Anakbayan PUP - CPSPA
Anakbayan PUP-CPSPA is a comprehensive national democratic mass organization of the youth scholars.
21/10/2025
๐๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐จ๐ฐ๐ง ๐ฆ๐๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฏ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐จ ๐ญ๐๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐-๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฆ๐๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฏ๐๐ฅ-๐๐จ๐ฐ๐ง!
Ang ๐๐ป๐ฎ๐ธ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ฃ๐จ๐ฃ ๐๐ฃ๐ฆ๐ฃ๐ ay opisyal na ineendorso ang mga kandidatong tumatakbo sa ilalim ng bandila ng ๐ฆ๐๐ ๐๐ฆ๐ ๐๐ฃ๐ฆ๐ฃ๐.
Ang isang lingkod-bayan ay hindi lamang dapat matali sa parlyamentong pakikibaka. Marahil sa gitna ng lumalalang krisis ng korapsyon, hindi na tayo didinggin ng mga burukratang institusyon. Kung kaya't kinakailangan natin ng mga lider-estudyante na hindi magaalinlangang lumabas sa lansangan, at ipanawagan ang ating mga demokratikong kahilingan.
Sa mahabang kasaysayan ng ating sintang paaralan man o lipunan, pinatutunayan na ang malakihang pagbabago ay nangyayari tuwing ang taumbayan ay kumikilos, hindi kapag may reporma o eleksyon. Mula rito, kinakailangan natin ng mga lider-estudyante na nagmumulat, nag-oorganisa, at nagpapakilos.
Nagtitiwala ang Anakbayan PUP CPSPA sa kahusayan ng SAMASA candidates. At nag-uugat ito sa kanilang aktibong partisipasyon sa pagsusulong ng pambansa-demokratikong pakikibaka. Kaya ating suportahan:
๐ป๐ช๐ฒ๐น๐น๐๐๐๐ฎ ๐ง๐ผ๐ฟ๐ป๐ฒ for President
๐ป๐๐ต๐ฟ๐ถ๐๐๐ถ๐ฎ๐ป "๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฟ๐ถ๐ธ" ๐๐ฒ๐น๐ฎ๐ป๐๐ฒ for Vice President
๐ป๐๐ฟ๐ฎ๐ป๐ฐ๐ถ๐ ๐ ๐ถ๐ด๐๐ฒ๐น ๐๐ฟ๐๐ for Councilor
๐ป๐๐น๐ณ๐ผ๐ป๐๐ผ ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐๐ฒ ๐๐ฒ๐ผ๐ป for Councilor
๐ป๐๐ผ๐๐ฒ๐น๐น๐ฒ ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ฟ๐ฑ ๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ for Councilor
09/10/2025
LINGKOD-BAYAN, MAGING ISA SA 20,000! TAMA NA, SOBRA NA, PUP WALKOUT NA!
โ
โBukas, Oktubre 10, gaganapin ang pinakamalaking kilusang walkout sa pamantasan sa buong kasaysayan. Bilang mga Lingkod-Bayan, dikit sa ating sikmura ang krisis ng sumisidhing korupsyon at pananamantala sa sambayanang Pilipino mula sa pamahalaan. Sa bawat sentimong kinakamkam ng mga burukrata-kapitalistang nakaupo sa gobyerno, malinaw na wala sa prayoridad ng rehimeng Marcos-Duterte ang sektor ng edukasyon at karapatan ng mga kabataan para rito.
โ
โLantaran rin nating nakikita kung gaano kadaling baliin ang karampatang hustisya sa ilalim ng gobyerno. Mula pa sa ill-gotten wealth ng pamilyang Marcos, PDAF o pork barrel scam noong 2003, confidential funds, impeachment ni Sara Duterte, mga ghost flood control projects, at samu't saring "insertions" sa General Appropriations Act (GAA), malinaw sa mga Lingkod-Bayan na ang bulok na sistemang ito ay umiiral lamang para sa kanilang mga pansariling-interes at sa mga kaalyado nito habang naghihirap ang mga Iskolar ng Bayan at ang malawak na hanay ng sambayanan.
