Mariveles Rural Health Unit I

Mariveles Rural Health Unit I

Share

Sa Mariveles, Una Ang Kalusugan
#MarivelesMunaMarivelesUna

Photos from Mariveles Rural Health Unit I's post 18/11/2025

Ngayong araw ng Martes, ika-18 ng Nobyembre 2025, nagkaroon po tayo ng libreng bakuna ng Pneumonia Vaccine para sa ating mga senior citizen na ginanap sa sa Brgy. Maligaya covered court.

Sa pangunguna ng ating Rural Health Physician, Dr. Danny Velasco, naging matagumpay ang pagbabakunang ito.

Ang programang ito ay dinaluhan ng ating Punong Bayan, Mayor Concepcion, at nagagalak siyang makita ang ating mga senior citizen ay mabibigyan ng proteksyong pangkalusugan laban sa pneumonia.

Patuloy po naming hinihikayat na magpabakuna ang mga senior citizens na samantalahin ang libreng pagkakataong ito para maprotektahan ang kalusugan para sa mas malakas at mas malusog na pangangatawan.

15/09/2025

Initial Assessment ng Animal Bite Treatment Center sa RHU V, Mariveles
September 11, 2025

Matagumpay na isinagawa ang Initial Assessment ng Animal Bite Treatment Center (ABTC) sa Rural Health Unit V, Mariveles. Pinangunahan ang pagsusuri nina Dr. Maria Belina Ibasco mula sa Provincial DOH Office – Bataan at Gng. Bernadeth Manahan, Provincial Coordinator ng Rabies Prevention and Control Program mula sa PHO – Bataan.

Nakapasa ang ABTC sa nasabing pagsusuri matapos makakuha ng 54 puntos mula sa kabuuang 62, lagpas sa itinakdang passing score na 50. Patunay ito ng kahandaan ng pasilidad para sa accreditation. Ang positibong resulta ay bunga ng dedikasyon at pagtutulungan ng mga health staff na pinangungunahan nina Dr. Sherwin Pontanilla at Dr. Joanne Panangui-Lumabi, katuwang ang ating mga ABTC Nurses sa pagbibigay ng dekalidad na serbisyo para sa kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga pasyente.

Malaki rin ang naging ambag ng Mariveles Municipal Health Office (MHO) sa pamumuno ni Dr. Gerald Sebastian, na nagsilbing gabay at katuwang sa pagpapatupad ng mga serbisyo at programa para sa rabies prevention sa bayan.

Kinikilala rin ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamumuno ni Mayor Atty. Ace Jello Concepcion, na patuloy na naglalaan ng tulong at suporta upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan.

Ang pagkakapasa ng ABTC–RHU V sa initial assessment ay hindi lamang isang hakbang papunta sa accreditation, kundi isang patunay ng seryosong pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga health workers, at komunidad tungo sa isang mas ligtas at mas malusog na Mariveles. Ang ABTC–RHU V din ang magiging ikalawang rehistrado at kwalipikadong pasilidad para mapanatiling ligtas sa banta ng rabies ang bayan ng Mariveles.

Want your practice to be the top-listed Clinic in Mariveles?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Municipal Compound National Road Brgy. Poblacion
Mariveles
2105

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm