Recommendation

Recommendation

Share

HISTORY MATTERS AND CURRENT EVENTS

01/09/2022

Maligayang pagdating po Ms. Wilfreza P. Balagosa !!!

31/08/2022

π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š π—žπ—”π—”π—₯𝗔π—ͺ𝗔𝗑, 𝗠𝗔π—₯π—–π—˜π—Ÿπ—’ 𝗛. π——π—˜π—Ÿ π—£π—œπ—Ÿπ—”π—₯

Ngayong araw inaalala ang ika-172 taong anibersaryo ng kapanganakan ng Filipinong manunulat, mamamahayag, abogado, at propagandistang si G*t Marcelo H. del Pilar. Siya ay tiyuhin ng heneral na si Gregorio 'Goyo' del Pilar, habang bayaw naman ng isa sa mga tagapagtatag ng Katipunan na si Deodato Arellano.

Isinilang sa Kupang, San Nicolas sa lalawigan ng Bulacan noong August 30, 1850, nag-aral si del Pilar ng abogasya mula sa University of Santo Tomas.

Taong 1882 nang siya'y maging patnugot ng pahayagang 'Diariong Tagalog' na mariing bumabatikos sa pamamahala ng Espanya sa bansa. Gamit ang kanyang sagisag-panulat na Plaridel (mula sa del Pilar), sumulat siya ng mga satiriko gaya ng 'Dasalan at Tuksuhan' at 'Kaiingat Kayo' na labis na kinapootan ng mga prayleng Espanyol sa Pilipinas. Pinalitan niya si Graciano Lopez Jaena bilang patnugot ng pahayagang 'La Solidaridad' sa Espanya, ang pahayagan ng kilusang Propaganda.

Kalaunan, nagkasakit si del Pilar at pumanaw noong July 4, 1896 sa Barcelona, Spain sanhi ng tuberkulosis, malayo sa kanyang pamilya. Naiuwi ang kanyang mga labi noong 1920 at inilibing sa Mousoleo de los Veteranos de la RevoluciΓ³n sa Manila North Cemetery. Noong August 30, 1984, muling inilipat ang kanyang mga labi sa kanyang pook-sinilangan sa Bulacan.

Kinilala si del Pilar bilang 'Father of Philippine Journalism', dahilan upang ideklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong April 2022 ang kanyang kaarawan bilang National Press Freedom Day. Ang dating bayan ng Quingua sa Bulacan ay pinangalanan ding Plaridel bilang pagkilala sa kanya.

Want your school to be the top-listed School/college in Navotas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


Navotas
1485