DEPED MATNOG

DEPED MATNOG

Share

Pedagogy and Wisdom

22/09/2024

𝗠𝗔𝗥𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗟𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦

Alam mo ba na apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ang nagdeklara na ng batas militar sa bansa?

Apat na Pangulo na ng Pilipinas ang nagsailalim sa bansa sa batas militar: sina Pangulong Jose Laurel, Ferdinand Marcos, Sr., Gloria Macapagal-Arroyo, at Rodrigo Duterte. Bago nito, unang naitala ang proklamasyon ng batas militar sa bansa nang isailalim ni noo'y Gobernador-heneral Ramon Blanco ang walong lalawigan sa Luzon (na ngayo'y kinakatawan ng walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas) noong August 30, 1896 kasunod ng himagsikang pinasimulan ng mga Katipunero noong buwang iyon. Dalawang taon ang nakalipas mula nang matikman ng bansa ang unang martial law, isinailalim ni Emilio Aguinaldo ang bansa sa batas militar at itinuring ang sarili bilang diktador kasunod ng pagkakatatag ng dictatorial government. Nagtagal lamang ito ng halos isang buwan matapos magpalit ng anyo ng pamahalaan (revolutionary government) si Aguinaldo noong June 1898.

Sa pagpasok ng makabagong siglo, unang naranasan ng Pilipinas (na isa ng republika) ang batas militar noong September 21, 1944, nang isinailalim ni Pangulong José Laurel ang buong bansa sa martial law sa bisa ng Proclamation No. 29 kasunod ng mga pagsalakay ng Hapon noong World War II.

Makalipas ang 28 na taon, sa parehong araw, September 21, 1972, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. ang Proclamation No. 1081 na nagsasailalim sa buong bansa sa batas militar kasunod ng banta ng mga komunista at makakaliwang-grupo sa rehimeng Marcos. Tatlong dekada ang lumipas nang muling magdeklara ang Pangulo ng bansa ng batas militar. Iprinoklama ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong December 4, 2009 ang batas militar sa lalawigan ng Maguindanao sa Mindanao kasunod ng Maguindanao Massacre na naganap noong November 2009. Ito ay sa bisa ng Proclamation No. 1959.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang huling nagdeklara ng martial law sa bansa nang kanyang isailalim sa batas militar ang buong Mindanao noong May 23, 2017, sa bisa ngProclamation No. 216, kaugnay sa pag-atake ng Maute group.

Cana, Paul John (September 22, 2020). No, Marcos Wasn’t the First To Declare Martial Law in the Philippines. Retrieved from https://www.esquiremag.ph/long-reads/features/martial-law-in-the-philippines-a00289-20200922-lfrm

Want your school to be the top-listed School/college in Matnog?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Matnog