RCEF Mechanization Program
Aarangkada ang Magsasaka sa Tamang Makinarya!
#BastaMakinaryangRCEFLibre
04/12/2025
Sabay-sabay nating balikan ang mga episodes na nagbigay ng aral at inspirasyon saatin. Samahan sina Jhian at Pia sa huling episode ng Usapang RCEF bukas!✨
Tumutok: Radyo Agri 90.1 FM, 10 - 11 a.m.
May livestream din: Radyo Agri 90.1 FM PHilMech, DA-PHilMech, RCEF Mechanization Program, at RCEF Extension Program page.
04/12/2025
Tunay nga na state of the art ang RPS, bawat proseso ay sinisigurado na mas maganda ang kalidad ng palay at bigas, mabawasan ang postharvest losses, at tumaas ang kita ng magsasaka.😎
Mapapanood ang kabuuang interview sa: https://youtu.be/C6wQBGx7tyM?si=F7kj_5KeaMYDVsRG
02/12/2025
Ka-RCEF, nakagamit ka na ba ng RPS?🤔 Alamin bukas kung paano nito mapapataas ang milling recovery ng bigas!
Tumutok: Radyo Agri 90.1 FM, 10 - 11 a.m.
May livestream din: Radyo Agri 90.1 FM PHilMech, DA-PHilMech, RCEF Mechanization Program, at RCEF Extension Program page.
CALLING all Info Hub Beneficiaries! 📣 📣
Handa na ba ang inyong mga:
✅ Registration forms 📝
✅ Feedback forms 💬
✅ Photo documentation ng Info Hub corner 📸
I-submit ang inyong mga Info Hub documents sa 📧 [email protected]
01/12/2025
Ka-RCEF, napanood mo ba ang episode tungkol sa 𝗞𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗼𝗽𝗲𝗿𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗘𝗻𝘁𝗲𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗧𝗿𝘂𝗲 𝗘𝗰𝗼𝗻𝗼𝗺𝗶𝗰 𝗥𝗲𝗳𝗼𝗿𝗺?
Nagbahagi si Chairperson Catalino R. Obinario Jr. ng ilang payo para sa mga FCA na nais ding maging matagumpay sa tulong ng RCEF.
Binanggit niya na mahalang malaman ng mga FCA ang supply chain ng palay sa kanilang komunidad, dahil dito nagmumula ang oportunidad na magkaroon ng kabuhayan at magamit nang maayos ang mga makinang ibinigay sa kanila lalo na ang Rice Processing System.
May ilang FCAs na umiiwas mag operate dahil sa pangambang wala silang merkado, ngunit binigyang diin din ni Mr. Catalino na huwag pangunahan ng takot, dahil ang market ay dine-develop.
Ibinahagi niya rin ang practice ng kanilang kooperatiba sa pagkukwenta, kaya't alam umano nila kung paano mababawi ang kanilang mga ginatos.
Bago matapos ay, pinaalalahanan niya ang lahat na pag-aralan ang proseso ng pagpapalay, simulan ang pag-operate, humingi ng tulong sa lahat at magkaroon ng kaunting lakas ng loob na sumubok.
Mapapanood ang kabuuang interview sa: https://youtu.be/YX4hIlHbJIU?si=9Gi0ig0u0ZI5ya7s
28/11/2025
𝐏𝐇𝐢𝐥𝐌𝐞𝐜𝐡 𝐚𝐭 𝐅𝐀𝐎, 𝐧𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲-𝐤𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐚𝐠𝐫𝐢𝐛𝐮𝐬𝐢𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐝𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐜𝐡𝐢𝐧𝐞𝐫𝐲 𝐦𝐚𝐢𝐧𝐭𝐞𝐧𝐚𝐧𝐜𝐞
Matagumpay na naisagawa ng PHilMech at Food and Agriculture Organization of the United Nations (FAO) ang limang-araw na pagsasanay sa Agribusiness Development at Agricultural Machinery Troubleshooting, Repair, and Maintenance sa PHilMech Main Office, Science City of Muñoz, Nueva Ecija noong November 24–28.
Isinagawa ang aktibidad sa ilalim ng proyektong Sustainable Agricultural Mechanization – Agribusiness Development along the Value Chain through Farmer Field School (SAM-ADVC-FFS), na naglalayong i-enhance ang technical at entrepreneurial capacities ng SAM-ADVC implementers, farmer-mechanics, at service providers sa operation, maintenance, at business management ng agricultural machinery.
Sa unang bahagi ng pagsasanay, nagsagawa ng mentoring session tungkol sa agribusiness development, na dinaluhan ng 35 farmer-operators, mga miyembro ng local government units, at machinery service providers mula sa Nueva Ecija at Isabela. Ibinahagi sa mga kalahok ang mga basic concepts on enterprises, business model canvas, at ang pagnenegosyo sa pamamagitan ng farm machinery service provision.
Samantala, sa ikalawang bahagi ng aktibidad, 26 na kalahok ang sumailalim sa lecture-discussion at hands-on activities para sa troubleshooting, repair, at maintenance ng iba’t ibang uri ng makina tulad ng water-cooled diesel engine, air-cooled diesel engine, at gasoline engine.
Ilan sa mga nasabing kalahok ay benepisyaryo ng RCEF Mechanization Program, na hinikayat ni PHilMech Director III Joel V. Dator na maging katuwang ng ahensiya sa sustainable na paggamit ng mga makinaryang natanggap mula sa programa.
Ayon pa kay Dir. Dator, “Dahil sa mga matututunan ninyo, partikular sa machinery maintenance, kakayanin n’yo nang gawin ang mga kinakailangang hakbang kung sakaling magkaroon kayo ng problema sa inyong makinarya, maging sa preventive services nito. Hindi n’yo na agad kakailanganin ang mga technician dahil kaya na ninyong tugunan ang mga ito.”
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, inaasahan ng PHilMech at FAO na makabuo ng isang grupo ng technically skilled at business-oriented na local service providers na magiging frontliners ng SAM-ADVC-FFS approach upang masiguro ang tuloy-tuloy na functionality ng mga makina at mapalakas ang economic empowerment ng rural communities.
27/11/2025
Basta makinaryang RCEF?
27/11/2025
Makabagong makina, makabagong pag-asa. Alamin ang RCEF success story sa aming bagong episode ngayong Biyernes, mga ka-RCEF!✨
📻Tumutok: Radyo Agri 90.1 FM, 10 - 11 a.m.
May livestream din: Radyo Agri 90.1 FM PHilMech, DA-PHilMech, RCEF Mechanization Program, at RCEF Extension Program page.
26/11/2025
Your one-stop INFO HUB para sa lahat! 📖🤩
Hatid nito ang accessible at kompletong impormasyon sa modernong pagsasaka, diretso sa inyong komunidad.
Para sa mga magsasaka, kababaihan at kabataan, sagot kayo ng INFO HUB!
Tara, matuto together, mga ka-RCEF!
24/11/2025
𝐑𝐂𝐄𝐅 𝐊𝐚𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧
Sa bawat ektarya nasa 5% ang nawawalang ani kapag hindi maayos na naihahanda ang lupang pagtatamnan.
Kaya naman ngayong land preparation season, narito ang mga impormasyon tungkol sa kahalagahan ng wastong paggagayak ng lupang tatamnan.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
CLSU Compound
Muñoz
3119
Opening Hours
| Monday | 8am - 5pm |
| Tuesday | 8am - 5pm |
| Wednesday | 8am - 5pm |
| Thursday | 8am - 5pm |
| Friday | 8am - 5pm |