Djkjay

Djkjay

Share

airplays

23/10/2024

NASYUNAL // MEMORANDUM CIRCULAR No. 67, S. 2024, INILABAS NG PALASYO KAUGNAY SA SELEBRASYON NG UNDAS

MAAGANG inilabas ng Malacañan ang Memorandum Circular No, 67, s. 2024 kahapon upang mabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na maayos na maipagdiwang ang mga tradisyonal na selebrasyon ng All Saints at All Souls Day ngayong taon,

Upang bigyan sila ng oras para maayos at matiwasay silang makapagbiyahe papunta at pabalik sa iba't ibang rehiyon ng bansa, gayundin upang makatulong na mapasigla ang lokal na turismo.

Gayunpaman, ang mga ahensya na ang mga tungkulin ay may kinalaman sa paghahatid ng pangunahing serbisyo at serbisyong pangkalusugan, kahandaan/tugon sa mga sakuna at kalamidad, at/o ang pagtupad ng iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon at magbibigay ng kinakailangang serbisyo.

Saad din ng Memorandum na ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas ay suspendido sa Oktubre 31, 2024 simula alas-12:00 ng tanghali.

Samantala, ang suspensyon ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay nakasalalay sa pagpapasya ng kanilang mga pinuno.

-JAAL News Update

Source : Office of the President via Presidential Communication Office

📸 OP/PCO

Want your business to be the top-listed Media Company in Masbate?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Masbate
5400