Dark Side
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dark Side, Publisher, Brgy. Nursery, Masbate.
16/06/2024
TIL DEATH DO US PART
Ika-Walong Kabanata
Lumipas nga ang isang taon. Nakakapag lakad narin si baby Margarette at naidiwang narin ang first birthday nito. Kahit kapwa busy ay mas naging matatag pa lalo ang relasyon ng dalawa.
Troy: “Babe, nga pala maasign kami sa Quezon Province sa darating na fiesta, kami kasi ang naatasang mag bantay roon.” paalam nito sa asawa
Alisza: “Okay babe, pero medyo malayo yon ah. Ilang araw ba kayo do'n?”
Troy: “Dalawang araw lang naman. Doon na muna ako tutuloy sa bahay ng kasamahan kong si Renier, babe. Tiga ro'n kasi siya”
Alisza: “Mas mainam nga iyan, babe.”
Troy: “Mamaya ipasyal natin si Margarette” wika nito. Saka nagpatuloy na sapag kain.
Masaya nilang pinag mamasdan ang anak na kasalukuyang nag eenjoy sa nilalarong nitong mga bola kasama ang Yaya nito. Magka hawak ang k**ay na binabalikan ng mag asawa ang mga magagandang alaala nila. Parang kailan lang nagliligawan pa sila pero heto ngayon mayroon na silang munting anghel na siyang mas nagpapatatag sa kanilang relasyon.
Troy: “Napaka sarap tingnan ng mga tawa ni Margarette. Sana palagi nalang ganito babe” wika nito. Napangiti naman si Alisza habang pinagmamasdan ang anak.
Alisza: “Sana palagi lang ganito no.”
Troy: “Wag kang mag alala babe, next month at mag fa-family bonding tayo. Mag travel tayo, saan mo gusto?”
Alisza: “Out of town ba? O country?” nakangisi nitong tanong. Tila' Hindi ito naniniwala sa sinabi ng Asawa. Bahagya Naman pinisil ni Troy ang pisngi sabay halik sa noo Niya.
Troy: “Out of the country, babe. Diba may visa narin naman ang passport ni Margarette. Mag Japan tayo”
Alisza: “Talaga ba? Naku can't wait”
Troy: “Kailan ba ako Hindi tumupad sa mga pangako ko, babe?”
Nag kunware naman nag isip si Alisza para asarin si Troy, pero imbes maasar ay natawaa lamang ito sabay pisil sa pisngi ng Asawa.
Nagmamadaling nilalagay ni Troy ang mga damit na dadalhin niya sa Quezon Province. Late na kasi siyang nagising at kung hindi pa siya tinawagan ng kasamahan niyang pulis na si SP03 Renier Rodriguez hindi pa siya magigising. Nakapag paalam narin siya sa kanyang mag ina bago paman pumasok si Alisza trabaho nito.
Renier: “Feel at home buddy” wika nito kay Troy habang papasok sila sa bahay nito.
Limang Oras din bago nila narating ang probinsya nila SP03 Renier Rodriguez, ito rin kasi ang nag request na isama si Troy sa isa sa magiging es**rt ng Mayor ng kanilang probinsya sa darating na fiesta ng barangay nila. Dumiretsyo na sila sa bahay ni Renier. Si troy lang ang pumayag na maki tulog dahil mag hohotel naman daw ang iba at baka hindi narin daw sila kasya sa Bahay ni Renier. Naroon rin naghihintay sakanila ang Asawa nitong si Melva at dalawang anak na lalaki. May inihanda rin itong mga pagkain para sapag dating nila.
Renier: “Sergeant Rivera, Eto nga pala ang maganda kong Asawa, si Melva. Mahal, si SP02 Vincent Troy Rivera nga pala ang ikinekwento ko saiyo na pinaka gwapo saamin” nakangiti nitong pagpapakilala sa dalawa.
