Ang Siklab
The Official Student Filipino Publication of Columban College Basic Education - Asinan Campus
26/02/2026
Apatnapung taon matapos ang EDSA People Power Revolution, muling binibigyang-diin ng mga tagamasid at lider sibiko ang kahalagahan ng pag-unawa sa makasaysayang pangyayari, kasabay ng panawagang patatagin ang mga institusyong demokratiko sa gitna ng makabagong hamon.
Nagbalik-tanaw ang ibaβt ibang sektor sa mga pangyayari noong 1986 na nagbunsod sa mapayapang pag-aaklas ng mamamayan laban sa pamahalaan noon ni Ferdinand Marcos Sr.. Sa ilalim ng batas militar, naharap sa matinding pagsubok ang kalayaan sa pamamahayag, oposisyon, at ilang batayang karapatan, ayon sa mga historyador.
Itinuturing na mitsa ng malawakang kilos-protesta ang pagpaslang kay Benigno Aquino Jr. noong 1983. Pagsapit ng 1986, naging sentro ng tensyon ang halalang pampanguluhan na nauwi sa malawakang pagdududa sa kredibilidad ng resulta. Libo-libong mamamayan ang nagtipon sa Epifanio de los Santos Avenue, partikular sa paligid ng Camp Crame at Camp Aguinaldo, upang igiit ang panawagan para sa pagbabago ng pamumuno.
Nagwakas ang apat na araw na pagkilos sa pag-alis ni Marcos sa pwesto at sa panunungkulan ni Corazon Aquino bilang pangulo. Ang transisyong ito ang nagbukas ng daan sa pagbabalik ng konstitusyonal na pamahalaan at muling pagbalangkas ng mga demokratikong institusyon.
Sa paggunita sa ika-40 anibersaryo, binigyang-diin ng mga akademiko at civic groups na ang diwa ng EDSA ay hindi dapat manatili sa alaala lamang. Ayon sa kanila, ang kasalukuyang hamon sa demokrasya ay mas nakikita sa paglaganap ng maling impormasyon, revisionism sa kasaysayan, at tumitinding polarisasyon sa lipunan.
βAng demokrasya ay hindi natatapos sa isang makasaysayang tagumpay. Ito ay patuloy na proseso ng pakikilahok at pananagutan,β pahayag ng isang propesor ng kasaysayan sa isang forum na ginanap kaugnay ng anibersaryo.
Habang patuloy ang mga talakayan at paggunita, nananatiling sentral ang tanong kung paano mapananatili at mapapalalim ang demokratikong kultura sa bansa. Para sa ilang tagamasid, ang sagot ay nakasalalay sa pagpapatibay ng edukasyon sa kasaysayan, malayang midya, at aktibong pakikilahok ng mamamayan sa pampublikong usapin.
Sa ika-40 taon ng EDSA, malinaw ang mensahe ng mga naggunita: ang aral ng People Power ay hindi lamang bahagi ng nakaraan, kundi gabay sa paghubog ng kinabukasan ng republika.
