SSLG-Suguit NHS

SSLG-Suguit NHS

Share

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

01/03/2026

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

February may end but love will remain

Alamin ang konsepto ng pag-ibig para sa mga Batang Suguit ๐Ÿ’›๐Ÿ’š

Photos from Suguit National HS Official's post 24/02/2026

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

Masiglang nakiisa ang Suguit NHS sa pagdiriwang ng National Dental Health Month ngayong ika-24 ng Pebrero 2025. Layunin ng sabayang pagsisipilyo na ipaalala sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng wastong pangangalaga at regular na paglilinis ng kanilang mga ngipin.

Sa pamamagitan ng gawaing ito, hinihikayat ang bawat mag-aaral na gawing bahagi ng kanilang araw-araw na gawain ang tamang pagsisipilyo upang maiwasan ang pagkakaroon ng cavities at iba pang sakit sa ngipin at gilagid. Patunay ito na ang Suguit NHS ay patuloy na sumusuporta sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at kalinisan para sa mas maliwanag at mas malusog na kinabukasan ng bawat mag-aaral. ๐Ÿฆท๐Ÿชฅ

Photos from SSLG-Suguit NHS's post 13/02/2026

"Sa Suguit NHS, Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

Abillonar v2.0

Pormal na inanunsyo ngayong araw ng Suguit NHS-LGCOMEA sa patnubay ni G. Jeffson M. Delos Reyes, AOII ang mga nagwagi sa katatapos lamang na SSLG Election 2026. Pinangunahan ito ng muling nahalal na Pangulo na si Bb. Jedidiah Aeon L. Abillonar, kasalukuyang mag-aaral ng Grade 11 โ€“ Aguinaldo, kasama ang mga bagong halal na opisyal:

Kristal L. Agustin โ€“ Bise Presidente
Jillian A. Ancheta โ€“ Kalihim
Ronald Allan S. Licay โ€“ Ingat-Yaman
Romer C. Del Campo โ€“ Tagasuri (Auditor)
Renier S. Licay โ€“ Tagapagbalita (PIO)
Abigail P. Limon โ€“ Peace Officer
Hanna Kim N. Ancheta โ€“ Kinatawan, Grade 8
Mark Aldrin P. Nardo โ€“ Kinatawan, Grade 9
John Ervin P. Gallardo โ€“ Kinatawan, Grade 10
Chariz Kathlyn F. Delos Santos โ€“ Kinatawan, Grade 11
King John G. Lozano โ€“ Kinatawan, Grade 12

Photos from SSLG-Suguit NHS's post 11/02/2026

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

Pormal na nagsumite ng kani-kanilang Certificate of Candidacy ang mga nagnanais na maging opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) para sa Taรณng Panuruan 2026โ€“2027. Dalawang partido ang maglalabanโ€”ang Kupunang Ancheta at ang Kupunang Abillonarโ€”upang mahalal sa ibaโ€™t ibang posisyon sa SSLG, mula sa pinakamataas na katungkulan ng Pangulo hanggang sa mga Kinatawan ng Bawat Klase. ๐Ÿ’›๐Ÿ’š

05/02/2026

Happy birthday Rep Mia ๐Ÿฅณ

Photos from SSLG-Suguit NHS's post 29/01/2026

"๐’ฎ๐’ถ ๐’ฎ๐“Š๐‘”๐“Š๐’พ๐“‰ ๐’ฉ๐ป๐’ฎ ๐’ซ๐‘œ๐“ˆ๐’พ๐’ท๐“๐‘’ ๐’ถ๐“ƒ๐‘” ๐’ซ๐’ถ๐‘”๐’ท๐’ถ๐’ท๐’ถ๐‘”๐‘œ ๐’ถ๐“‰ ๐’ซ๐’ถ๐‘”-๐’ฐ๐“ƒ๐“๐’ถ๐’น"

2026 National Bible Month Celebration: "โ€œGod's Word Brings L.I.F.E. (Love, Integrity, Faith, Engagement) to Our Hearts and to Our Homesโ€ ๐Ÿ’›๐Ÿ’š

Masayang ipinagdiwang ng Suguit National High School, sa pangunguna ng mga SSLG officers, ang taunang National Bible Month Celebration.

Ang nasabing pagdiriwang ay dinaluhan ng mga piling kalahok mula sa ibaโ€™t ibang baitang na lumahok sa ibaโ€™t ibang gawain tulad ng Bible Quiz Bee, Poster Making, at Slogan Making Contest. Layunin ng selebrasyong ito na mapalalim ang kaalaman at pananampalataya ng mga mag-aaral sa Salita ng Diyos at maisulong ang pagpapahalagang Kristiyano sa loob ng paaralan.

Photos from SSLG-Suguit NHS's post 21/01/2026

Congratulations mga kuya at ate! โœจ๏ธ๐Ÿ’›๐Ÿ’š

20/01/2026

๐Ÿ“ฃ MAAGANG PAGPAPALISTA PARA SA SY 2026โ€“2027๐Ÿ“ฃ
๐Ÿ“ SUGUIT NATIONAL HIGH SCHOOL

Tumatanggap na ng mga papasok, transferees, at balik-aral na mag-aaral para sa:
๐Ÿ‘‰ Grade 7 at Grade 11

๐ŸŽ“ Inaalok na SHS Track at Strand:
โœ”๏ธ Academic Track โ€“ HUMSS (Humanities and Social Sciences)

๐Ÿ—“ Panahon ng Pagpapalista:
Enero 31 โ€“ Pebrero 27, 2026

๐Ÿ“Œ Sino ang maaaring magpalista?
โœ… Papasok na Grade 7
โœ… Papasok na Grade 11
โœ… Transferees
โœ… Balik-aral

๐Ÿ“„ Paalala:
Dalhin ang mga kinakailangang dokumento sa oras ng pagpapalista (tingnan ang poster para sa detalye).

๐Ÿ“ž Para sa karagdagang impormasyon:
Makipag-ugnayan sa Suguit National High School sa oras ng opisina.

๐Ÿ“ฃ โ€œMakapag-aral ay karapatan moโ€”magpalista na!โ€
๐Ÿ‘‰ Maagang magpalista at siguraduhin ang inyong slot.

14/01/2026

"Sa Suguit NHS Posible ang Pagbabago at Pag-unlad"

Ang buong komunidad ng Suguit NHS ay taus-pusong nagpapasalamat sa naging kontribusyon ni Bb. Mary Ann S. Magluyan sa pagpapanatili ng kaayusang pampinansyal at sa iba pang gawaing pamamahala. Maraming salamat po, Maโ€™am ADAS! Pagpapala sa iyong bagong istasyon.

Gayundin naman, aming lubos na ikinagagalak ang pagbati ng maligayang pagdating sa mga bagong kasamahan na sina Bb. Mylene E. Gonzales (ADAS II) at G. Godfrey Novicio (ADAS III). Mebiyay! ๐Ÿ’›๐Ÿ’š

12/01/2026

Happy Birthday kuya Romer ๐Ÿ˜‡

04/01/2026

Happy birthday po Nurse Keiy-Beeh ๐Ÿ˜‡

Want your school to be the top-listed School/college in Maria Aurora?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Brgy. Suguit, Maria Aurora, Aurora
Maria Aurora
3202

Opening Hours

Monday 8am - 4:45am
Tuesday 8am - 4:45pm
Wednesday 8am - 4:45pm
Thursday 8am - 4:45pm
Friday 8am - 4:45pm