Ang Isarog

Ang Isarog

Share

Ang Opisyal na Pahayagang Filipino ng Camarines Sur National High School

30/06/2026

๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ ๐—ป๐—ฎ! ๐Ÿ™€

Panibagong buwan upang ipagpatuloy ang mga pangarap na sinimulan at mga layuning nais pang makamitโ€”padayon lang.

Photos from Ang Isarog's post 30/06/2026

#๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Ipinagdiwang ng Lungsod ng Naga ang ika-24 anibersaryo ng Philippine-Spanish Friendship Day kung saan ginanap ang isang pampublikong talakayan sa Plaza Rizal ngayong araw, Hunyo 30.

Nagsilbing pangunahing tagapagsalita si Prof. Danilo Madrid Gerona, habang si Prof. Leo Paulo I. Imperial mula sa Departamento ng Social Sciences ng Ateneo de Naga University (ADNU) ang namahala bilang lecture moderator at chairperson.

Bago ang lektura, nagkaroon muna ng Thanksgiving Mass at ang kaganapang ito ay bahagi ng paggunita sa ika-78 taon ng pagiging lungsod ng Naga.

Ulat ni | Mary Celine Chang/ Ang Isarog
Larawang kuha ni | Rachelle Rosario/Ang Isarog

28/06/2026

#๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก | Nagtulong-tulong ang mga magulang, mag-aaral, g**o, at iba pang kawani ng Camarines Sur National High School sa isinagawang General Rabuz, kahapon, Hunyo 27.

Isinagawa ang aktibidad bilang pakikiisa sa City-Wide and School Perimeter Clean-Up Drive ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Lungsod ng Naga upang matiyak ang malinis, maayos, at ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral at kawani ng paaralan.

Bidyo ni | Princess Anne Salvador/ Ang Isarog
Edit ni | Adrian Moral/ Ang Isarog

๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜บ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต ๐˜‹๐˜ช๐˜ด๐˜ค๐˜ญ๐˜ข๐˜ช๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜œ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜š๐˜ฆ๐˜ค๐˜ต๐˜ช๐˜ฐ๐˜ฏ 107 ๐˜ฐ๐˜ง ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜บ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต ๐˜ˆ๐˜ค๐˜ต 1976: ๐˜ˆ๐˜ญ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ ๐˜ช๐˜ด ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ "๐˜ง๐˜ข๐˜ช๐˜ณ ๐˜ถ๐˜ด๐˜ฆ" ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ข๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ฑ๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด. ๐˜•๐˜ฐ ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜บ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ง๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต ๐˜ช๐˜ด ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฅ. ๐˜”๐˜ถ๐˜ด๐˜ช๐˜ค ๐˜ฃ๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ด ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ช๐˜ต๐˜ด ๐˜ณ๐˜ช๐˜จ๐˜ฉ๐˜ต๐˜ง๐˜ถ๐˜ญ ๐˜ฐ๐˜ธ๐˜ฏ๐˜ฆ๐˜ณ.

24/06/2026

#๐—ฃ๐—”๐—ก๐—ข๐—ข๐—ฅ๐—œ๐—ก | Pansamantalang naantala ang klase sa Camarines Sur National High School (CSNHS) matapos maramdaman ang magnitude 3.7 na lindol sa Camarines Sur bandang alas-11:25 ng umaga ngayong Miyerkules, Hunyo 24.

Bilang pag-iingat, nagtipon-tipon ang mga mag-aaral at g**o sa mga itinakdang open area ng paaralan habang isinasagawa ang safety inspection ng pamunuan bago sila pinayagang bumalik sa kanilang mga silid-aralan.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang Intensity III sa Pili, Camarines Sur; Intensity II sa Iriga City; at Intensity I sa mga bayan ng Sagnay at Sipocot.

Natukoy naman ang sentro ng pagyanig sa bayan ng San Fernando, Camarines Sur.

Wala namang naitalang nasugatan o napinsala sa loob ng paaralan bunsod ng pagyanig.

Ulat ni | Matt Luste, Princess Salvador/ Ang Isarog
Bidyo ni | Jeffer Esteba/ Facebook

Want your business to be the top-listed Media Company in Naga City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Address


Peรฑafrancia Avenue
Naga City