Blue Note
Librong Naglalaman Ng Mensaheng kwento ng iba't ibang buhay 😁
30/12/2022
paalam dalawang libot dalawangput dalawa 💪
ilang araw na lang guys at tuluyan na magpapaalam ang taon dalawang libot dalawangput dalawa.
salamat sa lahat kahit na medyo mabigat ang yung pinadama at iiwanang ala ala sa amin.
ang iba ay sumuko na sa bigat, ang iba'y nawalan ng pag asa sa dami ng kanilang pinagdaanan.
saludo ako sa mga taong sinubok ng panahon, hindi hinayaang malumbok at mabaon.
ngayon sabay sabay nating salubungin ang dalawang libot dalawangput tatlong taon.
alam kung marami pa tayung pagdadaanan pero sinubok na tayo ng napakaraming panahon.
ngayon sasalubungin natin ito ng mas matatag kaysa noon kaya saludo ako sa mga taong hanggang ngayon
hindi sumusuko sa pagsubok ng panahon 🫡
💪
29/12/2022
paano kumawala, sa ganitong sestema na di nyo alam
ang aking pinagdadaanan, sa apat na pader na madilim,
mga bulong, na ayaw akung lubayan, kahit anu aking gawin.
di makahinga, sa gabing tanging unan aking sandalan,
luha, na kayang pumuno ng timba, na pwedeng ipandilig
mga salitang, ako lang din naman yung nakakarinig.
wala akong ibang masumbungan, nakakabalisa na rin,
di ko na alam, hanggang kailan ko to, kakayanin.
tanging nais ko lang , makawala sa ganitong sestema
hanggang sa huli akin tong sasambitin, patawarin mo ako aking AMA sa aking gagawin !! ⚰️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Website
Address
Forestry
Olongapo
2200