The Good Samaritan

The Good Samaritan

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from The Good Samaritan, Digital creator, Camaya, Mariveles.

17/06/2026

ANG BIGAT NG CALLING NG ISANG LEADER.

Hindi biro ang maging leader.

Marami ang nakakakita ng entablado, pero hindi nila nakikita ang mga gabing lumuluha ka sa panalangin.
Nakikita nila ang pagtuturo, pero hindi nila nakikita ang mga laban na tahimik mong hinaharap.

Ang leadership ay hindi parang pagkakaroon ng korona sa ulo, ito ay parang pagbubuhat ng krus araw-araw.

Kaya ganun nalang din ang sinabi ng Panginoong Hesus kay Ananias tungkol sa magiging buhay ni Pablo bilang isa sa mga mag-lelead sa mga tao papunta sa Diyos.

Gawa 9:15-16
15 Ngunit sinabi sa kanya ng Panginoon, “Pumunta ka roon, sapagkat siya'y pinili ko upang ipakilala ang aking pangalan sa mga Hentil, sa mga hari, at sa mga anak ng Israel. 16 Ipapakita ko sa kanya ang lahat ng dapat niyang tiisin alang-alang sa akin.”

Hindi lang sarili mo ang iniisip mo, kundi ang mga taong ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos. Ang bawat salita mo ay maaaring makapag encourage o magkapag discourage. Ang bawat desisyon mo ay maaaring maglapit o maglayo sa isang tao sa Panginoon.

Kaya mabigat ang calling ng isang leader.

May mga araw na gusto mong sumuko. May mga pagkakataong pakiramdam mo ay mag-isa ka.
May mga sugat na hindi mo maikwento sa iba.

Pero tandaan mo na ang Diyos na tumawag sa iyo ay Siya ring magbibigay ng lakas para ipagpatuloy ang calling Niya sa buhay mo.

Hindi ka tinawag dahil perpekto ka. Tinawag ka dahil sa biyaya ng Diyos.

Kaya kung isa kang leader, manatiling mapagpakumbaba.
Manatiling nananalangin.
Manatiling tapat.

Yes mabigat ang calling mo, pero ang Diyos na tumawag sayo ay mas dakila kaysa sa anumang bigat na iyong pinapasan.

Godbless everyone!

28/04/2026

Proverbs 1:7 The fear of the Lord is the beginning of knowledge but fools despise wisdom and instruction.

In most Christian interpretations, “fear of the Lord” doesn’t mean being terrified of God in the way you’d fear danger. Instead, it’s about reverence, awe, and a deep respect for God’s authority and holiness. It’s more like recognizing that God is ultimate truth and aligning yourself accordingly.

From a Christian perspective:
True knowledge begins with humility—accepting that humans don’t know everything. It involves acknowledging God as the source of truth and moral order. It sets the foundation for wisdom, not just intellectual knowledge but how to live rightly.

So in short: it’s less “be scared of God” and more “start with deep respect for God, and that’s where real understanding begins.”

Want your business to be the top-listed Media Company in Mariveles?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Camaya
Mariveles
2105