โ
โAng laban sa korupsyon ay laban para sa sapat na badyet sa pamantasan at tumatagos sa masang ating pinaglilingkuran. Patuloy tayong titindig at kolektibong kikilos dahil lahat ay mananagot!
โ
โLingkod-Bayan, ngayon na ang panahon! Sumama sa PUP Walkout Against Corruption!
โ
โ๐ป Decentralized Programs | 10:00 AM - 11:00 AM
โ๐ปAll Campuses Main Program | 12:00 NN
โ
โ
โ
โ
โSumali sa Anakbayan PUP CPSPA!
โ๐:https://forms.gle/9rB7xSJGDZWTxEtq9
14/09/2025
๐๐ฆ๐๐ข๐๐๐ฅ ๐ก๐ ๐๐๐ฌ๐๐ก, ๐๐๐ง'๐ฆ ๐๐๐๐๐ง ๐๐ข๐ฅ ๐ข๐จ๐ฅ ๐๐จ๐ง๐จ๐ฅ๐! ๐ฆ๐ง๐๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ ๐๐๐๐๐๐ฅ ๐ฃ๐จ๐ฃ ๐๐จ๐๐๐๐ง ๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐ก๐ฆ๐ง ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ๐ฃ๐ง๐๐ข๐ก!
Habang binubulsa ng mga nasa kapangyarihan ang bilyon-bilyong pisong inilalaan sa maanomalyang flood control projects at ghost infrastructures, ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) naman ay ipinagkakaitang tustusan. Ngayong taon, muling nahaharap ang ating Sintang Paaralan sa โฑ9.01 bilyong budget deficit na pinakamatingkad na manipestasyon kung paanong inuuna ng gobyerno ang bulsa ng iilan kaysa sa karapatan ng kabataan.
Hindi ito simpleng kapabayaan kundi bahagi ng mahabang kasaysayan ng pandarambong. Sa ilalim ng Martial Law, nilimas ni Marcos Sr. ang yaman ng bayan sa pamamagitan ng diktadura at utang na hanggang ngayon ay pasan ng sambayanan. Sa panunungkulan ni Duterte, lalo namang tumindi ang katiwalian at pagbubusog sa interes ng mga kaalyado. Ngayon, ipinagpapatuloy ng rehimen ni Marcos Jr. at Sara Duterte ang parehong huwaran ng paglutsay at pagpapabaya.
Kaya bilang tugon, nananawagan kami sa lahat ng Iskolar ng Bayan na makiisa sa gaganaping Black Monday Protest sa PUP Main Gate sa ika-15 na Setyembre, 2:00 PM! Hindi natin maaaring ipagpaliban ang laban para sa mas mataas na pondo sa edukasyon at laban sa sistematikong korapsyon. Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, ipapakita natin na hindi na dapat maulit ang pandarambong at panunupil ng diktadura, at hindi na dapat manatiling tahimik ang kabataan sa harap ng malinaw na pangungurakot sa ating kinabukasan!
๐๐๐๐๐ ๐ ๐ข๐ก๐๐๐ฌ ๐ฃ๐ฅ๐ข๐ง๐๐ฆ๐ง
๐ September 15, 2025
โฑ๏ธ 2:00 PM
๐PUP Main Gate
๐ฃ๐จ๐ฃ ๐๐ข๐ ๐ ๐จ๐ก๐๐ง๐ฌ ๐ฃ๐๐๐ก๐ก๐๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ #๐ ๐๐ฑ๐ฏ
๐ September 16, 2025
โฑ๏ธ 3:00 PM
๐Online via MS Teams
SUMALI SA COORDINATING GC:
๐ https://m.me/j/Abb6_UAh77A4unN0/
๐ https://m.me/j/Abb6_UAh77A4unN0/
๐ https://m.me/j/Abb6_UAh77A4unN0/
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE
Manila