Melva: “Magandang araw saiyo. Tunay nga na maganda kang lalaki. O sya halina't nag handa ako ng pagkain” nakangiti nitong bati sakaniyang bisita pagkatapos ay inaya na ang dalawa sa hapag.
Troy: “Naku, mukhang ang sasarap naman po ng mga iniluto ninyo”
Renier: “Kaya nga na inlove ako sa misis ko. Talagang napakasarap mag luto, bukod sa maganda” pagmamalaki nito. Namula tuloy ang pisngi ni Melva sa sinabi ng Asawa
Melva: “Ewan ko saiyo Renier. Nga pala mga anak namin, si Paolo at Ran” P**ilala nito sa dalawang binatilyo na kakarating lang.
Nagulat pa si Troy ng makita ang dalawang bata dahil hindi halata sa hitsura nila Renier at Melva na binatilyo na ang mga anak nito. Napa tanong tuloy siya sa edad ng mag asawa na hindi halatang lampas kwarenta na pala.
“Magandang araw po” magalang na bati ng dalawa sa kanilang panauhin bago sila umupo sa kanilang puwesto.
Melva: “Mukhang, maraming kinuha na pulis ngayon ah. Balibhasa magulo na ang fiesta rito simula ng si mayor Aragon na ang nakaupo” naiiling nitong wika.
Renier: “Oo nga eh, kung sana lang si mayor Zuares parin ang nanalo, edi sana masaya palagi ang mga fiestahan dito” pahayag rin nito na halatang hindi gusto ang kasalukuyan nilang Mayor.
Troy: “Pasensya na, pero ano ano ho ba ang problema sa mayor ninyo ngayon?” hindi nito napigilang mag usisa.
Renier: “Masyado kasing mapang mata si Mayor Aragon. Mahirap din lapitan sa Oras ng pangangailang. Malayong malayo sa dating Mayor namin.” agad na tugon nito sa pinaka mahinang boses.
Melva: “Balita ko nga maliit lang ang nai-bigay na budget at tulong sa mga nasunugan nong nakaraan. Pero kapag siguridad niya ang pinag usapan okay lang namag lastay siya ng malaking halaga. Alam niya kasi na maraming galit sakanya” dagdag pa nito na tila' komportable lang makipag tsismisan sa harap ng bisita.
Renier: “Hayaan mona, mahal. Ganon talaga eh siya ang ibinoto ng mga tao. Wala tayong magagawa”
Melva: “Sabagay madaling masuholan ang mga tao. Oo nga pala narinig korin na dadalo raw ang anak non mamaya sa fiesta”
Renier: “Sino? Yong Sopia? yong nasa ibang bansa?”
Melva:“Oo, yong nag momodel raw. Kakauwi lang kahapon”
Nag kibit balikat na lamang na nakikinig si Troy sa usapan ng dalawa, Hindi narin siya nag usisa pa dahil wala naman siyang alam tungkol doon. Ang alam niya lang na matindi ang pag disgusto ng dalawa sa nasabing mayor ng Lugar nila. Pero para sakanya ay trabaho lang ang aatupagin at pinunta niya roon at wala na siyang pakialam sa personal na isyu sa nasabing probinsya. Basta makauwi lang siya ng ligtas sa pamilya niya, ay okay na.
Habang nag babantay ay hindi maiwasan mapatingin ni Troy sa isang panauhin sa plaza. Napaka gandang babae nito, at mahahalata mong anak mayaman sa porselana nitong kutis. Nang marinig niya ang apelyido ng nasabing dalaga'y agad naman niyang napagtanto na 'yon ang tinutukoy na anak ng Mayor ng lugar. Hindi niya maiwasang humanga sa taglay nitong ganda pero hanggang doon lang dahil ang nararamdaman niyang paghanga ay parang paghanga lang sa isang artista o sikat na personalidad.
Police1: “Ang ganda pala talaga ng anak ng Mayor dito no”
Police2: “Oo nga eh, mala artista”
Troy: “Maganda naman kaya ang ugali?” hindi niya napigilang sabihin. Napa tingin tuloy ng nakakaloko ang mga kasamahan niya.
