DepEd RXII New Xavier ES
New Xavier Elementary School, a public school dedicated to providing quality and accessible education. Supported by committed teachers and an active community.
13/06/2026
๐๐๐๐, ๐๐๐ญ๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฌ๐๐ ๐๐ฐ๐ ๐ง๐ ๐๐ง๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐ฅ๐๐ก๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ง๐ ๐๐๐; ๐๐ง๐ . ๐๐ฎ๐ฆ๐จ๐ ๐๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฅ๐๐ฅ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ
Matagumpay na isinagawa ng New Xavier Elementary School ang 1st PTA General Assembly Meeting noong Hunyo 11, 2026 para sa taong panuruan 2026โ2027. Isa itong makabuluhang pagtitipon na nagbigay-daan sa mas masiglang ugnayan ng mga g**o, magulang, at pamunuan ng paaralan.
Sa demokratikong proseso ng halalan, muling nahalal si Gng. Noemi C. Lumogdang bilang Pangulo ng PTA. Ito ay makasaysayang pagkakataon dahil siya rin ang nagsilbing pangulo noong T.P 2020โ2021, sa kasagsagan ng pandemya, kung saan ipinakita niya ang matatag na pamumuno at malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral at mga magulang.
Kasabay nito, buong puso ring ipinahayag ng NXES ang pasasalamat kay Gng. Mary Jean P. Dagohoy, na naglingkod bilang pangulo ng PTA sa loob ng mahigit tatlong taon. Ang kanyang dedikasyon at walang sawang serbisyo ay nagbigay ng malaking ambag sa paaralan at pagpapatibay ng samahan ng mga magulang at g**o.
Ang NXES ay naniniwala na sa pamumuno ni Gng. Lumogdang, at sa patuloy na suporta ng buong komunidad, mas lalo pang lalakas ang ugnayan ng paaralan at mga magulang tungo sa mas matagumpay na paglalakbay ng mga mag-aaral ngayong T.P 2026โ2027.
๐จ๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ โข ๐ฉ๐๐๐๐๐
โ๏ธKhurt Razel S. Gregorio
06/06/2026
๐๐๐ฅ๐ฅ๐จ! ๐.๐ 2026-2027
Malugod na ipinakikilala ng New Xavier Elementary School ang mga masigasig na Teaching and Non-Teaching Force para sa School Year 2026โ2027. Ang bawat g**o at kawani ay handang magbigay ng de-kalidad na edukasyon, inspirasyon, at paggabay upang matulungan ang bawat batang NXESians na maabot ang kanilang buong potensyal.
Ang ating mga g**o ay hindi lamang tagapagturo, kundi sila rin ay huwaran ng disiplina, malasakit, at kahusayan. Kasama ang mga kawani at staff, sama-sama nilang itinataguyod ang isang ligtas, maayos, at masayang kapaligiran sa paaralan. Sa kanilang pagtutulungan, tiyak na magiging makabuluhan at matagumpay ang darating na taon para sa lahat ng mag-aaral.
Sa pamamagitan ng kanilang husay at dedikasyon, patuloy na itataas ng New Xavier Elementary School ang antas ng edukasyon at kultura ng kahusayan. Mabuhay ang ating Teaching Force, at mabuhay ang lahat ng mga Bata at magulang na patuloy na naglalakbay tungo sa tagumpay.
06/06/2026
๐ป๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐ฉ๐ฌ ๐ฝ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng masisipag at maalagang Brigada Eskwela Volunteers na naglaan ng oras, lakas, at malasakit upang ihanda ang ating paaralan para sa School Year 2026โ2027.
๐ฉโ๐ซ Lalo na kina Bb. Maribel Fuentes at Gng. Shera Mae F. Marbebe
๐๏ธ BLGU, BHW, at BPAT sa panguguna ni punong barangay, Ebenezer G. Feolog
๐๏ธ Kasundaluhan na laging handang tumulong
๐ฉ Boy Scouts na masiglang nakibahagi
๐ฅ SELG Officers na aktibong nakisama
๐จโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ Mga magulang na walang sawang sumuporta
๐๏ธ At higit sa lahat, sa LGU Matalam sa pamumuno ni Mayor Oscar M. Valdevieso.
Dahil sa inyong pagtutulungan, ang ating paaralan ay handa nang salubungin ang bagong taon ng pag-aaral โ malinis, maayos, at puno ng inspirasyon! ๐ซ
Muli, maraming salamat po sa inyong lahat. Ang tagumpay ng Brigada Eskwela ay tagumpay ng buong komunidad! ๐
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the organization
Website
Address
Purok 8, (Sitio Bugwak-New Xavier), Kibia, Cotabato
Matalam
9406
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |