SK JAM DOLOR
Sangguniang Kabataan Provincial Federation President - Oriental Mindoro
SK Chairperson - Adrialuna, Naujan
27/08/2025
26/08/2025
β¨ DAY 1 | LINGGO NG KABATAAN 2025 β¨
π Province of Oriental Mindoro
π
Agosto 25, 2025
Kahapon ay sinimulan natin ang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan 2025 sa pamamagitan ng halalan ng ating Junior Officials! π³οΈπ©ββοΈπ¨ββοΈ
Mula sa ibaβt ibang bayan ng Oriental Mindoro, nagtipon ang mga kabataan na handang magsilbing inspirasyon, modelo ng liderato, at katuwang sa paghubog ng mas maliwanag na kinabukasan. π Isang makabuluhang hakbang para bigyang-boses ang kabataan at hubugin sila tungo sa tunay na paglilingkod sa bayan. π΅πβ¨
πΈ Silipin ang mga kaganapan kahaponβisang araw na puno ng pag-asa, pagkakaisa, at dedikasyon sa serbisyong kabataan para sa bayan. ππ΄
21/08/2025
πͺπ₯ Kabataang MindoreΓ±o, ikaw ang bida ngayong Linggo ng Kabataan (LNK) 2025! Ipakita ang talino, tapang, at talentoβsa pamumuno, laro, at sining mula Agosto 25β29, 2025 at Setyembre 5β7, 2025.
π Tampok na apat (4) na aktibidad:
1οΈβ£ Junior Officials
2οΈβ£ Poster Making Contest
3οΈβ£ Academic Day β Quiz Bee, Extemporaneous Speech, Debate Competition
4οΈβ£ Sports Fest 2025 β 3x3 Basketball, Chess Competition, Badminton, Scrabble, Games of the Generals, Intertown Volleyball
π· Makikita sa bawat larawan ang mga gabay at alituntunin ng bawat aktibidad. Magsangguni lamang sa inyong Municipal/City SK President upang makalahok.
31/03/2025
Congratulations, D' Circle! ππ€π»
Isang karangalan ang maging bahagi ng opening ng Inter-Commercial Volleyball League ng D' Circle noong March 22, 2025 sa Sentrong Pangkabataan, Sta. Isabel, Calapan City. Patuloy ang ating pagsuporta, pagtulong, at paglalaan ng lakas at oras para sa mga programang pangkabataan.
Sama-sama nating itaguyod, tangkilikin, at mahalin ang mga programa at hakbang tungo sa tagumpay ng mga kabataan! πͺπ
29/03/2025
Oriental Mindoro Provincial Youth Development Council Training Workshop on Parliamentary Procedure last March 15-16, 2025 at Bahay Tuklasan, Naujan. ππ€π»
28/03/2025
Isang malaking karangalan na makiisa sa Two-Day Volleyball League ng Athletes Rising to Challenge (ARC) noong March 15-16, 2025 na ginanap sa Naujan! π
Tinatangkilik natin at buong puso ang ating suporta sa mga programang tulad nito na hindi lamang nag-aangat sa kabataan sa sports, kundi tumutulong din upang maiwasan nila ang masasamang bisyo. Bilang SK Provincial Federation President, masaya akong maging bahagi ng mga inisyatibang nagpapalakas at nagbibigay ng oportunidad sa ating kabataan. Sama-sama tayong magtagumpay at abutin ang ating mga pangarap, kahit na may mga pagsubok na dumarating sa buhay. Sa abot ng ating makakaya, patuloy tayong magbibigay ng tulong upang maisakatuparan at magtagumpay ang mga programa ng mga kabataan. Maraming salamat sa mga atleta, organizers, at sa lahat ng nagbigay suporta sa matagumpay na event na ito! Salamat rin po kay Gov Bonz Dolor para sa pagbibigay ng request na trophies.
Lagi't lagi para sa kabataan π€π»π
27/03/2025
π
24/03/2025
Congratulations, Dβ Circle! π
27/02/2025
Isang matagumpay na outreach program ang isinagawa ng Provincial Youth Development Council (PYDC) sa pangunguna ng inyong lingkod bilang PYDC Chairperson, SK Provincial Federation President Jam Dolor, kasama si PYDO Sir Oliver Almeda at sa pakikipag-ugnayan ni Kuya Allen Balaibo. Kasama ang iba't ibang lider kabataan at youth organizations mula sa buong lalawigan, nagawa nating ipamahagi ang mahigit 200 food packs sa Brgy. Caagutayan, San Teodoro, Oriental Mindoro, matapos ipostpone ang outreach sa San Vicente, Roxas.
Lubos ang pasasalamat namin sa mga sponsors at sa mga katuwang na opisina ng SKPF at PYDC sa kanilang suporta upang magtagumpay ang gawain at makapagbigay ng biyaya sa ating komunidad:
Maraming salamat sa mga sumusunod na sponsors:
- Governor Bonz Dolor
- BM Jom Dimapilis
- BM Fay Ilano
- BM Alely Casubuan
- PSWDO
- PYDC Members
- MINSU Students
At nagpapasalamat din kami sa Sangguniang Barangay ng Caagutayan sa kanilang mainit na pagtanggap sa amin sa kanilang lugar.
26/02/2025
Isang matagumpay na outreach program ang isinagawa ng Sangguniang Kabataan Municipal Federation ng Naujan, kung saan ako po ay nakiisa bilang SK Chairperson ng Adrialuna, Naujan. Bilang SK Provincial Federation President, nagpaabot tayo ng personal na tulong at nagsponsor ng dagdag na ipamamahagi bilang suporta sa mga programa ng mga Sangguniang Kabataan sa ating lalawigan. Mahigit 100 food packs ang ating naipamigay sa mga katutubo na naninirahan sa Sitio Sido, Barangay San Andres, Naujan. Kasama po natin sa outreach program sina SKMF President CK Nagutom, SK Chairperson ng Brgy. San Andres SK Renalyn Gutierrez, at ilan sa ibang SK Chairpersons ng mga barangay sa ating minamahal na bayan ng Naujan.
Lubos ang pasasalamat namin sa lahat ng tumulong at nakiisa upang maisagawa ang programa ng Sangguniang Kabataan, lalo na sa aming mga sponsors, sa pamunuan ng Barangay San Andres, at sa mga opisyal ng nasabing barangay. Ang inyong suporta at pagtulong ay malaking kontribusyon sa tagumpay ng programang ito.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the public figure
Website
Address
Naujan
5204