Pagsibol Village South HOAInc
This page is for Pagsibol Village South Homeowner's Association only
PVSHOAI's 5th Monthly Assembly 2026
π’ IMPORTANT UPDATE: POSTPONEMENT NOTICE π’
Magandang araw Ka-PVS!
Nais po naming ipabatid na ang gaganaping Ika-5 Buwanang Asembleya na nakatakda sana ngayong araw (Mayo 31) ay ILILIPAT sa bagong petsa dahil sa hindi inaasahang conflict of schedule.
Narito po ang bagong detalye:
π Bagong Petsa: Hunyo 6, 2026 (Sabado)
π Oras: Simula 5:00 ng hapon
π Lugar: PVS Multi-Purpose Hall
Mananatili pa rin po ang ating mga opisyal na agenda. Hangad po namin ang inyong malawak na pag-unawa sa biglaang pagbabagong ito. Magkita-kita po tayo sa susunod na Sabado!
Maraming salamat po!
26/05/2026
π’ ANUNSYO PARA SA MGA RESIDENTE π’
Magandang araw po!
Inaanyayahan ang lahat ng miyembro ng Pagsibol Village South Homeowners Association Inc. sa gaganaping:
π Ika-5 Buwanang Asembleya (Monthly Assembly 2026)
π
Mayo 31, 2026 (Linggo)
π Simula 5:00 ng hapon
π PVS Multi-Purpose Hall
π Mga Tatalakayin:
Ulat ng mga natapos, kasalukuyan, at susunod na proyekto
Update sa By-Laws Amendment
Garbage Collection Updates
Ulat Pinansyal at Monthly Dues
Mga ulat mula sa ibaβt ibang komite
Mga programa at darating na aktibidad
Iba pang usapin (Open Forum)
Ang inyong presensya ay mahalaga upang mapag-usapan ang mga bagay na makakatulong sa kaayusan at kaunlaran ng ating komunidad.
π¬ βTayo ang PVSHOAI, Serbisyo higit sa pansariling interes.β
Maraming salamat po!
26/05/2026
π’ PAGSIBOL VILLAGE SOUTH HOMEOWNERS ASSOCIATION INC.
PABATID
Ang lahat ng residente ay inaanyayahan sa isasagawang General Check-Up.
π
Petsa: Mayo 27, 2026 (Miyerkules)
π Lugar: PVS Multi-Purpose Hall
β° Oras: 8:00 AM β 11:30 AM
Ito ay isasagawa sa tulong ng Brgy. Sabang BHW at RHU.
Para sa mga katanungan at paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa HOA Office o sa mga contact persons na nakasaad sa opisyal na anunsyo.
Maraming salamat po!
π’π§ Magandang Araw, Ka-Pagsibol! π§π’
π§ Ang ginagawang repair sa ating Water Tank ay patuloy na isinasagawa ng MDS Water - Naic, Cavite.
π° Bagamaβt sa kasalukuyan ay may tubig na dumadaloy sa ating mga gripo, ito ay bunga ng ating hiling upang pansamantalang maibsan ang pangangailangan ng bawat residente at mabigyan ng pagkakataon ang lahat na makapag-ipon ng tubig.
π Inaasahan natin na patuloy na aagapay ang Water Truck ng MDS, subalit amin pong hinihingi ang inyong pang-unawa dahil batid natin na hindi madali ang pagkakarga ng tubig mula sa kabilang village.
πͺ£π¦ Inaanyayahan po namin ang lahat na mag-ipon ng tubig habang mayroon pa tayong supply sa ating mga gripo.
π Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pakikiisa, at kooperasyon.
π‘ Sama-sama tayong magtulungan, Ka-Pagsibol!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Pagsibol Village South Brgy Sabang
Naic
4110