AFAB GAD Corner
This page shall serve as the official Gender and Development page of the AFAB
06/04/2026
๐๐ง๐ญ๐ข-๐๐๐ฉ๐ ๐๐๐ฐ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐ข-๐๐ซ๐๐๐๐ข๐๐ค๐ข๐ง๐ ๐ข๐ง ๐๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐ฌ ๐๐๐ญ, ๐ญ๐ข๐ง๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ฌ๐ฌ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐ซ๐ข๐ฐ๐๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง๐๐ฅ ๐๐จ๐ฆ๐๐งโ๐ฌ ๐๐จ๐ง๐ญ๐ก
Matagumpay na isinagawa ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB), sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Committee nito, ang โGAD Congress: An Awareness Orientation on Anti-Rape Law and Anti-Trafficking in Persons Actโ bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Womenโs Month.
Tinalakay sa nasabing aktibidad ang mahahalagang probisyon ng Republic Act No. 8353 o Anti-Rape Law of 1997, gayundin ang Republic Act No. 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act of 2003, na pinalawak sa ilalim ng Republic Act No. 11862. Layunin nitong palalimin ang kaalaman ng buong FAB Community hinggil sa mga batas na nagtataguyod ng karapatan at proteksyon ng kababaihan, at isulong ang isang ligtas at gender-fair workplace.
Pinatunayan ng aktibidad na ito ang mariing pagsuporta ng AFAB sa adbokasiya ng patas na pagtinging sa bawat kasarian at pagpapahalaga sa mahalagang papel ng kababaihan sa isang mayabong at matagumpay na Freeport Area of Bataan.
09/03/2026
๐๐๐ซ๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ ๐๐๐ฒ ๐๐ฎ๐๐ง๐: ๐๐ฐ๐๐ซ๐๐ง๐๐ฌ๐ฌ ๐๐๐ซ๐๐ก
Noong umaga ng ika-6 ng Marso 2026, muling nagkaisa ang buong FAB Community sa taunang Parada Para Kay Juana bilang hudyat ng pagdiriwang ng National Womenโs Month.
Nakiisa ang mga kumpanya sa FAB, kanilang mga manggagawa, lokal na pamahalaan ng Mariveles, mga paaralan, at iba pang organisasyong bumubuo ng FAB upang ipakita ang suporta sa adhikaing magkaroon ng patas na karapatan at pagtingin sa mga kababaihan at lahat ng kasarian.
Muli, nagpapasalamat po ang AFAB sa inyong pakikiisa sa panahong mas kailangang dumagundong ang ating tinig sa mga lansangan - ipaalam, isigaw, at ipagdiwang ang kagalingan, kagandahan, at kamangha-manghang Juana.
Para sa isang FAB na nagmamahal, nag-iingat, at kumikilala sa lakas at halaga ng ating mga kababaihan.
Abante, Babae!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
AFAB Administration Building, FAB
Mariveles
2105
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |