GoodKarma.
.
Buti na lang, sa kabila man ng pagiging kulelat
Ako pa rin ang pinakamahusay sa paningin ni Ermat
Minsan nilalagay lang tayo sa pangit na Posisyon para maging higit tayo sa kung ano tayo noon 👌
09/05/2024
Ang edad na 19, 20, 21, 22, 23 at 24 ay hindi madali. Nawalan ka ng mga kaibigan, nagkakamali ka, nahuhulog ka, nabibigo ka, napagtanto mo ang mga bagay, natamaan mo ang realidad, nawala ka sa sarili mo pero sa huli nahanap mo ang sarili mo at nagiging mas malakas ka.
04/05/2024
Magbawas ka ng mga taong wala namang naitutulong at puro stress lang ang nagagawa sa buhay mo. Nakakaubos kasi ng fighting spirit kapag puno ka ng pangarap tapos yung taong nakapaligid sayo eh lagi kang dinadown. Mas masarap kapag walang negativity, walang drama at walang toxic sa paligid mo. Mas kailangan mo ng mga taong totoo sayo, yung mga taong same energy at positivity ang binibigay sayo. Tandaan mong marami parin ang nakaka appreciate sayo. Magiging mas masaya buhay nyo.
☮️
25/04/2024
Pag sampa mo ng bente dos, sasampalin ka nang buhay na kala mo dati — chill lang.
Malalaman mo na yung salitang “di pinupulot ang pera” na dati ay naririnig mo lang sa magulang mo. Magtatrabaho ka, magbabayad ng tubig at kuryente, ‘tapos trabaho ulit. Paulit ulit.
Mamimiss mo yung batang ikaw, musmos, walang alam sa mundo.
May mga gabing bibilangin mo ang oras ng tulog mo kasi kala mo makakatulong ito.
Gigising ka para kumayod, humanap ng pera, perang akala mo sapat na, pero dahil salat ka, wala kang magagawa kundi tanggapin ang katotohanang ganto ang buhay.
Katotohanang dahil malaki ka na, malaki na rin ang bigat na papasanin mo. Dahil ngayong bente dos ka na, o bente tres, o bente singko, malalaman mong di ka nalang nabubuhay para sa sarili mong pangarap.
nauubusan na ako ng inspirational quotes basta wag ka mag drugs safe na siguro yon goodnight ☺️
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Olongapo