Cabcaben

Cabcaben

Share

Mother Barangay of upper Mariveles, situated between Barangay Mountainview and Barangay Townsite. Home of 2 former Mayor, and of PAO Chief Persida Rueda-Acosta.

01/02/2026

๐—”๐—น๐—ฎ๐—บ ๐— ๐—ผ ๐—•๐—ฎ: ๐—–๐—ฎ๐—ฏ๐—ฐ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฒ๐—ป ๐—ป๐—ฎ๐—ถ๐˜€ ๐—ต๐˜‚๐—บ๐—ถ๐˜„๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜† ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐˜ ๐˜๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ด๐—ถ๐—ป๐—ด โ€œ๐—˜๐˜€๐˜๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎโ€, ๐Ÿญ๐Ÿด๐Ÿด๐Ÿฎ

๐˜‰๐˜ถ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฐ๐˜ฃ. ๐˜—๐˜ฐ๐˜ด๐˜ช๐˜ต๐˜ช๐˜ฃ๐˜ฐ. ๐˜‰๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฅ. ๐˜๐˜ช๐˜ด๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ณ๐˜บ. ๐˜”๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ. Ito ang katangian nina Andres Calimbas at mga kalalakihan ng Cabcaben, ayon sa Historyador na si Cornelio Bascara. Hiniling nila noong Hulyo 1, 1882, kay Governor General Fernando Primo de Rivera, Marquรฉs de Estella, na ihiwalay ang Cabcaben sa Mariveles at papalitan ang pangalan nito sa โ€œEstellaโ€, bilang parangal sa gobernador-heneral.

Isinagawa ang petisyon ng mga vecinos o mga opisyales at residente ng Cabcaben sa pangunguna ni Andres Calimbas, ang teniente primero ng barangay. Nilayon ng petisyon na:

โœ“ Ihiwalay ang Cabcaben mula sa bayan ng Mariveles

โœ“ Magkaroon ng bagong bayan na tatawaging โ€œEstellaโ€ bilang paggalang o inspirasyon sa Marquis de Estella, si Gobernador-Heneral Fernando Primo de Rivera, na kilala sa mga reporma sa administrasyon, pagtatag ng mga bagong bayan, at pagpapalakas ng infrastruktura sa kanyang panunungkulan mula 1880 hanggang 1883.

Anila, mayaman ang Cabcaben at kaya nitong mag-isa; dadami ang dadayo sa Cabcaben at lalaki ang populasyon. Ginawa ang petisyon dahil mahaba at delikado ang 12 kilometro na biyahe papunta sa Mariveles, lalo na para sa misa, seremonyang panrelihiyon, at iba pang mahahalagang gawain ng komunidad. Limitado ang imprastraktura at transportasyon noon, kaya maraming residente ang nahihirapan sa pag-uwi at pag-alis sa kanilang lugar.

Sa dokumento, makikita ang pirma ng ilan sa mga petitioners:
Andres Calimbas, Aguedo Salonga, Francisco Calimbas, Amadeo Ruis, Aguedo Bantugan, Anatalio de Ocampo, Geronimo Nuรฑez, Policarpio Jose Escaรฑo, Eleuterio Policarpio, Jose Angeles, Juan Salonga, Vicente Bugarin, Canuto Matawaran.

โŒ Tinanggihan ang Petisyon (1883)

Sa kabila ng determinasyon ng mga taga Cabcaben, noong Setyembre 25, 1883, tinanggihan ang petisyon ng Gobernador ng Bataan na si Gaspar Castaรฑo. Nanatiling bahagi ng Mariveles ang Cabcaben at hindi natuloy ang balak na maging hiwalay na bayan.

๐Ÿ“š Sources
Cornelio R. Bascara PH.D., History of Bataan, UST Publishing House, 2010, Chapter 10
Mariveles Bataan, History, Balak na Paghiwalay ng Cabcaben sa Mariveles

Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment in Mariveles?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Website

Address


Cabcaben
Mariveles
2109