bago umpisahan ang pagdasal ng Satalul Eid.
☆ Isinalaysay ni Walid Bin Muslim na kanyang sinabi: “Tinanong ko si Imam Awzaie at Imam Malik Bin Anas hinggil sa paghahayag ng Takbeer sa araw ng dalawang Eid, at kanyang sinabi: “Oo! Dahil naging kaugalian ni Ibn Umar na naghahayag ng Takbeer sa araw ng Eid at ito ay pansamantala niyang ihinto kapag tumayo na ang Imam upang magsagawa ng dasal ng Eid.
4. ANG PAGDASAL NG SALATUL EID:
👉 Kanais-nais na maging maagap sa pagsagawa ng mga obligadong Salah, at Pagpaparami sa pagsagawa ng mga Sunnah (Mga hindi obligadong dasal), dahil ito ay kabilang
sa pinakamainam na paghahandog.
☆ Ang Salatul Eid ay binubuo ng dalawang tayo na walang Adhan at Iqama.
Wala ring Sunnah na Salah na maaring gawin sa unahan o pagkatapos nito, maliban lamang kapag idinasal ang Eid sa loob ng Masjid. Kapag ito ay isinagawa sa loob ng Masjid ay mas mainam na magsagawa siya ng Salah na ang tawag ay “Tahiyyatul Masjid”
5. ANG PAGBABATIAN NG BAWAT MUSLIM
👉Ang mga sinaunang Mananampalataya ay nagbabatian kapag sila ay nagkikita at kanilang sinasambit ang:
" تقبل الله منا ومنكم
“Tanggapin nawa ni
Allah ang ating mga mabubuting gawa at gayundin ang
inyong mga mabubuting gawa”
☆ Isinalaysay ni Jubair Bin Nufair na kanyang sinabi: “Naging kaugalian ng mga kasamahan ng Propeta (sumakanya ang pagpapala at kapayapaan) sa tuwing sila ay nagkikita sa araw ng Eid ay kanilang winiwika sa bawa’t isa ang: “Tanggapin nawa ni Allah ang ating mga mabubuting gawa at gayundin ang inyong mga mabubuting gawa”
6. ANG PAGSUOT NG MAGANDANG DAMIT
👉 Ayon kay Jaber na kanyang sinabi: “Si Propeta Muhammad ay may damit na Jubbah (isang damit na karaniwang sinusuot ng mga may katungkulan sa lipunan) na kalimitan niya itong isinusuot sa dalawang Eid at sa araw ng Beyernes) (Inipon ni Ibn Khuzaima
7. ANG PAGBABAGO NG DINADAANAN
👉 Isinalaysay ni Jabir Bin Abdullah: “Naging kaugalian ni Propeta Muhammad sa araw ng Eid na hindi dumadaan sa kanyang kalimitang dinadaanan.” Inipon ni Imam Bukhari 986
8. ANG PAGLILIBANG AT PAGSASAYA SA ARAW NG EID.
👉 Ipinag-utos ang pagsasaya sa araw ng Eid sa kondisyong hindi lalabag sa ipinagbawal ng batas ng Islam, gayundin kanais-nais ang pagbisita sa mga malalapit na kamag-anak, kaibigan at kapatiran.
👉👉 PAALAALA: WALANG PAGKATAY NG KURBAN (UDHIYYA) SA EIDIL FITR. KUNG MAY PAGKATAY AY HINDI ITO MATATAWAG NA KURBAN KUNDI PANGKARANIWANG PAGPAPAKAIN LAMANG❗
✍️ Zulameen Sarento Puti
10/03/2026
HINDI KABILANG SA ZAKATUL FITR ANG HINDI UMABOT SA SUKAT, NGUNIT ANG SUMUBRA AY IPINAHINTULOT❗❗❗
👉 Sinabi ni Shaikhul Islam Ibn Taimiyya: "Anumang kulang sa obligadong ibibigay ay hindi ipinahintulot (hindi tatanggapin) Ayon sa napagkaisahan ng mga Ulama" Majmoo Fatawah Ibn Taimiyya 25/70.
👉 Ang tamang sukat o timbang ng Zakatul Fitr ng bawat isa ay dalawa at kalahating kilo ng bigas (2.5 kg).
-Tanong: Kung ang kaya kong ibigay ay dalawang kilo lamang, ito ba ay tatanggapin?
Sagot: Hindi maaaring ibigay ang Zakatul Fitr na hindi umabot sa tamang sukat "timbang" nito.
Ang bagay na ito ay napagkaisahan ng lahat ng mga pantas "ulama"‼
PAALAALA:
🔷️ Kung wala kang kakayahan magbigay ng Zakatul Fitr sa tamang sukat nito ay hindi ka obligadong magbigay❗❗❗
🔷️ Sinumang magbigay ng kulang sa timbang ay hindi ito mapapabilang sa Zakatul Fitr, Bagkus ito ay isang karaniwang Sadaqa lamang!
♦️ Sinumang nagbigay ng subra ay Ipinahintulot at maituturing na Sadaqa ang anumang sumubra sa timbang at siya ay gagantimpalaan ayon kay Shaikh Ibn Uthaimeen
♦️ Ang tanging obligadong magbigay ng Zakatul Fitr ay sila na may labis na pagkain (bigas) sa araw ng Eid at sa gabi nito na umabot sa tamang sukat (2.5kg)!
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
قال ابنُ تيميَّة: (وأمَّا النقص عن الواجب، فلا يجوز باتِّفاق العلماء). ((مجموع الفتاوى)) (25/70)
✍️ Zulameen Sarento Puti
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Manila