AGRI Party-list
Official page ng AGRI PARTY-LIST
23/04/2026
Maligayang kaarawan po, Ma’am Leni Robredo —isang tunay na huwaran ng tapat, matapang, at makataong pamumuno.
Sa tahimik ngunit walang sawang paglilingkod ninyo sa bawat Nagueño, may mga pusong hindi ninyo nakikita—mga taong tahimik na nahahawakan, napapalakas, at napapaalalahanan na may kabutihan pa rin sa pamumuno.
Sa napakaraming Pilipino—kayo ay naging isang paalala na ang tunay na lider ay hindi nasusukat sa posisyon, kundi sa puso at malasakit na handang ibigay para sa iba.
May mga pagkakataon na hindi man ito nasasabi, pero ang inyong halimbawa ay nagiging gabay—sa kung paano maglingkod, kung paano manindigan, at kung paano manatiling totoo sa tama kahit mahirap.
Ngayong araw, sana maramdaman ninyo—kahit sa katahimikan—ang taos-pusong pasasalamat ng marami sa lahat ng ibinibigay ninyo.
Dahil ang kabutihang ibinibigay ninyo ay hindi nawawala—nananatili ito sa mga taong tahimik ninyong naaabot.
Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng lakas, kapayapaan, at karunungan.
Maligayang kaarawan po.
03/04/2026
On this Good Friday, we remember the ultimate sacrifice—His life given so we may live.
May we carry His love, humility, and compassion in our hearts always.
Isang ligtas at mapagpalang , mga ka-AGRI!
08/03/2026
Nakikiisa ang AGRI Partylist sa pagdiriwang ng International Women’s Day, isang mahalagang araw ng pagkilala sa lakas, tapang, at ambag ng kababaihan sa paghubog ng ating lipunan.
Sa sektor ng agrikultura at pangisdaan, hindi matatawaran ang papel ng kababaihan. Sila ay mga magsasaka, mangingisda, negosyante, lider ng komunidad, at haligi ng pamilya. Sa kabila ng maraming hamon—kakulangan sa oportunidad, limitadong akses sa puhunan, at hindi pantay na pagkilala sa kanilang kontribusyon—patuloy silang nagsisikap upang mapabuti ang buhay ng kanilang mga pamilya at komunidad.
Naniniwala ang AGRI Partylist na ang tunay na kaunlaran ng bansa ay nakasalalay sa pagbibigay ng pantay na oportunidad sa kababaihan, lalo na sa mga nasa sektor ng agrikultura at pangisdaan. Mahalaga ang pagsusulong ng mga programang magpapalakas sa kanilang kakayahan, magpapalawak ng kanilang akses sa edukasyon, teknolohiya, puhunan, at merkado, at magtitiyak ng kanilang proteksyon at kapakanan.
Sa araw na ito, ipinapaalala natin na ang laban para sa gender equality ay laban ng buong lipunan. Patuloy tayong kumilos upang matiyak na ang bawat kababaihan—lalo na ang mga nasa kanayunan at baybayin—ay may boses, oportunidad, at pagkilala sa kanilang mahalagang ambag sa ating bansa.
Mabuhay ang kababaihang Pilipino. Mabuhay ang lakas at dignidad ng kababaihan sa agrikultura at pangisdaan. ✊🏻💚🇵🇭
19/02/2026
Ramadan Mubarak sa ating mga kapatid na Muslim!
Nawa’y magdala ang banal na buwang ito ng kapayapaan sa inyong mga puso, tibay ng pananampalataya, at pagpapala sa inyong mga pamilya.
Habang kayo ay nag-aayuno at nananalangin, kaisa ninyo kami sa hangaring magkaroon ng makatarungan, mahabagin, at nagkakaisang bansa.
Kasama ninyo ang AGRI Partylist sa panalangin para sa mas mapayapa at marangal na buhay para sa bawat Pilipino. 🇵🇭
25/12/2025
Nagdadalamhati ang buong AGRI Party-list sa pagpanaw ni Hector Loyola, isa sa mga haligi at matibay na katuwang ng aming mga adhikain at pangarap para sa bansa.
Bilang dating ikalawang punong lungsod ng Oas, Albay, buong husay at malasakit niyang ipinamalas ang tunay na kahulugan ng paglilingkod—laging inuuna ang kapakanan ng kanyang mga kababayan.
Bilang kabahagi ng AGRI Party-list, nagsilbi siyang tulay upang mas mapalapit at mas marinig ang tinig ng ating mga magsasaka at mamamayan sa iba’t ibang panig ng bansa. Ang kanyang dedikasyon at paninindigan ay mananatiling inspirasyon sa aming patuloy na laban.
Ipinaaabot namin ang aming taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Lubos kaming nagpapasalamat sa Panginoon sa biyayang makasama siya sa napakaraming laban at tagumpay para sa bayan.
Maraming salamat sa iyong buhay at paglilingkod, Long Hair.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Website
Address
Navotas