“Mga sarge, mamaya po bababa na si Miss Sopia. P**i es**rtan nalang” utos ng taohan ni Mayor Aragon.
Dagli dagli naman silang tumungo sa kinaroroonan ng nasabing dalaga. Excited pa ang mga kasamahang nitong pulis dahil nakikita na nila ng malapitan ng magandang anak ng Mayor.
Sakto naman ang pagdating nila sapag baba ni Sopia sa stage. Maraming tao ang gustong magpa picture sa dalaga pero marahan winawaksi ng mga bantay ang mga ito, sa utos narin ng Mayor dahil hindi raw maganda ang pakiramdam ng anak at gusto ng magpahinga.
Samantalang hindi naman nakalampas sa dalaga ang kakisigan ni Troy, lutaw na lutaw kasi ang kagwapohan nito kaya di niya maiwasang mapatitig rito lalo na at malapit lang ito. Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga hanga ng dalaga namay angking kapilyahan si Sopia at kung sino man ang magustohan nito ay gagawin niya ang lahat para makuha ito kahit na may Asawa pa. Marami na itong nasirang pamilya dahil sa angking kapusokan at pang aabuso nito sa kapangyarihan at karangyaan. Lingid naman iyon kay Mayor Aragon pero lahat ay gagawin nito para sa kanyang mga anak kahit ikapahamak pa ng ibang tao. Pinagtatakpan rin nito lahat ng kalokohan na pinang gagawa ng kanyang mga anak sa abot ng kanyang makakaya. Dalawa lang ang anak nito na kapwa spoiled at halos lahat ng kalokohan ay tinataglay ng mga ito na siya naman ang may kasalanan dahil sa kapabayaan niya bilang isang magulang. At hinayaan lamang ang mga bad doings ng mga ito.
Sopia: “We're here na. All of you can go na. Except you!” tukoy nito kay Troy nang marating nila ang van ng dalaga.
Labis naman ang pagtataka ni Troy, mabilis siyang tumanggi at nag offer ng iba niyang kasamahan pero mariin na tinutulan iyon ng dalaga. Gusto nitong si Troy lang ang mag hatid sakanya.
Sopia: “Wag kang mag alala, I just want you to es**rt me hanggang makauwi ako sa condo”usal nito. Wala narin nagawa si Troy dahil parte naman iyon ng kanyang trabaho.
Magkatabi sila naka sakay sa backseat ng sasakyan. Nakukutoban na ni Troy ang ibig iparating ng dalaga pero pilit niya yong winawaksi sakanyang isipan.
Sopia: “What's your name?” tanong nito.
Troy: “Troy, po” tipid nitong sagot.
Sopia: “Are you single?” kaswal at walang paligoy ligoy nitong tanong sa lalaki. Na sa lahat Ng pwedeng itanong ay yon agad ang ni tanong nito. Hindi naman tanga si Troy para hindi iyon mahalata.
Sopia: “I'm married, may anak narin kami ng maganda kong asawa” magalang pero may pagmamalaki nitong sagot at umaasa siya na titigil na ito from invading his personal information.
Napangisi naman si Sopia alam niyang mahihirapan itong makuha si Troy pero Hinding hindi siya basta basta susuko. Wala pang nakakatanggi sa taglay niyang kagandahan kahit pamilyado pa ito. Pero mukhang iba ang isang ito. Mukhang hindi tumatalab ang charm niya at halatang faithful and loyal ito sa asawa. Bigla tuloy itong na kuryos sa personality ng Asawa nito. Ganoon ba ito kaganda na pati siya ay tila' tiklop sapang aakit sa lalaki.
“Nagpapakipot kapa ngayon. Let's see kung hanggang kailan” usal nito sa sarili.
ITUTULOY.....
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Brgy. Nursery
Masbate
5400