Ivan Ricafrente
Filipino. Public servant.
01/06/2026
𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐅𝐋𝐀𝐆 𝐃𝐀𝐘𝐒 | 𝐌𝐚𝐲 𝟐𝟖 𝐭𝐨 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟏𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔
Ipagmalaki natin at idambana ang sagisag ng ating kasarinlan at ng ating bansa, ang Pambansang Watawat ng Pilipinas!
Nakikiisa po ang inyong lingkod sa pagdiriwang ng "National Flag Days."
01/06/2026
𝐒𝐈𝐓𝐈𝐎 𝐓𝐀𝐂𝐋𝐎𝐁𝐀𝐍 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐇𝐄𝐀𝐋𝐓𝐇 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄, 𝐍𝐀𝐊𝐀𝐒𝐔𝐋𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐒𝐀 𝐈𝐊𝐀𝐓𝐋𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐁𝐀𝐒𝐀!
One step closer na sa pagiging ganap na ordinansa ang kautusang nag-aatas na magtatag ng bagong Barangay Health Station (BHS) sa Sitio Tacloban, Barangay Lucanin, matapos itong maluwalhating makasulit sa Ikatlong Pagbasa sa Sangguniang Bayan ng Mariveles.
Layunin nitong mas mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan. Mahigit tatlong libong populasyon ang paglilingkuran nito maliban sa Sitio Tacloban, kasama na dyan ang Sitio Upper Hardin, Sitio Lower Hardin, Sitio Paliparan at Empressa Subdivision.
Sa ilalim ng 2026 General Appropriations Ordinance ng Mariveles, pinapondohan na po ni Mayor AJ Concepcion at Sangguniang Bayan ang pagtatayo ng bagong BHS sa Sitio Tacloban, Barangay Lucanin.
Nagpapasalamat po tayo sa ating mga kasamahan sa Sangguniang Bayan sa pamumuno ni Vice Mayor Jesse I. Concepcion para sa kanilang buong suporta sa ating panukala.
Ito po ngayon ay dadaan sa Tanggapan ng ating Punong Bayan para sa kanyang konsiderasyon.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Candido Zalavarria Street
Mariveles
2105