Kokuryu Charity Program

Kokuryu Charity Program

Share

Ang Kokuryu Charity Program ay isang programa ng kumpanyang Kokuryu Cosmetics para maka-tulong sa mga nangangailangan sa pamumuno ni Bien Marvin Legarda

29/08/2025

Si Bien Marvin Legarda ng Kokuryu Charity Program ay nagbigay po ng suporta noong July 14, 2025 sa Barangay Tibagan para sa kanilang Nutrition Month.

Maraming salamat po kay Kagawad Dagul Ortega at kay Kap Totoy Gaa sa mainit na pagtanggap sa inyong barangay.

Photos from Kokuryu Charity Program 's post 24/08/2025

Good day Everyone!

Si Bien Marvin Legarda ng Kokuryu Charity Program ay nakibahagi sa Barangay Caravan para maghatid ng make-up tutorials at mamigay ng libreng make-up products para sa mga residente ng San Juan City. Salamat sa lahat ng sumali sana nagustuhan ninyo ang mga libreng produkto mula sa Kokuryu Cosmetics Inc.

Maraming salamat po Mayor Francis Zamora sa pagkakataon na muling makasama sa Makabagong San Juan Barangay Caravan sa Barangay West Crame.

Photos from Mayor Francis Zamora's post 21/08/2025
20/08/2025

Si Bien Marvin Legarda ng Kokuryu Charity Program ay nagbigay ng Kokuryu Gift Packs sa Barangay West Crame bilang suporta sa Mother’s Class seminar para sa mga adolescent, pregnant, at lactating moms na pinangunahan ni Dra. Gonzaga.

16/08/2025

Si Bien Marvin Legarda ng Kokuryu Charity Program ay nag bigay po ng Kokuryu Gift Packs bilang suporta sa Nutri-Bingo at sa SK Sportsfest.

Maraming salamat po kay Kap Emang at sa mga Kagawad ng Barangay Kabayanan sa mainit na pagtanggap!

Photos from Kokuryu Charity Program 's post 10/08/2025

Isang malaking karangalan po para sa Kokuryu Charity Program na pinamumunuan ni Sir Bien Marvin Legarda na maging bahagi ng 2025 KADA Cup Season 3. Sa pamamagitan ng ating charity program, nakapaghanda po tayo ng mga food packs na ibibigay sa ating mga kabataang manlalaro.

Salamat po sa KADANG DOMINIKO na pinamumunuan ni Sir Alvin Kenneth Cabanlit sa pagkakataong ito na makatulong po sa ating mga kabataan at sa mainit na pagtanggap.

03/08/2025

Ang Kokuryu Charity Program na pinamumunuan ni Bien Marvin Legarda ay namahagi ng mga Kokuryu Gift Packs sa City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) upang suportahan ang graduation ng kanilang Community Based Drug Rehabilitation program ngayong Agosto.

30/07/2025

Ang Kokuryu Charity Program, sa pangunguna ni Bien Marvin Legarda ay namahagi ng mga gift packs sa Barangay Sta. Lucia bilang suporta sa kanilang Nutri-Bingo sa pangunguna ni Kagawad Chona Parada.

Photos from Kokuryu Charity Program 's post 27/07/2025

Si Bien Marvin Legarda, head ng Kokuryu Charity Program ay nagkaloob ng mga basurahan sa San Juan City Cemetery bilang bahagi ng kanilang adbokasiya sa kalinisan, upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng nasabing pampublikong sementeryo.

Photos from Kokuryu Charity Program 's post 23/07/2025

Sa pangunguna ni Bien Marvin Legarda, ang Kokuryu Charity Program ay nagpaabot ng malasakit at tulong sa mga nasalanta ng bagyo sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga burger sa Santuario del Sto. Cristo.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng Kokuryu Charity Program kay Mayor Francis Zamora.

Lubos din ang aming pasasalamat sa mainit na pagtanggap ni Fr. Matthias Nga Reh, OP., sa lahat ng masisipag na volunteers, at sa buong Dominican Youth Movement, sa pangunguna ni Joaquin Miguel Castillon, na buong pusong nakikibahagi sa pagtulong.

16/07/2025

Namahagi ang Kokuryu Charity Program ng mga gift packs sa Kadang Dominiko para sa kanilang ‘2025 KADA CUP SEASON 3.’ Pinangunahan ito sa tulong ng Kokuryu Charity Program na pinamumunuan ni Bien Marvin Legarda.

09/07/2025

Si Bien Marvin Legarda head ng Kokuryu Charity Program ay nagbigay ng Kokuryu gift packs bilang suporta sa Youthpreneur fair para sa mga kabataan ng Barangay Isabelita.

Want your organization to be the top-listed Government Service in Mapuntod?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


178 V. Cruz Street Brgy. Sta Lucia San Juan City
Mapuntod