πΌοΈ: Alvin Solis | Patnugot sa Isports
14/12/2025
πHINDI KAILANMAN MAUUPOS ANG APOY! π
Buong pagmamalaking pagbati sa Columban College Asinan
ποΈ The Echo x Ang Siklab
sa matagumpay na pag-alab ng mga boses at panulat sa Division Schools Press Conference na ginanap sa Regional Science High School III at SPED-G noong Disyembre 11β12, 2025. π
π Ikalawang Pwesto β Overall School Highest Pointer
Private School Category
π LAHAT NG MGA NAGWAGI AT KINATAWAN:
π° News Writing (Filipino)
Melissa Tala β π₯ 3rd Place (RSPC Qualifier)
βοΈ Editorial Writing (English)
Ruelyn A. Lacuesta β π₯ 3rd Place (RSPC Qualifier)
βοΈ Editorial Writing (Filipino)
Christ Jr. A. Rodriguez β 4th Place
ποΈ Feature Writing (Filipino)
Sanjo A. Martorillas β π₯ 2nd Place (RSPC Qualifier)
π Sports Writing (Filipino)
Alvin M. Solis β π₯ 2nd Place (RSPC Qualifier)
πΈ Photojournalism (English)
Junuel Lebron A. San Pedro β π₯ 1st Place (RSPC Qualifier)
π¨ Editorial Cartooning (English)
Azriel Ailan A. Dominisac β π₯ 2nd Place (RSPC Qualifier)
π¨ Editorial Cartooning (Filipino)
Angel Ericselle M. Reyes β 4th Place
π Column Writing (English)
Aaliyah Nicole B. Galicinao β 4th Place
π Column Writing (Filipino)
Lebron James Q. Bawar β 4th Place
π§ Copyreading & Headline Writing (English)
Icee T. EscaΓ±o β 5th Place
ποΈ Radio Scriptwriting & Broadcasting (Filipino)
π₯ 1st Place (RSPC Qualifier)
π
Best Presenter | Best Script | Best Technical Application
Daphne Aleene Jimenea
Julius Deacon S. Gabriel
Lyra R. Ancheta
Lhady Samantha Raliet O. Fernandez
Danielle KC A. Calimbas
Lerince Nicole S. Delos Reyes
Ralph Gerald B. Antonio
πΊ TV Scriptwriting & Broadcasting (English)
π₯ 3rd Place
Iesha Christabel Ramos
Jairo B. Tirol
Heloise E. Tan
Hillary Mish San Pascual
Cameron Sofia F. Gapas
Lee Andizon A. Santos
Rean Rain Arbee D. Santos
π± Mobile Journalism (Filipino)
π
Best Output
Sanjo A. Martorillas
Isang malaking pagbati rin sa ating masisipag at dedikadong tagapayo na naging gabay sa tagumpay na ito.:
G. Francis Robert M. Dela Cruz
Bb. Sheila Marie C. Edrosolo
G. Vladimir R. Dela Cruz
Bb. Michaela Malixi
Mabuhay ang lahat ng nagwagi!
Padayon, CCA Campus Journalists! ποΈπ₯
04/11/2025
Muling bubuhayin ng SLPC 2025 ang diwa ng kampus journalism ngayong Nobyembre 5, 13, at 14! Hinihikayat ang lahat ng mga mag-aaral na makiisa, matuto, at makipagsabayan sa mga kapwa mamamahayag sa isang pambihirang pagsasanay at paligsahan. Sa tulong ng The Echo at Ang Siklab, ito ang iyong pagkakataong iparinig ang katotohanan, isulat ang pagbabago, at ipamalas ang lakas ng iyong tinig.
Tara na, Campus Journalist β ikaw ang susunod na boses ng bayan!
02/11/2025
ππ’π€π₯ππ π§π ππ’π°ππ§ππ , π©π’π§πππ©π¨π² π§π πππ
Siklab ng apoy ang lumiwanag sa Columban College Inc. - College, Asinan Campus matapos ganapin nitong ika-29 ng Oktubre 2025 ng alas-syete ng gabi ang πͺπππππππ π¨πππππππ na inilunsad ng Boy Scout of the Philippines.
Dinaluhan ng bawat pangkat ng BSP ang aktibidad kung saan pinangasiwaan ni G. Eris John Clavo ang aktibidad kasama ng mga senior scouts na bumuo sa pagsindi ng bonfire. Sumunod dito, pinangunahan ni Yelika Freylle A. De Guzman ang pagsasadula ng paghahanap ng liwanag.
Sa pagdaraos ng programa, hindi napigilang umikot at umawit ang bawat scouts palibot sa apoy at tinapos ito nang bumalik muli sa Msgr. Crisostomo A. Cacho Activity Center.
Ulat ni: Jaemie Orgaya | Patnugot ng Balita
Kuha ni: Jhane Rapal | Punong Litratista
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Contact the business
Website
Address
Olongapo